read.cash Log in
@Zzylith

Ilang oras na lang at magpapalit na ng taon. Nagpapasalamat ako una kay God syempre al naman natin na maraming nagdaan at na-overcome natin yung mga yun. Nawalan man ng mahal sa buhay, nawalan ng work, nagkasakit.. ano pa yan isipin mo na nandito ka ngaun at sasalubong sa panibagong taon. Pangalawa, sa mga mababait kong friends dito sa online. Sa mga surprise tips na natatanggap ko kahit bihira na lang magkakachat at sa mga madadaldal kong nakakachat haha di nyo alam minsan nadidivert attention ko sa masasayang bagay. Naging super busy lang talaga ako nitong mga nakaraan kaya bihira na magchat. Pangatlo, sa mga taong naiinis at may galit sakin. Tinuturuan nyo akong maging matatag - tunog speech sa stage char haha walang ganun sakin. πŸ˜…πŸ˜‚ Sana nga πŸ˜…πŸ‘€ Ayun, pagod si inday sa kusina. Yung mga niluto ko halos naubos kakabigay πŸ˜‚ Ok lang kasi natikman nila luto ko πŸ˜† sana masarapan sila. Nakadalawang New Year na ako dito sa Noise ah sana magtagal pa to 😊 Happy New Year sa lahat at ingat sa paputok ah! Salubungin natin ang taon na matiwasay at kumpleto. Ps. Pa-cham lemon cake ko πŸ˜†

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.