Isa akong batang musmos sa daan nagbabasakaling may maawa sa akin. Hindi ko gustong mamalimos pero dahil sa sitwasyon ni Inay napilitan akong manghingi ng pera sa daan. Naiintindihan ko ang karamihang nagdududa sa akin at sa mga kagaya kong batang kalye na naghihingi ng konting barya o pagmamahal dahil nga minsan may modus na nagaganap pero hindi lahat ay manloloko yung iba napilitan lang katulad ko.
Ako ay sampung taong gulang ulila na sa ama. Sabi ni Inay namatay daw si Itay noong pinagbubuntis pa ako, dahil doon pinalayas na si Inay sa aming bahay dahil wala ng rason para tustusan pa kami ng pamilya ni Itay. Sa mura kong edad marami na akong trabahong pinasukan dahil hindi na malusog ang pangangatawan ni Inay. Pero dahil pandemic halos wala ng nagpapalaba sa akin dahil natatakot sila sa amin. Napilitan akong mamalimos dahil medyo malubha ang hika ni Inay. Ayaw niya akong mamalimos pero yun nalang nakikita kong paraan para matustusan ang gamot ni Inay.
Isang araw namalimos ako sa isang babae hindi siya mukhang mayaman pero mukha siyang mabait. Ang dami niyang bitbit kaya tinulungan ko siya. Akala ko itataboy niya ako dahil karamihan sa mga nakasalamuha ko ay pinangdidirihan kami. Doon ako napadasal na sana lahat ng tao ay hindi mapanlait ayon sa damit, itsura at estado sa buhay ng isang tao. Napangiti ang Ale sa akin kaya nginitian ko din siya. Sabi niya ang ganda ko daw kapag ngumingiti ako kaya linuwagan ko pa ang ngiti ko dahil bihira lang ang nakakakitang maganda ako. Parang nahiya na akong mamalimos sa kanya dahil yung kabaitan niya palang ay sapat na. Yung hindi niya pagtaboy sa akin ng lapitan ko siya ay nakakataba na ng puso.
Tinanong niya ako kung anong kailangan ko sa kanya. Gusto kong sabihing pera sana para sa gamot ni Inay. Nagulat ako sa aking sinabi hindi ko sinasadyang sabihing bahay pero yun ang naisatinig ko sa Ale. Kalabisan naman yung sinabi ko sa kanya kaya binawi ko yung sinabi ko at sinabing joke lang yun. Pero parang sineryoso niya yung sinabi ko sa kanya kase bigla siyang natahimik at maya-maya'y hinawakan niya kamay ko at pinagdasal ako. Pagkatapos niyang magdasal sinabi niyang ganun daw ang ginagawa niya kapag wala siyang maibigay. Pinagdasal niya daw ako na sana makatagpo ako ng taong mas makakatulong sa akin. Napayakap ako sa Ale dahil sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako nakakilala ng taong ipagdadasal ako bukod sa aking Inay. Nagpasalamat ako sa kanya dahil pinagaan niya ang aking loob. Binigyan niya ako ng limang daan na ayaw ko sanang tanggapin dahil yung dasal niya ay sapat na para sa akin. Pero pinagpilitan niyang tanggapin ko iyon at sinabi niyang magkikita pa kami.
Umuwi na ako agad kay Inay kahit marami pa sana akong oras sa pamamalimos pero para sa akin sapat na ito sa ngayon, ayaw ko din namang lubus-lubosin yung kabaitan ng tao baka maubos pa ito. Nagulat ako ng hindi ko nadatnan si Inay agad akong nabahala dahil mahina pa siya. Ng makita ko siya sa likod ng puno ay yumakap ako sa kanya at binalita ko sa kanya yung Aleng mabait. Sabi ni Inay ipagdasal ko din siya at sabay kaming nagdasal.
Hindi kami umalis ni Inay sa aming pwesto dahil pakiramdam namin mababait ang mga tao dito. Linggo-linggo may libreng pagkain dito at tumutulong si Inay sa pagbibigay ng pagkain. Masaya ako kapag nakakasalamuha kami ng mga taong hindi kami pinangdidirihan.
Isang araw may nakita si Inay na nadapang Ale agad-agad siyang tumakbo para tumulong. Sinundan ko si Inay baka kase mapano pa siya. Nagulat ako na yung Ale ay yung aleng mabait. Matagal na daw niya akong hinahanap dahil gusto niya daw akong ampunin napatingin ako sa aking Inay at ngumiti siya sa akin parang ayaw kong iwan si Inay. Pero sabi ng ale pati si Inay ay kasama ko. Hindi na kami humindi dahil isa na itong pagbabago sa aming buhay tama nga ang sabi ng Ale na magkikita pa kami at ngayon ay parte na kami ng kanyang pamilya. Thank you Lord!
Authors note!
Hello isa lamang fictional story ito pero gusto ko lang bigyan ng kwento yung batang kalye kanina na humihingi ng pagmamahal mula sa barya-baryang pera. Kung wala akong maibigay napapadasal nalang ako sa kanila secretly and quitely na sana makita sila ng taong mas nakakatulong sa kanila.
Salamat sa pagbabasa! Godbless!
Lead image source:https://kwentongkutsera.tumblr.com/limos
Nakakalungkot isipin na sana yan ang binibgyan ng atensyon ng ating pamahalaan para kahit ppaano ay mabawasan sila..