Ancestral House Or Haunted House? Ito yung Ancestral House na matatagpuan mo dito sa Naga City. Once napapadaan at natitigil kami sa tapat ng bahay nayan. Hindi ko mapigilan na mapalingon dyan. Kung ano-anong sumasagi sa aking isipan. Sa una talaga, iisipin mong baka may, nagpapakita dyan white Lady kapag gabi. O kaya may nagpapakitang mga multo. Wala ka, kasing makikitang tao sa bahay. Puro sinauna pang bintana ang makikita mo dyan. Bawat tapat ng bintana ay mga ibat-ibang…
@Ysa19 in July 2022
Ginger Tea Ginger tea with matching lumulutang na buto ng kalamansi. Haha.. Nagtimpla ako ng ginger tea, kasi ang ka tea ng lalamunan ko ngayon. Ma-tea-gas kasi ang ulo ko. Hindi naman ako kasi sanay uminom ng malalamig, uminom ako ng malamig na malamig na coke zero kahapon. Ayon tuloy, sa ka tea gasan ng ulo ko. Ito tuloy ang napala ko. Kaya mag teatea is na lang ako. Haha.. Ysa19-🌺
Napanaginipan ko si Papa kagabi. Nag-uusap daw kami, pero hindi kona matandaan, kung tungkol saan ang pinag-uusapan namin. Basta ang natandaan ko lang, nakangiti sya, habang nag-uusap kaming dalawa. Kay bilis lang talaga ng panahon. July 2 na pala ngayon. Kaya pala nagpakita naman si Pa'pa sakin sa panginip. Birth month nya pala kasi ngayon. Kahit wala na sya, still hindi parin namin nakakalimutan ang kaarawan nya sa darating na 21 I know nasa mabuti na syang lugar ngayon.…
Don't stop when you're TIRED Stop when you're DONE! Sometimes ganito ako. Once nasimulan ko ang isang bagay na gawin. Hindi ko sya hinahayaan na iwan na hindi pa sya tapos. Balewala sakin kung pagod na ako o gutom na. Basta matapos ko lang sya. Masarap kasi sa pakiramdam, yung tipong, may nasimulan ka at may Natapos ka, sa sarili mong pagsisikap, hindi ka pweding magreklamo, kasi gusto mo ang gingagawa mo. Once na achieve muna yung gusto mung maabot o magawa, ayon ang sarap…
Man's Best friend (Jackie ) Ang aso ng bayaw ko na namatay 2 months ago. Akala mo sarili ang kalsada. Palibhasa, nasanay sya sa mga sasakyan. Lumaki sa kalsada at sanay na sanay sya sa mga tao. Kahit hindi nya kilala, ang bait nya talaga. kaya naman nawiwili sa kanya ang mga customer's sa kainan ng kapatid ko.Halos araw-araw kaharap nya ang mga kumakain sa eatery.haha. Sa totoo lang kilala na sya dito ng mga customer's Mas kilala pa kisa sa mga food server's.hehe. Hindi…
Hey what's Up ☝️ Yung dating sobrang maingay na site noon, bakit sobra ng tahimik ngayon? Hoy! Nasan naba kayo? Halina at samahan nyo ako sa pag-iingay.. Bagong umaga naman at sana panibagong Pag-asa din sa ating lahat. Huwag malungkot at panghinaan ng loob. Sapagkat ginhawa din ang susunod.. haha.. Shout-out nga pala sa mga sobrang tahimik dyan! Let make some noiseeeee... Goodmorning to all Ysa19-🌺
Chikboy kaba? Labas na ang mga chikboy dyan! Hinahamon ko kayo. Haha. Joke! Natawa ako dito sa junkfoods nato. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong chichirya. Binigay sakin ng kapatid ko kanina Sabi nya, kainin muna, masarap naman yan. Masarap nga sya, sweetcorn flavor. Pero natatawa lang ako sa pangalan ng chichirya. Sino kayang nakaisip nyan? Siguro chikboy din sya?haha Malawak din ang utak.. Agaw pansin sa mga tao . Parang katulad din ng boy bawang.. Sabi nga daw,…
Need Help! Haha. Habang naglilinis ako ng kwarto ko, bigla kung nagsagi yung lalagyan ko ng mga plants dito sa kwarto ko. Huhu. Tingnan nyo naman, nagkawatak-watak sila. Haha.Imbes may gagawin pa akung iba. Dito na ako na stock sa isang sulok, para ayosin lang ito. Yan kasi, hindi nag-iingat! Yan tuloy doble ang trabaho mo. Haha!! Para lang ako nitong nag-papuzzles 🤔 Ysa19 is in the house yow! How about you mga ka Noise? Goodmorning! Ysa19 -🌺
Waze ginawa kaba, para ituro ang tamang daan? Or ginawa ka lang para maligaw sa tamang daan? Haha. Kausap ko yung kapatid ko kanina. Pumunta kasi silang manila kahapon. Kasama sana ako, pero dahil sa may ubo ako at sinisipon, hindi na lang ako sumama. Sayang joyride sana. haha.. Yung nga, pumunta silang manila para sa medical exam ng kapatid ko at pamangkin ko sa St. Lukes Hospital. Pero doon muna sila tumuloy sa bahay ng kapatid ng bayaw ko sa General Trias Cavite. To make…
Craving for Santol Dahil sa season ngayon ng santol. May dala kahapon ang kapatid kung mga santol. Sabi nya matamis daw. Pero hindi koman lang pinansin. Haha. Pero ngayon, pagkatapos kung kumain, nakita ko ang santol sa may lamesa. Parang sinasabi nya sakin, halika na at balatan at tikman mo ako. Kahit medyo maasim ako masarap naman kapag natikman mo.haha. Ayon natukso nga ako at binalatan ko sya. Ganyan po mga ka noise ang pagbabalat ng santol. Yung may kasamang style.…
Bakit ba sobrang ilap mo? Gusto kung mapalapit sayo, Pero ikaw naman ay layo ng layo. Kahit saan-saan na lang gustong dumapo. Sila ba'y sobrang tamis? Kasi ikaw ay pilit na dumidikit? Sa unang pagkakataon.. Nakapicturan din kita Munting paro-paro. Kahit ikaw ay sobrang malikot, ligaya naman sakin ay dulot. Dahil sa pagkampay ng iyong mga pakpak. Puso ko ay nagagalak.. Sa palipat-lipat mo sa mga bulakalak. 🦋 Ysa19-🌺
Shine like the Stars? Ang hirap naman ng ganyan ano! Maging maningning ka gaya ng mga bituin? Paano at saan ba natin ito sisimulan? Para sakin, sisimulan ko yan sa pagmamahal sa sarili ko. Para maibahagi ko din ang pagmamahal ko sa iba. Magshare ng mga kaalaman. Tumulong sa mga nangangailangan, spritual man yan o emotional. Maging bahagi ka ng kasiyahan ng iba at huwag kang maging maramot sa kapwa. Mahalin mo ang lahat na nagmamahal sayo, pamilya moman yan o mga kaibigan.…
New Day Another brand-new day! Another day to start. Another stories to be written. Its either bad or good We must be ready to face it... And tell this to yourself.. I can do this.... 💪 It's Tuesday and ThankGod for another Day Morning ✨ Ysa19 -🌺
Natulog akung napakalakas ng ulan at hanggang paggising ko maulan parin. Pero laking pasasalamat parin yan, kasi ang ulan and biyayang mula sa langit. ☝️ Padaan lang po muna ako mga ka Noise. Medyo busy ako mamaya, birthday ng kaisa-isa kung inaanak na pamangkin., Pero wala namang handaan na magaganap, kasi ang gusto nya ay maglalaro lang daw sa Kidzoona sa Robinson, kasama ang mga pinsan nya..at Jollibee lang daw sya after maglaro.haha.. Ysa19-🌺
Emojis Make us Smile 😁 Ganda naman ng slogan ng kidzoona... Emojis makes us smile. Paano naman kung ang emojis ay sad? Mapangiti kapa kaya? Haha.. Kapagod! Kararating lang namin from Naga City, at dun nga sa kidzoona at world of fun ang napili ng pamangkin ko, para maglaro kasama ang mga pinsan nya. Dahil sa six birthday nya ngayon, Kaya sige at pagbigyan ang hiling. Kahit simpling mga laro lang, takbo dito, takbo dun.. slide dito slide dun.. pero makikita mo ang saya sa mga…
Para maabot nating ang taas ng ating pinapangarap. Kailangan natin munang dumaan sa paghihirap. Walang nagtatagumpay sa buhay, kung hindi dumadaan sa paghihirap. Wala rin nagtatagumpay, na nagsisimula agad sa mataas. Gaya lang ng hagdan nyan, Kailangan nating muna, dumaaan dyan, mula sa baba, papunta sa taas at taas naman papunta pababa. Kaya ikaw,kung feeling mo nasa baba ka ngayon, Darating din ang araw, na makakaabot ka sa taas. Basta kailangan mo lang magsumikap. Work…
Kung ikaw ay nagugulohan. Sa bigat ng yung pinapasan. Halina at sabay nating tingnan, ang mga bituin sa kalawakan. Na waring nagsasabing,, Relax ka lang dyan at liliwanag at kikislap ka din, katulad kung isang munting bituin. Marahil ay naghahanap kayong bituin sa pics nyan ano? Hehe. Hindi pa sya kumikislap, Katulad ng buwan nyan.. Darating din ang oras, na Sya naman ang magniningning. Isang magpagpalang gabi sainyong lahat mga ka Noise. Ysa19 -🌺
Bakit kaya ganun? Lagi na lang akung kinakagat ng langgam? Ganun naba ako ka sweet? Haha. Pero sa totoo lang, naiinis ako sa mga langgam. Mas nauuna pa silang kumain kisa sakin. Kapag may tinakpan kang ulam o kaya ano mang pagkain sa mesa. Sila agad ang nauuna. Hehe. Hay naku! Kung pwedi lang ireklamo kay Kapitan. Kung hindi langgam, pusa ang kalaban ko dito sa bahay! Kaya ito, magkakape naman lang muna. Magmamadali na sa paghigop, habang maganda pa ang sikat ng araw.. Laba…
Sobrang tahimik ang buong paligid. Tila ba nagpapakiramdaman kung anung susunod na kabanata ng ating buhay ang darating.. Tila ba, may pader na nakaharang at pilit na hinaharangan ang bukas na gusto nating matanaw.. Ito ba'y pangit o maganda ang hatid? O sadyang kung anung dumating, sya nalang ang ating tatangapin? Kapalaran na hindi natin hawak kung anung ating kahihinatnat.. Pero para sakin, kahit ano pa yan. Laban lang tayo mga kaibigan.. Nandyan lagi ang DIYOs na lagi sa…
Maraming mga bagay-bagay ang naiisip natin, kapag tayo ay malungkot, stress sa buhay, stress sa lovelife, stress sa trabaho at stress sa pag-ikot na mundo. Hindi muba alam kung bakit nararamdaman natin ito? Kasi mga tao lang tayo. May puso at damdaming nasasaktan. Swerte nga natin kung tutuusin. Bakit? Kasi pagpapatunay lang yan na, hindi tayo mandhid. May pakiramdam parin., Gumagalaw at huminga parin. Kaya pa nating ayosin ang sa tingin natin ay mali at itama natin ito.…
Coated Pili Nuts.. Yan ang snacks ko ngayon. Haha. Muntik kopang maubos. MAbuti na lang at naalala ko. hindi pala akin ito.haha. Sa kapatid ko, humingi lang ako. Sobrang tamis nya, mamaya naman nito, susugod naman ang mga langgam sakin. Haha.. By the way, basta Pili nuts, tatak bikol yan, gawang bikol. Kaya yung mga dayuhan s aming probinsya, asahan muna yan, kapag umuwi sila, may bitbit yan Pili Nuts.. hehe . Gandang hapon mga ka Noise.. Meryenda napo.. Ysa19-🌺
Ano ba ang latest? Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga baby doll nato? Tungkol ba sa pagtaas at pagbaba ng gasolina? Haha. By the way, yan palang mga baby doll nyan ay nung pumunta ako sa house ng kapatid ko.Nagulat ako sa kanila nung lumabas ako sa kusina. Makita muba naman silang nakaupo sa upuan. Kagagawan pala ng pamangkin ko. Kung ano-ano tuloy ang pumasok sa isip ko. What if gumalaw sila at biglang nagsalita? Ano kayang gagawin ko? Hahaha.. Another memapost lang po, bago…
Hello Monday! Start naman ng bagong araw. Kaso hindi man lang nagpapakita sa amin ang haring araw. Gloomy parin ang weather samin. Parang laging nagbabadya ang ulan. Ulan na biyaya ng kalangitan. Kaya tingnan nyo naman ang mga halaman. Ganda ng mga bulaklak nila, kasi sagana sa tubig ulan. Sobrang nakakarelax silang pagmasdan. Pangpatanggal stress sa mga mata. Hehe.. Gandang umaga mga ka noise. Kaway-kaway po sainyo dyan. Halina na magpainit ng tiyan, Kape lang po ang…
Buong Pilipinas yata ay inulan ngayon ano? Kanina dito samin, may part na binaha ang lugar, dahil sa sobrang buhos ng ulan. Tapos kaninang madaling araw pala ay lumindol daw! I'm sure tulog na tulog ako nyan. Haha. Kahit ano paman ang nangyayari sa ating kapaligiran. Doble ingat na lang po tayo mga kanoise. Pabago-bago ang klima natin ngayon, iinit at uulan. Kaya dapat ingat tayo, bawal ang magkasakit. Nandyan parin si covid sa tabi-tabi kaya mag-ingat parin tayo. Parang…
Saying I Love you .. It's not the words I want to hear from you.....🎶🎵 Sweet naman ng naririnig kung music sa kapitbahay namin. More than words by Bryan Adams yata yan ano? Pero may revival nyan,babae at lalake yung kumanta. yun ang favorite ko.. By the way, goodmorning po sainyon lahat mga kanoise. Thuesday na pala ngayon. Kaya i choose to post muna, bago i choose na magtimpla ng kape. Hahaha. Ysa19-🌺 #FlowersmakemeHappy
Avocado tree 🥑 Nadaanan namin yan nung isang araw. Tamang-tama may binili yung kapatid ko sa tindahan at natapat kami dyan sa isang bahay. Biglang akung napalingon sa Puno ng Avocado nayan, ang dami kasing bunga. Kung pwedi lang, bumaba ako sasasakyan at para pumitas ng avocado, kahit isa lang. Haha.. Pero hindi pwedi, baka makasohan akung trespassing. Nasa loob kasi ng gate. Haha.. Craving lang sa avocado, sino ba ang meron dyan at pakibato lang dito sakin. Hehe.. Good…
Nuno sa Punso? Naniniwala ba kayo sa Nuno sa Punso? Nung bata pa ako, naniniwala ako dyan. Grabe ang imagination ko, kung ano nga ba ang nasa loob ng Punso nayan? Na iimagine ko noon, nasa loob nyan ay isang palasyo na kung saan, may nakatirang malilit na tao. May hari at reyna din. Mga kawal at mga katulong sa palasyo. May masasarap na pagkain, mga prutas at kung ano-ano pa. Pero yun pala ay mga kathang isip lang naman. Mga Sabi Sabi ng matatanda. Kapag may makita ka daw na…
Ang Ingay ng mga Ibon. Nagising ako sa ingay ng mga ibon sa tapat ng aking bintana. Tila ba may sa sinasabi sila sakin. Kaarawan palang kasi ngayon ng pinakamamahal kung lalake sa aking buhay. Kaarawan ni PaPa.. Kaso wala na sya, ilang years ng wala sya samin. I'm sure masaya na sya sa kabilang mundo. Kagaya ng mga ibon nayan na maiingay na tila ba ay may pinagdiriwang. Paano kaya nagcecelebrate ang mga mahal natin sa kabilang mundo, kapag may mga okasyon ano? Umaandar naman…
I can't imagine na wala akung makikitang bulaklak sa paligid ko! Parang ang lungkot nun ano? Wala kang ibang makikita kundi puro green lang dahil sa mga dahon. Bulaklak ang nagbibigay kulay sa mga halaman. Bulaklak din ang dahilan kung bakit may mga bubuyog at mga paro-paro. Kung wala ang bulaklak, kanino kaya sila dadapo? Sa noo mo? Haha. Mema thoughts lang po mga ka Noise. Happy lunchtime po sa lahat. #FlowersMakesmeHappy Ysa19 -🌺
Its friday once again. Ilang days naman goodbye July na tayo. Pero gaya ng paglipas ng araw tuloy-tuloy parin ang paglaban natin sa hamon ng buhay. Mahirap ano po? Pero kaya natin yan. By the way, habang nag-iikot ako sa garden namin, dito muna tayo sa dewdrops, Wala pang mga bulaklak kasi.Hehe. Gandang Umaga mga ka Noise. Ingat-ingat po tayong lahat. Uso naman ang ubo at lagnat. Dahil narin siguro sa paiba-iba ng klima ng panahon. Kaya ingat po tayo lagi, Specially sa mga…
Anyone na may sobrang ulam dyan! Pashare naman po sakin. Haha. Nagbabahang ulam naman dito sa Noise. Sana sa totoo ganun din. Hehe. Happy lunchtime mga ka Noise. Eatwell and live well po.. Napadaan lang at mamaya busy na ang beauty ko. Hehe.. Mema sa tanghalian.. 😀 Ysa19-🌺
Soon to Bloom Lastweek may nakita akung laman ng Lily doon sa bahay ng kapatid ko. Hindi nila masyadong naasikaso yung mga halaman nila dahil sa sobrang busy. Kaya sabi ko, sakin na lang yan laman ng lily at itatanim ko samin. Para naman kapag namulaklak sya, may pangpost naman ako dito. Haha.. Kaya ito na sya! Baka bukas lang ay magbloom na sya. Kaya tuloy ang post ko. Haha Ysa19--🌺 #FlowersMakesMeHappy
Life is a Constant Change! We're on the road We move from place to place And oftentimes when I'm about to call it home We'd have to move along Life is a constant change The friends we know we meet along the way Too soon the times we share form part of yesterday 'Cause life's a constant change And nothing stays the same, oh no On my way home,galing ako sa house ng Kapatid ko ng marinig ko ang kantang yan.. Constant Change.. by Josemarichan Ang lahat talaga ay nagbabago. No…
Sa sobrang init ng panahon ngayon. Tara muna at sumilong sa dahon. Mabuti na lang at maraming halaman dito samin at Mga punong kahoy. Kahit papano ay nababawasan ang init at napapalitan ito ng konting simoy ng hangin na nagmumula sa mga halaman. Tambay lang po sa terrace, hintay sana akung nagtitinda ice cream. Yung tig limang piso lang. Baka sabihin nyo sakin, ang kuripot ko naman? Wala po akung pambili ng Cornetto Ice cream. Hehe. Done with my lunch and sana kayo din dyan!…
Fire 🔥 Dahil puro about sa ulap ang nakikita kung post ngayon dito sa noise.Ito na lang po ang naisipan kung ipost! Ito yung totoong nagbabagang apoy. Lumalagablab sa sobrang tindi ang init.Kapag lumapit ka dyan, lechon ang aabutin mo.haha. Kuha ko yan kaninang hapon sa likod bahay ng kapatid ko. Nagsisiga kasi sila ng mga basura tuwing hapon. Para iwas dengue. Para yung mga lamok ay lumayo at matakot. Sino ba ang hindi matatakot sa ganyan apoy ano. Sobra sa lechon ang…
Lily represent purity innocence and rebirth. Update ko pala ito sa tinanim kung lily lastweek. Yung hindi na pinapansin na laman ng halaman na lily, tinatapak-tapakan na lang sa lupa, pagulong-gulong lang, minsan ay nasisipa pa sya. Tapos may isang dalagang naawa at pinulot sya sa kanyang pagkakadapa sa lupa, tinamin syang muli, inalagaan. Madali naman syang tumubo at ito na sya ngayon tadaaaaaa... Muli syang nagkaroon ng sigla at namukadkad na ang bulaklak nya. Lily…
Firstime to Capture like this. Hindi ko alam kung ano ba talaga yan? Bangaw o langaw? Whatever. Haha. Nakita ko yan kahapon na nakadapo sa bulaklak. Sabi ko sa sarili ko, behave naman nito. Hindi talaga sya gumagalaw kahit sobrang lapit na ako sa kanya. Kaya grab kona ang opportunity capture pa more. Haha. Magandang hapon na lang po sa lahat. Sorry for mema post.haha.. Meryenda time napo.. Ysa19 -🌺
Kahapon kumuha ako ng mga buto ng halaman na marigold yata yun. Pero yung kulay nya kasi ay hindi golden, puschia pink hehe. Marami na kasing tuyong bulaklak which is nandun yung mga buto nya para itanim muli upang magkaroon naman ng panibagong halaman. Sobra akung nahihilig sa mga bulaklak talaga at kahit noon pa. Sobra akung narerelax kapag nakakakita akung mga bulaklak sa paligid ko. Kaya pasensya napo kung halos puro bulaklak ang nasa post ko.Haha. Minsan nga naiisip ko,…
High Fever Kawawa naman ang pamangkin ko. May highfever daw sya tapos masakit ang body nya. Kumain daw kasi sya ng ice cream kahapon at chocolate. Pero sa totoo lang, marami ang nagkakasakit ngayon, dala siguro sa paiba-ibang klima ng panahon. Sana gumaling naman agad si Princess.. Ang lagi kung kakulitan, kausap, kaharotan na halos, ayaw nga saking mahiwalay.. Adik sya sakin.. hehe..
Saan kaya napunta ang mga bulaklak? Haha. Dahil wala pa akung nakikitang mga bagong bulaklak. Dito muna tayo sa mga ugat! Haha. Magandang umaga mga ka Noise. Meryerkules na naman! Sadyang kay bilis ng araw, sunod naman nito huwebes, biyernes, sabado at linggo. Parang yung kanta lang ni Imelda Papin.. Isang Linggong Pag-ibig. Kaya bilis kang Pagkiligin at kay bilis ka din nyang paluhain.. Ano daw? Hahahah. May masabi lang po, habang umiinom ng kape.hehe. Keepsafe Everyone!…
Puro about sa lindol ang post ngayon dito. Bakit hindi ko alam yan? Kailan at anung oras ba nangyari? O talagang mahimbing lang ang tulog ko kagabi? Haha. By the way! Happy tanghalian po sa lahat. Kain ng kain lang po, basta may pagkain at kahit simpling ulam lang yan. Huwag maging chossy ok! Hehe . Ysa19-🌺
Nagsisimula naman mangulit ang batang makulit. Panay naman watch sa YouTube habang nakasandal ang ulo nya sa paa ko. Hahaha. Hindi naman tuloy ako makaalis sa bahay nila. Pero good thing, kasi konti na lang ang lagnat nya, pero may ubo at sipon pa sya. Gusto nya daw gumaling na sya. Excited na daw syang pumasok sa school this coming august 8.. Magandang Umaga mga Ka Noise. Kaway-kaway na lang po sa mga nandito. Ysa19-🌺