read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Waze ginawa kaba, para ituro ang tamang daan? Or ginawa ka lang para maligaw sa tamang daan? Haha. Kausap ko yung kapatid ko kanina. Pumunta kasi silang manila kahapon. Kasama sana ako, pero dahil sa may ubo ako at sinisipon, hindi na lang ako sumama. Sayang joyride sana. haha.. Yung nga, pumunta silang manila para sa medical exam ng kapatid ko at pamangkin ko sa St. Lukes Hospital. Pero doon muna sila tumuloy sa bahay ng kapatid ng bayaw ko sa General Trias Cavite. To make the story short, kanina yung schedule ng medical exam ng mag-ina. Dahil hindi naman laging nasa manila, nagdownload yung kapatid kung lalake ng waze kasi sya yung driver. Para incase daw na hindi nya alam yung daan, may waze daw na maaasahan. Ayon na nga, nakarating din sila sa St.Lukes at natapos na yung medical exam ng mag-ina. Nung pauwi na sila sa General Trias Cavite. Parang ibang daan na daw ang tinuturo ng waze. Paikot-ikot lang sila, hindi nila makuha ang tamang daan pauwi sa bahay ng kapatid ng bayaw ko. Tawag ng tawag sakin yung kapatid ko, naliligaw na daw sila, sabi nya pa, pahamak na waze yan, kung saan-saan kaming tinuturong maling daan. Tawa naman ako ng tawa. Hehe. May kasama naman silang co-driver na halos pabalik-balik na din sa lugar nayon, pero bakit naligaw pa sila? Sabi ko tawagan mo si ano,, ito ang number ni ano.. Hala! Hindi daw talaga nila makuha ang tamang daan. Ang ginawa nila, binaligtad daw nila ang mga suot nilang jacket at yun, maya-maya ay nakuha na nila yung tamang daan pauwi sa bahay. Haha .. Balak pa sana nilang pumunta sa MOA Bukas...Pero sa nangyaring yun, ay ayawan na..hahaha.. Naniniwala ba kayo dun mga ka Noise? Kapag daw naliligaw ka, ay baliktadin mo lang ang iyong suot, para makuha mo ang tamang deriction ng daan? O baka mga kwento-kwento lang yan ng mga matatanda noon? Pero sa experience ng mga kapatid ko kanina, ay parang naniniwala na ako. Hahaa.. Ysa19 -🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.