Nuno sa Punso? Naniniwala ba kayo sa Nuno sa Punso? Nung bata pa ako, naniniwala ako dyan. Grabe ang imagination ko, kung ano nga ba ang nasa loob ng Punso nayan? Na iimagine ko noon, nasa loob nyan ay isang palasyo na kung saan, may nakatirang malilit na tao. May hari at reyna din. Mga kawal at mga katulong sa palasyo. May masasarap na pagkain, mga prutas at kung ano-ano pa. Pero yun pala ay mga kathang isip lang naman. Mga Sabi Sabi ng matatanda. Kapag may makita ka daw na Punso ay magsabi kang, tabi-tabi po. Bilang paggalang sa mga taong hindi natin nakikita na nasa kabilang mundo. Kasi daw, baka masagi natin sila at nagalit satin. Kung ano pang masama ang gawin satin. Pero may pangyayaring naganap dito sa lugar naman noon. Sa isang paaralan, may isang guro ang nag-utos sa mga studyante na gibain daw yung Punso sa likod ng paaralan. Kaya naman yung mga studyante, dali-dali namang sinonod ang utos ng kanilang guro. Sa madaling sabi, kinaumagahan may nagreport sa school, na yung mga studyantung sumira sa Punso ay may mga sakit daw at yung guro na nag-utos sa kanila na gibain ang punso ay may sakit din daw, kinalaunan may masamang balita ang dumating sa paaralan. Yung guro daw ay patay na. Sa d nila alam na dahilan, simula lang ng pinagiba nya yung Punso, dun narin nag-umpisang manghina ang kanyang katawan at tuloyan ng namatay. Kaya tayong mga tao, naniniwala kaman o hindi sa mga taong d nakikita, dapat magkaroon parin tayo ng respesto sa kanila. Huwag nating sirain ang mundo na hindi naman atin. Hanggang dito na lang po, ang kwento ni Lola Ysang. Haha . Ysa19-🌺
2 comments
anay yan hahahahahah....
Anay nga, haha. Pero hinahayaan lang ng kapatid ko. Mabuti na yung nag-iingat parin, malay mo totoong may duwende dyan. Hehe.