read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Ancestral House Or Haunted House? Ito yung Ancestral House na matatagpuan mo dito sa Naga City. Once napapadaan at natitigil kami sa tapat ng bahay nayan. Hindi ko mapigilan na mapalingon dyan. Kung ano-anong sumasagi sa aking isipan. Sa una talaga, iisipin mong baka may, nagpapakita dyan white Lady kapag gabi. O kaya may nagpapakitang mga multo. Wala ka, kasing makikitang tao sa bahay. Puro sinauna pang bintana ang makikita mo dyan. Bawat tapat ng bintana ay mga ibat-ibang pangalan na nakalagay. Sabi ng kapatid ko, dati daw yan private hospital nung unang panahon na pagmamay-ari ni Dr. Almeda. One time, sa sobrang traffic, dyan kami natapat, around 9 or 10pm na yata yun. Kung ano-ano naman na iimagine ko, feeling ko may nakadungaw sa may bintanang babae at nakatingin sya sakin. Sabi ng kapatid ko, huwag kana kasing tumingin dyan, alam nila kasi, minsan nakakakita ako ng hindi dapat nakikita.Haha. talagang kahit sino kikilabotan kayo kapag nakita nyo ang ancestral house na ito. Sa mga photos nyan, yan ang loob ng bahay na kinakatakotan dito sa Naga. Pagkaganda-ganda pala ng loob ng bahay. Halata mong mayaman ang nakatira dyan noong unang panahon. Sa mga walls, ceilings, floor sa mga furnitures. Parang na iimagine mo, nung panahon ni Maria Clara.. Ni Basilo at ni Crispin.. hehe. Photos not Mine Ysa19-🌺

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.