read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Kahapon kumuha ako ng mga buto ng halaman na marigold yata yun. Pero yung kulay nya kasi ay hindi golden, puschia pink hehe. Marami na kasing tuyong bulaklak which is nandun yung mga buto nya para itanim muli upang magkaroon naman ng panibagong halaman. Sobra akung nahihilig sa mga bulaklak talaga at kahit noon pa. Sobra akung narerelax kapag nakakakita akung mga bulaklak sa paligid ko. Kaya pasensya napo kung halos puro bulaklak ang nasa post ko.Haha. Minsan nga naiisip ko, kung bibigyan ako ng chance na magkaroon ng extra power. Gusto kung maging isang bulaklak. Magic flower, bulaklak na once makita at maamoy ng mga tao ang amoy nito ay gagaling sila kung may iniinda silang sakit o kahit yung may mga mabigat na pinagdaraanan sa buhay. Once maamoy nila ang samyo at bango ng bulaklak ay gagaan ang kanilang pakiramdam. Dami naman tuloy akung naiisip ngayon. Hehe. Gandang Umaga po sa lahat. Ysa19-🌺 #FlowerMakesmeHappy

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.