read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Lily represent purity innocence and rebirth. Update ko pala ito sa tinanim kung lily lastweek. Yung hindi na pinapansin na laman ng halaman na lily, tinatapak-tapakan na lang sa lupa, pagulong-gulong lang, minsan ay nasisipa pa sya. Tapos may isang dalagang naawa at pinulot sya sa kanyang pagkakadapa sa lupa, tinamin syang muli, inalagaan. Madali naman syang tumubo at ito na sya ngayon tadaaaaaa... Muli syang nagkaroon ng sigla at namukadkad na ang bulaklak nya. Lily represent rebirth. Galing sya sa parang wala ng Pag-asa pang mabuhay. Pero dahil sa tulong ng iba sya ay nabigyan ng muling Pag-asa para magkaroon ulit ng sigla at muling magbigay kulay sa mga taong nakakakita sa kanya. Kaya tayong mga tao. Huwag tayong mawawalan ng Pag-asa sa buhay. Kahit feeling mo ay sobrang nakadapa kana. Huwag kang mawawalan ng Pag-asa. Bumangon ka at laban lang kaya mo yan. Ysa19-🌺 #FlowersMakesmeHappy

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.