Shine like the Stars? Ang hirap naman ng ganyan ano! Maging maningning ka gaya ng mga bituin? Paano at saan ba natin ito sisimulan? Para sakin, sisimulan ko yan sa pagmamahal sa sarili ko. Para maibahagi ko din ang pagmamahal ko sa iba. Magshare ng mga kaalaman. Tumulong sa mga nangangailangan, spritual man yan o emotional. Maging bahagi ka ng kasiyahan ng iba at huwag kang maging maramot sa kapwa. Mahalin mo ang lahat na nagmamahal sayo, pamilya moman yan o mga kaibigan. Kahit nga kaaway kung meron man, kayanin mong mahalin, Kapag nakatalikod sya, sabay sabing mo tseee.. haha joke! Matuto tayong makibagay, Sa mga katrabaho man at sa kahit anung antas man ng kinalalagyan. Hindi kailangan maging sikat ka, katulad ng mga sikat na artista. Dahil may kanya-kanyang tayong taglay at may kanya-kanyang paraan para masabi sayong.. You shine like the stars ⭐✨ Dahil sa notebook nayan ang dami konang nasabi. Bahala na kayong magconnect kung tama ba ako o hindi ang aking mga nasabi. Nagmamadali napo akung magtype ng post ko. Kasi maglalaba pa ako. Habang nakikita kopang, maganda ang sikat ng araw. Katulad ng bituin, may taglay din ang araw, para masabi nating,, Rise and shine like the sun 🌞 Ysa19 -🌺
2 comments
very good hahahaha.. kaya lagi ko sinsabi.. share your shine always.. hihihi
Kaya bangon na dyan sa kama mo at magbahagi narin ng shine sa iba. Hahahaha.. Goodmorning