read.cash Log in
@Tadiak

so yun nga noh ahehehe.. magandang araw sa inyo mga ka noise mate.. kagabi kase bago ako matulog e naisipan ko magbukas ng noise.. at hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng simple task ni kuya noise.. (parang big brother noise house) BBNH hehehe..at ayun nga dali dali ko binuksan ang task na binigay sa akin. at ang sabi ni Kuya Noise. "house mate Tadiak bibigyan kita ng simple task sa araw na ito kung ikaw ay hindi gaano busy.. maari mo ba paglaanan ng oras para masagutan ang limang pung post na ibibigay ko sau.. suriin mo lang mabuti kung ito ba ay orihinal na post o ang mga ginamit na larawan ay galing lamang sa google.. kapag natapos mo ito ay gagantimpalaan kita ng tumataginting na 2usd.. maari mo na ito simulan.." siempre sarili version ko lang yan noh para maging hawig nga sa big brother house. pero parang ganyan na ganyan din naman pagkakasabi nya e in english nga lang.. weeehh so siempre naging mapanuri ako at sinapuso ko talaga ang ibinigay na task na ito..kase baka yun 2usd na gantimpala e mawala pa.. at isa pa ilan ilan lang din yata ang nabibigyan ng ganitong task ni Kuya.. inabot siguro ako ng isang oras sa pag sagot nitong task hahaha joke lang yun noh.. tapos yun nga.. tapos na ahaha. siguro kaya meron ganito experimento si kuya noise ay para maging maganda lalo ang pagsasamahan natin.. mapaganda pa lalo ang bawat nipopost natin dito.. parang pinatamaan nga nya ako e.. kase lam nyo na ang mga post ko e waley na waaley hahahaha so yun lang mga ka noise mate.. magandang araw uli sa inyo at kung isa ka rin sa nabigyan ni kuya noise ng task na ito.. binabati kita ^^

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.