so yun nga noh hehehe kakabasa ko dito sa post na andito e karamihan e prito ang nakikita ko.. tapos e reklamo sila na mahirap daw mag prito ng isda dahil sa natalsik ang mantika.. 😖 alam nyo ba na may teknik ako natutunan sa inang ko.. para hindi gaano tumalsik ang mainit na mantika sa tuwing ikaw ay mag prito ng isda? ang una mo gagawin ay mag prito ka muna ng bawang sa mantika na iyong pag priprituhan ng isda..simplehan mo lang.. mga 5 piraso nun kahit wag mo na alisan ng balat tapos e press mo lang sya ng kutsilyo nyo para madurog onte hehe.. tapos yun..i toasted mo na..mas ok. kasi magbibigay din ito ng lasa o aroma sa iprito na isda. legit yun pramis hehehe 😁 pero dapat e sa mahinang apoy lang kung ikaw ay mag prito na ng isda para swabe ang luto noh tapos para naman malaman kung luto na yun bahagi ng isda ni priprito mo.. hindi yun bibilingin mo agad e hindi ka sure kung luto na ba yun nasa ilalim.. kaya kadalasan nangyayari e dumidikit sa kawali yun laman ng isda.. ang gagawin mo ay pakinggan lang ang kulo ng mantika sa isda. edi ba may tunog yun.. na nagtatalsikan na mantika.. kapag yun e malakas pa ang tunog.. ibig sabihin nun ay hindi pa luto ang bahagi niprito mo.. at kung yun naman ay mahina na tunog.. yun pwede mo na sya baligtarin at perfect wala didikit sa kawali mo at hindi malalasog lasog ang karne ng isda niprito mo kapag ito ay iyo na nibaligtad.. pero siempre check mo din kung meron pa apoy ah. baka kasi kaya hindi natunog yun mantika e dahil sa wala na apoy hehe. so yun lang mga ka noise mate noh. sanay e may natutunan kau sa waley post kong ito ehehe.. magandang tanghali sa inyo 😂 🤣
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Magandang hapon at salamat sa tip mo. Ako once na pritong isda ang usapan, hindi mo ako maasahan dyan. Haha.. Kapag ako ang nagpiprito ng isda dati, alam na nila yun kung sino, kc may laging sumisigaw sa kusina. Hahaha.. Ikaw kaya ang matalsikan ng mantika 🤣
magandang hapon din sau mate.. maliit na bagay lang yun... lahat naman siguro e matalsikan ng mainit na mantika e mapapa aawww hehe
salamat sa idea po . hahaha naiinis ako pag nagpiprito , yun lang naman pinaka alam na luto . galit na galit yung mantika talaga . hahaha
ur welcome mate.. yun isda bago mo pahiran ng asin at paminta make sure mo na punasan mo muna sya ng tissue para maalis ang ibang wet wet dun ehehe. saka mo lagyan nun.. isa din kasi dahilan kaya natalsik ang mantika dahil sa tubig na na nasa isda..