DINUGUAN O TINUMIS so yun na nga noh. kahapon kase e habang ako e nagtingin tingin dine sa mga post ng mga ka noise mate natin. e madalas ko makita itong ulam na ito.. e alam ko kase na hindi lang dinuguan ang tawag dito.. kasi sabi ng nanay ko e tinumis daw hehe. pero siempre bata pa ako nun kaya madali ako naniwala.. e tapos nga ni search ko ngayun ang pagkakaiba ng dinuguan at tinumis. aba e meron pala sila pagkakaiba at ngayun ko lang yun nalaman.. o baka sa inyo e hindi nyo rin yun alam anoh..o baka ako lang talaga wala alam dito. hahaha. ang pagkakaiba pala ng dinuguan at tinumis e yun ginamit na ingredients na pampa-asim.. so bale ganito dinuguan = suka ang ginamit na pampa asim tinumis = sampalok ang ginamit na pampa asim. dahon man yan bunga o yun nabibili sa tindahan na powder.. at dagdag ko pa na sabi, ang ibang tawag dito sa inglis ay "chocolate meat" e sabi para daw mapakain mo yun bata nitong ulam na ito.. hindi bat parang mali ano.. baka pag pinakain mo anak mo nito at sinabi mo na "its chocolate meat anak masarap yan". e baka masabihan kapa ng anak mo ng. "luh luh si mama nang i-scam" hehe π so yun lang ano mga ka-noise mate e sana e may bago na naman kau natutunan sa waley post ko na ito. hehehe magandang umaga na patanghali na sa lahat.. uwu hahaha π
5 comments
Di ko nga alam na meron pala ibang name kapag iba ang ginamit na pampaasim. Minsan both ko gamit, so ano pala tawag na dun, dinuguang tinumis? Tinumis na dinuguan? or Dinumis? hahaha π π€£
ayy hindi ko alam ang tawag na dyan.. hhmmm siguro e pede na natin yan isama sa bagong vocabulary sa name ng mga lutong ulam.. yan pang huli mo sinabi . DINUMIS perfect sya halos hehe. may bago na tayo tawag ngayun dun kapag ginamit mo ang suka at sampalok sabay sa lulutuin mo na dinuguan at tinumis.. hahaha lintek salamat sa komento mo at nakakataba ng puso may bago na naman tayo natutunan nito. π credit to u madudes hehehe DINUMIS
parang ang duming pakinggan nung name. π π€£
hehehe bahala kana nga π π€£
Dinuguan yan e, nakakacrave haha.