BUTO NG MANGGA so yun nga noh hehe.. wala na makain kaya pinag-tyagaan yun malilit na bunga ng mangga dito sa katabi puno ng container office. pasensya na kau mga ka noise mate sa picture na nasa ibaba.. parang ningatngat ng kung anong ewan e noh. hahaha pero may kwento ako tungkol sa buto ng manga.. naniniwala ba kau sa pamahiin? kasi ako ou naniniwala ako.. ang ginagawa kasi namin sa buto ng mangga e pinapahid namin ito sa amin tiyan at pa-krus pa nga kung ito ay ipahid hehehe.. ito raw ay para hindi sumakit ang iyung tiyan after mo makakain ng mangga.. at baka tanungin nyo kung kanino ko nalaman ito.. e nun bata pa lang kase ako.. mahilig kami umakyat ng mga kalaro ko sa puno ng mangga at dun nga minsan kumakain nito.. at dun ko nalaman yun ginagawang ritual sa buto ng mangga. kadalasan kase mas ahead sa akin ang mga kasama ko o kalaro ko.. so yun na naniwala ako sa ritual na ginagawa nila ehehe.. sa isip ko nun e pag diko ginawa yun e baka hindi na nila ako bati at di na ako isali sa laro nila. hahaha. wala naman kako masama kung gagawin ko yun.. so yun lang mga ka-noise mate noh.. hindi ko sinasabi na gawin nyo rin yun ah.. e baka kako lang na meron din ibang noise mate dito na kaparehas pala ng ginagawa sa buto ng mangga. at hindi ko na rin nipicturan ang ginawa ko ritual sa buto ng mangga.. baka makita nyo pandesal eh. nyahahaha 😂 🤣
2 comments
hahaha dati naniniwala ako dyan . twing kumakain ng langka . kinkrus talaga sa tiyan para dinkabagin pagka tapos kumain . pero ng namulat na . hi di na tumatalab mga pamahiin ng lola ko kasi di na ako naniniwala .
hala sya hehe..dapat buhayin mo yun paniniwala na yun at maisalin sa bago henerasyon 😅✌️