read.cash Log in
@Tadiak

BATTERY = ISMONG so yun nga noh. hehe kwento ko lang nangyari kanina about dyan sa battery.. e kanina kase papasok na ako sa work ng bigla ko naalala na need ko pala bumili ng battery para dun sa aircon namin sa container office sa site.. sabi ko "do you have small battery?" pero di nya ako maintindihan..problema ko pa ay wala ako load sa phone para mag google man lang ng picture ng battery at ipakita dun sa bibilhan ko. aminin ko hindi kasi ako ganun karunong talaga mag salita ng salita nila hihihi. edi ginawa ko e pumasok na lang ako.. at hahanapin ko na lang kako yun bibilhin ko.. e naikot ko na halos yun tindahan nya e diko makita ang pwesto ng battery.. at dahil parang lutang ako kanina.. hindi ko naisip na i type ko ang word na battery sa phone ko at ipabasa sa tindera.. huli ko na na naisip na ganun nga ang gawin ko. hehehe tapos nun pinakita ko sa tindera ang word na BATTERY.. ang bigla nya nasabi ay "ahh tomong" yun ang pagkakadinig ko hehe.. so "tomong" pala ay battery sa kanila. at yun nga pinasunod nya ako dun sa counter at dun pala nakalagay ang mga battery. kaya kahit ano ikot ko dun e diko talaga yun makikita. Pero kung i google mo talaga ang battery ang maririnig mo ay "ismong" hehe ewan ko ba.. baka iba lang dinig ko kanina 😅 aral na mapupulot? hehe ewan haha. ah siguro ano ahh hmmm dapat lagi may load ang phone.. hehehe so yun lang noh mga ka noise mate.. at magandang tanghali sa inyo. 😁

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.