read.cash Log in
@Tadiak more from that month

so yun na nga noh.. hehe kahapon kase e medyo na-busy ako konte. dahil sa nagpa booster ako (3rd vaccine) buti na lang at sinovac uli ang nitusok sa akin.. ayaw ko kasi ng iba at lalo na yun Astrazeneca, kasi may nakapag sabi sa akin na nakakaliit daw yun nang ano hehehe 😂. ewan lang kung totoo.. at meron din naman nagsabi sa akin na nun nitusok nga daw sa kanya ito e nagkasakit sya (nilagnat) ng isang araw malakas daw kasi sya.. so far naman nun after na inject nga sa akin yun SINOVAC e ganun pa rin naman tulad ng dati ang epekto nito sa akin.. ngalay yun bahagi na naturukan.. tapos yun na hehe after mapa vaccine e dumaan ako sa isang mall dito.. at nakita ko nga ito mga figures na ito.. bibili nga sana ako.. kaso wala naman yun gustong gusto ko mabili.. si Nami ng One Piece.. at nun tinanung ko yun nagtitinda kung meron ba sya Nami.. ang sagot nya ay wala nga raw.. at sinabi nya kung ano ang reason.. ang sabe e.. sobrang sexy daw kase ni Nami.. ayun natawa na lang kami pareho.. lintok hahaha 😂 at sa mga hindi nakakakilala kay Nami ng One Piece.. siya ang navigator ng Straw Hat Pirates. Siya ang pangatlong miyembro ng crew at ang pangalawa na sumali kay Luffy upang maglakbay..ilalagay ko sya dito sa ibaba.. at sa tingin nyo sexy nga ba talaga sya? uwuu hahaha.. ayy.. nalimutan ko pala na baka mapagalitan ako ni kuya noise kung ilalagay ko si Nami dito.. kasi nga sabi nga nun nagtitinda e sobrang sexy.. e nasa rules ni Kuya noise yun baka malintikan pa ako.. i google nyo lang hahaha so yun lang noh.. at magandang araw sa inyo lahat mga mate. 😂

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.