MERYENDA TAYO OH! Nakakain naba kayo niyan? kung hindi pa edi pumunta lang kayo sa malapit na Panaderya sa inyo jan at sabihin ang "teh o kuya.. may pandecoco po ba kau? pabili po isa ng matikman man lang" dahil sure ako madalang ang panaderya na wala nagtitinda nito. at alam nyo ba Ang pan de coco ay nagmula sa Honduras at ipinakilala sa Pilipinas ng mga Espanyol noong panahon ng kolonyal. noong panahon sinakop ang bansang Pilipinas ng mga Kastila? hindi nyo alam yun noh?…
bakit kaya ganon.. sa tuwing ako e masisiar dito. lagi na lang ako may naabutan naglilinis. mahiyain pa man din ako. alam mo yun.. hindi mo maitodo yun pagbirit ng wetpu mo at mailabas mo ng bonggang bongga yun nagpapasama ng tiyan mo. kaya kanina e dahan dahan pa ako sa pag-tono. pero hindi pa rin naiwasan na meron lumabas na tunog.. at kahit ako e hindi ko nagustuhan yun amoy na inilabas ko. ok sana kung marami kami sa bawat cubicle e. para kahit paano e di basta basta…
so yun na nga noh. dahil naibigay na ni bossing sahod ko. e naisipan ko i-treat ko man lang ang aking sarili noh. kaya eto kumain ako sa isang bihira ko naman kainin. kaya ayun nag order agad ako ng T-bone. at 7up at sinamahan ko na rin ng cream of mushroom.. e yun ang nakalagay sa menu e. tapos nga.. kaya pala nitawag na T-bone yun e dahil sa pag naubos mo na yun karne e lalabas yun hugis letter T hehehe oh diba ang galeng. Ameeeeyyyy sing! ahahaha pasensya.. kung di gaano…
napakalinis tignan kung wala gaano nahambalang sa mesa diba. chill lang kumbaga 😅 wala lang.. ma update lang ba dito hihihi 😁
SKL nakakain naba kayo nito? parang tikoy siya e na binalot ng sesame seeds.. actually masarap siya kainin at parneran mo ng kape.. para sa akin ah.. kaso nga lang e kapag sa gabi mo ito kinain.. kinabukasan e mapapa aww ka sa banyo kapag naglalabas kana ng ano hehe sa pakakuware ko e dahil ito sa sesame seeds na siyang nagpatigas ng parang semento ba.. e mararamdaman mo yun sa gedli ng wetpu eh. basta yun kasi naramdaman ko nun isang araw dahil sa naparami kasi ako ng kain…
DAY 9 So yun na nga.. sa wakas gumaling na.. clear na yun virus.. negative na.. medyo late na ako nag update dito.. kahapon pa ako okie at nag start na uli ako mag work.. at napansin ko na parang ang pogi ko kapag naka facemask ah 😅 hihihi. lagi na ako magfacemask para alam na this.. siempre para iwas covid noh hehehe at sa mga nakakabasa nito na nakakaranas din ng virus na yun at sa mga hindi pa.. ugaliin mag inum lang ng marami tubig busugin ang sarili sa tubig at inum din…
DAY 4 Pang apat na araw na.. at sa tingin ko e parang bumubuti naman na.. pero ito nga at nagtest uli ako at akala ko e ligtas na o wala na.. dahil sa isang guhit lang ang una ko nakita.. pero mga after few minutes ay bigla nag iba ang resulta.. may gumuhit uli na medyo malabo.. kaya patuloy ko pa rin iinumin ang mga gamot na sinabi sa akin ng kakilala ko na nakarecover dito.. LH24 = 4 capsule x 3 a day vitamin c = 3 tablet a day konti araw pa at magiging ayos din ang lahat..
DAY 3 So yun na nga pangatlong araw na mula nun nag positibo.. at hindi ko pala nabanggit nung una na meron naman ako panlasa at pang amoy.. sa ngayon ang nararanasan ko ay paninikip ng dibdib na parang meron nagtutulak mula sa harap ng dibdib mo at meron naman nagtutulak mula sa likuran mo.. ganun yun feeling. at ang hindi pa mawawala wala e itong sipon.. na isa dahilan kung bakit hirap huminga.. yun bang matutulog ka na nakatagilid tapos maya maya e magbabara na sa kabila…
TATABLAN PARIN PALA AKO.. March 6 bandang hapon.. Nakaramdam na ako ng kakaiba.. parang masakit ang mga kalamnan ko.. March 7 pinilit ko pa rin mag work. pagdating sa site mga bandang tanghali. naramdaman ko na parang nilalamig ako na parang lalagnatin.. kaya nun kinahaapunan habang pauwi na ramdam ko na nilalagnat ako.. at sinisipon din.. March 8. umaga masama na pakiramdam ko.. nilalagnat pa rin at masakit ang kalamnan at parang meron dumidiin sa likod at harap ng dibdib…
Amoy talaga e so yun na na nga. pumunta ako dito sa shop. ang sabi kase e may deliver daw ng food before 8pm. e nasa kalagitnaan pa naman ako kanina ng hehehe drinking session tas e sabi yun nga may need ideliver ng food.. since wala naman kami tao para magdeliver nito kaya ayun dali dali ako pumunta ng shop. para ako mismo maghatid ng mga order na food.. pagdating ko dito e may kumakain ng biryani.. dahil gutom ako. sumimple ako. ano kako yan? masarap ba yan? kaya ayun sa…
OK BA BINTANA MO so yun na nga noh. kakatapos lang namin magtest ng mga bintana. ang mga larawan makikita nyo ay kung saan ni checheck mabuti ng PM o Project Manager ang mga bintana kung ito ba ay pasado sa kanya. kung ito ba ay wala papasok na tubig kung sakali dumating ang malalakas na hangin na may kasamang ulan o ang tinatawag na bagyo. hehehe ang gara ko dito. Ang mga ginamit na pang test lang ay yun high pressure water gun. dapat talaga dito e mag sesetup muna sa labas…
HULI KA BALBON ang karugtong at kung hindi mo nabasa ang kwento kanina nito ay ito yun link nya para mabasa mo kung hindi pa. pero kung nabasa mo naman na kanina at wala ka man lang ginawa. lam mo yun ehehe 😅 noise.cash/post/9z4qgnqhqzq6 ang mga sumusunod na larawan ay rated SPG (Striktong Patnubay at Gabay) so heto na nga. i upload ko na yun mga nakalap ko litrato at info tungkol dito sa nangyari sa dalawang mag jowa yata ito o mag asawa na.. yun ang diko tiyak sa kwento na…
HULI KA BALBON Nakakaawa ang sinapit ng mag asawa o mag jowa pa lang yata ito sa kamay ng mga taga dito.. Inabutan ko na nakakulong sila dalawa, nagawa ko pa nga kuhanan sila ng litrato sa sitwasyon nila.. at makikita nyo na galit na galit yun isa at pumunta na ako sa site office. para mag work.. at makalipas ng tatlumpung minuto at naisipan ko kamustahin ang lagay nila dalawa sa kulungan.. at hindi ko inaasahan na ganito na ang sumunod na nangyari sa kanila.. sila dalawa ay…
MARUPOK so yun na nga noh, bumili uli ako suman dun sa dati ko naikwento rin na nagkamali sa sukli tapos nga nun e sinabi ko sa sarili ko na hindi na uli ako bibili ng suman sa kanya.. pero ayun nga bumili na uli ako.. everytime kasi na nadadaan ako sa kanya. kita ko yun inis minsan hanggang sa parang siya din ay iwas na din sa akin hehe. pero dahil nun nakaraan taon naman na yun nangyari.. e naisipan ko na mag move on na.. mahirap din kasi yun parang may sama ka ng loob sa…
CURRY CURRY so yun na nga noh. hehehe kanina nina lang e may kausap ako dito na isa sa noisemate natin na si @Lirabell about sa post nya nun isang araw na chicken curry at nagcomment ako na hindi ko kako bet ang lasa nun curry hehe tapos nga e itong naman si Taguro ay nagpasama kanina pumunta sa isang site at dun na kami inabutan ng lunch time. kaya naghanap kami ng makakainan na malapit mismo sa site. at ang sabi nya e meron daw siya alam na makakain na tiyak ko…
BALOT 2022 whatsuppp mga kanoise mate ehehe yun oh. tagal ko din pala wala update dito.. so yun nga noh. kagabi kasi naisipan ko kumain ng balot. Unang balot na kinain ko sa taon ito 2022. akala ko nga dati e sa Pinas lang meron nagtitinda ng balot. dito din pala sa Cambodia ay meron din.. at sa tingin ko e mas mura ang presyo ng balot dito. 1,500 riels ang isa. 15 pesos naman sa pera natin. e bakit ko nasabi na parang mas mura dito. kasi kita mo dami kasama yun balot na…
MGA GANAP PART 2 So yun na nga hehe eto na yun karugtong nun kwento ko. so after ko nun magsimba umuwi muna ako sa bahay para maglaba hehe. kasi meron nag invite sa akin kasamahan sa work na dun daw ako mag celebrate ng Christmas at Im sure na mapapalaban ako nun tiyak at kinabukasan e hindi ko tiyak maasikaso mga labahin ko noh. Ang usapan e 4pm pa lang dapat dun na ako sa location. buti na lang yun location na sinasabi nya e same din nun location kung saan ako sumakay ng…
MGA GANAP hehehe nabusy ako masyado nitong mga nagdaang araw kaya ngayon lang uli nakapag update dito.. so yun nga kukwento ko lang mga naganap nun Pasko ko dito. Pero Dec 24 pa lang kasi ay nalaban na ako ng inum noh hehe. pero hindi ganun kalalakas ang kalaban. kaya nun Dec 25 ay maaga ako nagising para puntahan yun parang simbahan nila dito. Need mo sumakay ng barge para marating ang lugar na ito kaya ayun sumakay ako kasama ang motor ko. ang bayad dito ay 500 riels per…
Merry Christmas everyone!, except sa mga INC. Happy Holiday sa inyo 😊
"Sabihin mo dyan sa mamang yan na alisin yung agiw sa sulok ha?" SPOILEEEER!! so yun nga ano hehe. kagabi kasi nanood ako ng Spiderman No Way Home. Akalain mo Pinoy pala yun bestfriend ni Spiderman dun na si Ned Leeds (Jacob Batalon) baka hindi nyo alam yun noh hehehe o ako na naman ang hindi pa nakaka-alam dun.. Tapos nga e may eksena dun na ayun nga hehehe si Lola e ayun ahahaha Dumating kasi yun isa.. tapos dumating din yun isa pa.. dun lang medyo malabo yun kwento e…
ANG BOBO! at ANG BABOY! Alam nyo ba? na ang lugaw ay essential! narinig nyo na rin siguro yan ano. at nag viral pa nga ng kasagsagan ng lockdown dyan sa Pinas.. pero hindi yan ang kwento ko ngayon ehehe, pero tungkol din ito sa lugaw na madalas ko din kainin dito sa Cambodia, eto yun Porridge with minced Pork and Century Egg at yun deep fried pork ribs garlic nila. sarap nyan eh..palibhasa gawa ito ng Chinese e. lam mo naman pagdating sa food mga yan e malinamnam talaga ang…
BOAZANIAN BEAST FIGHTER Kung isa ka sa batang 80's at 90's at nanonood dati ng Voltes V anime, alam mo yun sinasabi ko boazanian beast fighter. At eto nga natagpuan ko na ang kuta nila dito pala mismo sa makro sila pinapalakas at sinasanay ng husto para ipangtapat kay Voltes V At mukhang mababangis talaga sila kaya kinakailangan nakagapos ang mga galamay nila. Pero kahit anong bangis nila at lakas ay alam ko na hindi papatalo siempre ang ating bida na si Voltes V. dahil sa…
SKL - Electro Plasma Generator so yun nga noh SKL.. napanood ko kasi ito sa ytube at baka iba sa inyo ay hindi pa nabalitaan ito. kaya naisipan ko i-share na rin dito para atleast alam nyo noh hehe. kasi pwede ito na ang mag aahon sa Pilipinas.. Sana nga ito na.. Hindi man ako maalam pagdating sa mga electrical na yan. Pero naniniwala ako sa inventions nya.. wala naman masama doon e. SUPORTA ika nga at hindi naman talaga masama yun na imbento nya.. Si Sir Elias Delos Santos…
I-GMT Sana naman e wala gaano napinsala ang bagyo dumadaan ngayon sa area vicinity ng Pilipinas gawing Visayas dahil ayon sa Cambodia Weather Radar ay nasa gawing Palawan na ito. at Mukang papunta na ito sa gawi namin.. Kailangan paghandaan.. at sabe e Wednesday pa sakali umulan dito..Maganda rin talaga meron Google ano nakikita mo ang mga updated weather. kaya ok na ok ito sa mga nagplaplano na magbakasyon o meron kailangan puntahan na lugar. pwede mo ito i google para…
BUBOT ako eh natutuwa sa akin nakita, muli na naman kasi nagkabunga ang puno ng mangga na katabi namin dito sa site office. maliit lang yun puno at parang ang bilis niya mamunga dahil halos 1 month lang yata ng magawan ko din ito ng kwento dito. tungkol pa nga yun sa buto ng mangga na ginagawan namin ng ritual hehehe. kung nais mo uli iyon mabasa ay ito ang link na yun hehe noise.cash/post/8x6z90wtrxr9 balik tayo dito.. bakit bubot, ang una ko sinabi pala.. kasi sa totoo…
Elizabeth Tower, London, England The Sydney Opera House of Sydney Australia Windmill of England Eiffel Tower ng France at marami pang iba na hindi ko na alam kung saan ba lugar yun ehehe So yun na nga noh. Sobrang busy ako kahapon dahil nilibot ko lahat ng yan ng isang araw lang astig diba ehehe. Ang lugar na ito ay parang naging pasyalan na rin ng mga tao dito kahit na hindi pa gaano tapos ang ibang mga ginagawang establisimyento dito. at isa na dito yun isang project namin…
panlaban ko sa hangover ko https://noise.cash/post/mwnrrrxbxmx3 nainip na ma ipost sa trip pagkain trip ahaha so yun nga noh hehe heto yun dahilan kung bakit anlakas pa rin ng hang over ko. kagabi kase e nalaban ako ng inum sa 3 khmer. makikita nyo ang pulutan namin na parang hilaw pa ano hehe pero masarap sya pramis. parang steak din e. pero ang pinaka nagustuhan ko ni order nila eh yun dede ng baka. may malalasahan ka gatas. yah meron talaga hehe at malambot ang karne nya…
hinding hindi na ako magpopost sa pagkain trip ba yun..hehe antagal nila i approve yun post ko inabot ng 5 oras.. kaya ni post ko na lang sa wall ko.. parang bad trip tuloy hahaha museet eh
Keiv Teav Cambodian Noodle Soup "som kitiw moy saytsurok" isang noodles soup nga po na may karne ng baboy ibig ko sabihin dyan pag mag order ka at dahil lakas ng hang over ko hehe (nalaban kase ng inuman kagabi) eto ang madalas ko kainin. kung lalagyan lang ito ng bagoong alamang ang kalasa nito ay ang sikat na sikat na La Paz Batchoy ng mga taga Iloilo. Ang presyo nito ay 6,000 riels o 60 pesos sa pera natin. sa tingin ko e mas mura ito kesa sa presyo ng Batchoy natin sa…
MALL DAW BA? HUH? ANO DAW? so yun na nga noh. ehehe Ayon sa mga Marites may nasagap sila sa mga eksperto na pinaplano na gumawa ng isang Mall ang nasabing sikat na sikat na platform na ito.. Ang nasabing mall ay kasalukuyan ginagawan ng konsepto na si Tad.. subalit sumakit daw bigla ang ulo nya habang ito ay kanyanG ginagawa hehehe hindi nakayanan ang pressure na inaatang sa kanya..(bigla kasi sumingit si Taguro eh. ang ingay ingay ng bunganga) ehehe. paano nga kaya kung…