read.cash Log in

@Tacobells

Joined 19 November 2020 · 3548 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Tacobells

Highlighted part of my Sunday They sa Sunday is a family day, so yeah we spent our Sunday this way kaya po hindi rin ako active kahapon dito kay noise bukod sa nasa bundok nga po kami at hindi gaano kalakas ang signal. Sa sobrang dami po namin eh hindi na naiwasan ang mag dalawang lamesa hahaha sa mga bata palang po eh talagang napakarami na actually ma bkod din silang lamesa hahaha napakinabangan nanaman yung sagingan namin sa likod mula sa bunga haggang dahon. Inihaw na Tilapia, lumpiang prito, adobong manok at kalderetang baboy lang sana ang star kaso pag dating nila tita may pa fried chicken pa, sinigang na baboy at ang pang block buster na Ginataang Laing na may suso. Masasabi mo talagang a day well spent kahapon. It should be tita linda's fam lang but jam's also invite oir titas din on his father side (jam is my first cousin) since sa hulo sila mag bbond after all were all close naman tita linda's siblings is somehow kumares with my titas hahaha and also hindi naman kami iba-iba sa kanila were really that close sa mga kapatid ng asawa ni tito. So kayo po, how did you spent your Sunday? I do hope na masaya din po ang sunday nyo. Next time nga po mainvite din dito sila @mixc @japersor @artpiecesdc tayo naman uy hahahaha.

+2 more

@Tacobells

Saturday Night So saturday is chibog nights hahaha. I just wanna say hi to @micx hahaha napunta akong 7/11 kanina at nakita ko nanaman tong rite n' lite naalala kita hahaha. This drink po eh naging parang (Sanmig-one bottle/ softdrinks/pampadighay) naming dalawa during review days, kahit anong mood basta nagkaayaan mag 7/11 matic na kukuha na neto hahaha. Second picture is the Yetito milktea and Ube cream cheese desal, tinanong ko si papa kung masarap ba sya since di ako makadecide at bagong try ko palang din hahaha. Para sakin parang medyo nabasa ang gilid and siguro dapat sandaling time lang sya naka stock peeo parang masarap naman? Hahaha sabi ni papa eh, di nga lang pantay distribution ng palaman kasi nakatumpok wahahaha. Third one and the fourth is yung ubas at ang aming night swimming hahaha nabili namin po yung ubas doon sa nadaanan namin papasok ng bani cataning then kinain namin after nh dinner and habang nag nnight swimming kaya po nawala ako kanina dahil pinagpatulan namin yung pinupuno pa pong swimming pool hahaha. Sobrang init po kasi kanina dahil galing kami sa ibaba ngauon nalang lumamig hahaha. Sa inyo po kamusta ang klima ngayon? Parang medyo hindi feel ang mag papasko?

+1 more

@Tacobells

Cookies and iced cold coffee Alam ko pong tanghalian na at dapat eh lunch or rice meal ang kinakain ngayon pero wag po kayong mag alala. Kumain na po ako ng kanin at ang ulam ko po ay sinigang hahaha, bigla lang talaga akong nagpahanap ng matamis since meron pa akong natira kagabi eh kinain ko na po. Anyway hindi po dapat ito ang content ko ngayon pero natakot ako na mabash or maano ng mga taong hindi pa ganon ka open minded. Hindi po ito maselan katulad ng masagwang topic, ito po sana ay tungkol sa kasalukuyang issue ngayon sa pilipinas na hindi naman na dapat problemahin dahil may mas dapat na pagtuunan ng pansin katulad ng kinakaharap natin ngayon na pandemya. Kapag po handa na akong mag content non ay ipopost ko nalang po. Nakakatakot lang kasi ang malayang pamamahayag sa bansang pilipinas. NAPAKA RAMING DIKTADOR NA AKALA MO EH AH BASTA HAHAHAHA. Im not a pro or con, im just a citizen na nauumay na sa mga talk nila hahahaha. Kaya ero nalang munang kapeng nag yeyelo pa pampalamig sa maiinitan nyong buhay hahaha.

@Tacobells

Branch Assignment! (On time) Great Life Mindset hahahaha. I woke up early and prepare ahead of time so i arrived at exactly 7am sa terminal. Kinakabahan pa ako kasi parang ang tahimik at wala atang tao? Unlike nung napunta ako nung nakaraan eh ang dami ng tao. Sinalubong ako ni kuyang kundoktor (Mariveles po) oo naman agad ako sabay turo saakin ng bus, jusko nung nasilip ko eh mas nadoble yung kaba ko kasi wala pang mga sakay iniisip ko malalate ako. Nakakita ako ng konting pag asa nung may isang tao na nakasakay sa bandang gitna hahahaha. So medyo nilalakasan ko na yung loob ko na aalis na to kahit alam kong malabo pa talaga hahaha. Mas nabuhayan ako ng loob nung nakita ko yung kundoktor at driver na umakyat 7:10 na yon hahaha sabay paandar sa bus and the wheels of the bus go round and round hahahaha chaaaar! Pero mas napanatag ako nung nakita ko yung supervisor ko na humaharang sa bus at pasakay palang wahahahaha. Inside of me shouted yes! Hahaha may karamay ako na late hahaha at mula ng makita ko si mam eh napanatag na ako, relax lang mga sis hahaha.

@Tacobells

A 12 year old wrist watch... Hi just wanna flex this sentimental wrist watch, first i just want you to know na alive na alive po si paps hahaha. Im so happy lang kaso na after 3years eh naisuot ko na ulit sya hahahaha. Let me tell you a story about this wrist watch. Paps is an OFW so whenever na uuwi sya or mag papadala he's always on to jewelries like an earring and necklace but not a watches. He did sometimes bought watches pero panay kila tito (mga kapatid ni mama) at lolo (tatay ni papa) napupunta and isa pala kay mama actually may kasabayan tong seiko din eh next time kapag nakaisip gumawa ng content hahaha charooot. So ayon po panay ko nakikita to kay papa na sabi ko pa sa sarili ko ang ganda and someday hihingin ko ito hahaha. So one time nag request ako ng relo ang una kong relo is swatch na parang pang teenager na cutie pa yung design hahaha tapos yung casio naman na universal remote and calculator. Pero hindi parin ako nakuntento hahaha kasi bet ko talaga yung relo nya but im so shy na hingin kasi nakakaano din at panglalaki eh hahaha. So hanggang sa relo na ni mama yung ineeme ko but binalik ko din kasi di ko type hahaha napapaisip na ako na baka mamaya eh pusong lalaki talaga ako hahaha chaaar! 2015 ng nag kalakas ako ng loob na hingin kay papa to since nakabili na sya ng bagong relo hahaha ang tagal kong hinangad to promise hahaha kaya with kapal at lakas ng loob eh talagang di na ako nakapag pigil na ieme kay paps hahaha Good thing eh binigay nya, ang sobrang komportable isuot tapos one day while walking palibhasa may pagka clumsy ako minsan eh hindi sinasadyang masabit at malagot sa kamay ko since may katagalan na nga sya eh medyo dina siguro kinaya ng band. Grabe iyak ko noon hahaha jusko tagal kong ginusto tapos after a year malalagot lang hahaha. From that day itinago ko na at dina isinuot tapos ngayon ko lang naipaayos medyo nahingo kasi dahil siguro sa pag pabagsak sabay nastock. Kaya ngayon ay sobrang happy ko na naman. Its so weird yes kasi everytime na nakikita ko sya ramdam ko na ang saya ko. Na love at first sight ata ako dito hahaha.

@Tacobells

Down side ng Work From Home(WFH) Great Life Mindseeeet! Hahaha so ayon na nga po at dahil nakatulog ako kahapon sa webinar namin na isa sa mga down side ng work from home eh dinalawa ko na din po ang aking kape hahaha. Alukin ko muna po pala kayong kumain habanga ko ay nakawebinar hahahaha as of now inaantok nanaman po ako at wala atang bisa saakin yung dalawang kape hahaha. So ang isa pa pong down side ng work from home is about technical problem and the other one is internet connection. Jusko po as you can see naman po dala-dalawa na po yung gamit kong laptop pano po kasi yung isa naiba ata set up nung hiniram ayaw madinig ng audio ko pero sila nadidinig ko kaya kahapon po tuloy eh hindi ako nakasagot nung tinawag ako kahit yung chat icon eh wala so hindi ko manotify si host. Kaya ngayon naka dalawang laptop ako yung isa naman kasi eh sira ang speaker hahaha jusko po wala ng matinong gamit hahaha. I try it sa phone kaso hindi ata pwede saakin or di compatible kasi panay error nalabas na notif sa apps store. Kayo po kamista po yung mga naka WFH jan? Ano pong mga down side and struggles nyo?

@Tacobells

Whatta great day!!! I really had a great day to day, but first i wanna tell a story of the last two pictures, first is yung city blends muna since i am currently drinking it. Excuse na po agad ah pero nag pabili po kasi ako neto para sana makatulong sa pag babawas ko ng jebs hahaha sorry na agad. Kaso sobrang nakakadisappoint na konti nalang lasang tubig na! Nasayang po ang 25 pesos ko hayssss edi sana pala nag milo nalang akoooo kasad this is my second time na po ngayong linggo na ganto ang lasa. Ang gusto ko lang naman ay maka jebs pero mukhang mas hibilab lang ang tyan ko dito hahaha. Next i wanna show my appreciation to this three pips out there who are so generous @lhenps @shawking @Analiza salamat po mga madaaaaaam. And the last one is ang akong higa moments habang naka webinar (work from home) at ang aking hindi medyo peyborit na shawarma rice hahahaha. So ayon grabe nakatulog po ako kanina habang nag ttraining wahahaha not knowing na may paexam pala right after ng webinar jusko po hahaha. Tapos syempre to reward myself eh naisipan kong mamili ng shawarma rice since medyo napagod ako kakaupo at higa hahaha charoooot! Kamusta po kayoooo? Sa mga magpapahinga na po go langsss have a good sleep po. Wag po pala kakalimutang mag pasalamat muna kay God bago matulog. Have a Good Night Everyone!

+1 more

@Tacobells

Great Life Mindset Everyone! (Pasensya na po sa magulo at makalat na kwarto hindi pa po ako nag lilinis hahaha) Hahahahaha alam kong yung iba jan eh alam kung saang line ito and yes po sa PC nga po sya hahaha labas na po jan mga Tuff users hahaha charooot! Anyway yesterday was my first day as a Happy Customer Retention in PC meaning to say ako po yung makakaaway nila kapag hindi sila nag bayad nakoooo! Hahaha charot lang po. Share ko lang na work from home po ako for the next 6days yeheeeey! parang bata jusko hahaha, nakatipid nanaman po kasi ng gastos imagine yung mga taga Bataan jan ang hirap din po mag commute from Balanga to Limay vise versa. Akala ko nga po kagabi eh naiwan na ako ng last trip hahaha akala ko di na ako makakauwi. Good thing eh nag pa work from home muna sila so meaning to say makakasahod muna ako ng pahiga higa lang hahah char sahod muna bago ang physical appearance sa branch. Iba talaga si PC, wala kang talo!

@Tacobells

Another Preparation... New Employment Orientation while busying myself for an early preparation, mag contact sa mga stores na kakailanganin ko for my surprise. Isang taong malapit sa puso ko ang magdiriwang ng kaarawan sa paparating na December 3, magtataka kayo kung bakit ang aga kong mastress? Hahaha kasi po eh that time nasa Manila pa din sya and nasa Bataan ako but syempre bilang special na tao ay gisto ko din naman sana syang isurprise. Di ko pa masyadong masabi na all set na since nacontact ko palang yung mga branch, i am planning kasi to buy a cake sana sa Boulangerie22, Macao Imperial Milktea for 6 and 8pcs bucket of chickenjoy sana sa Jollibee. Hanggang ngayon wala pa akong mahanap na mapapakisuyuan its either nahihiya ako or mga busy at ti tatama sa oras na available sila. Pero itry ko pa din yung delivwry ng bawat stor king makakaaccess ako kahit malayo yung location ko. Anyway happy lunch po! Magsikain na po kayo at kakain muna din po ako bago magpatuloy sa aking seminar ngayong araw.

@Tacobells

How we spent our Holiday (long weekend) At dahil po Holiday ngayon meaning extension ng rest day hahaha charot, napag pasyahan po namin na hindi muna bumaba ng bayan at sulitin na ang refreshing na pamamahinga sa bundok. Napilitan pa tuloy akong magload ng trenta para maka pag noise cash man lang hahaha. Hindi ako kuripot ah sadyang masasayang po kasi at bukas ay may wifi na ulit sa bayan at sinisikap ko din kasi sana na kapag nasa bundok kami ay no gadgets talaga ako and pure pahinga lang. So para nga po masulit ang holiday eh nag pasya nalang po kami na bumili ng ihaw-ihaw sa nadaaanan namin paakyat dito saamin may parang kainan kasi para sa mga namamasyal at mga bikers. Pwede na din sa halagang 85 may isang hita kana ng manok hahaha di ko po alam ang presyo ng isda hahaha peeo buhay po ata nila binili? Tas inihaw nalang dito? Hi di ko po talaga alam dahil ako po ay naiwan sa bahay na nagkakakanta lang hahaha, yung manok po kasi ay matagal na din kami nabili doon so hindi na bago saakin. (EDITED: DI PO PALA NAKASAMA MAG UPLOAD YUNG PICTURE NG INASAL HAHAHA) Tapos si papa at yung asawa naman ng pinsan ko eh nag gagawa na ng cottage na mas malapit sa pool after nila mang galing sa bilihan sa ibaba. And as you can see po may mga batang makukulit sa gilid na panay ang kutkot ng sunflower seeds hahaha at laro. Nakakatuwa sa iba kasi may pa trick or treat samantalang saamin eh maraming baka at kambing na nagttrick or treat sa damuhan, sila lang ang masaya hahaha. Kayo po kamusta po ang long weekends nyo?

@Tacobells

Happy Anniversary!!! (Part 2) Happy 1st Anniversary to my cousin Jayson and his love of his life Ate Miraaaa! Nabusog nyo po kami kagabi at na lasing hahahaha halata naman pati lalamuna ko may hang-over chaaar! Sinalubong na din kasi namin yung bday ni ate Mira kagabi. Pasensya na po kayo kagabi at ako po ay nawala sa kadahilanang nalasing po ako hahaha walwal to the max ang ate girl nyo, nataob din po namin yung dalawang Alfonso hahahaha. Nakakatuwa lang kasi sa dinaming naging jowa nitong pinsan ko eh first time lang nag anniversary pinagloloko tuloy namin kagabi hahahaha. But deep inside were all happy, finally he already found his match na magdadala sa kanya sa tuwid na daan at pag babago hahahaha charoooot! Hanggang ngayon busog pa rin kami jusko hahaha, yung handa kagabi eh naalmusal pa namin hahahaha. Kayo po nag si kain na din po ba kayo?

+2 more

@Tacobells

Preparation... Today is Jayson and Ate Mira's 1st Anniversary at bilang suporta sa aming manok hahaha charot so ayon po nagpatulong si mica to arrange all of this para sa surprise ni kolts for his bebi ang taraaaay! From foil na nagkanda hirap kami sa pagpantay bago idikit sa dingding hahaha papunta sa banner na ginawan lang din namin ng paraan para may pag kapitan hahaha pati narin sa lobong hinipan lang namin para lumobo syempre hahaha pati lobo napuno ng pag mamahal namin wahahahaha. Mapapa chicken oil ka nalang talaga po hahaha. By the way yung flower is hindi po kami nag arrange inorder lang po yan sa ex ni bebi ko hahaha. To all Bataeños if you want to order punta lang po kayo sa ibayo magaganda po mga arrangements nila tas sabihin nyo lang name ko para mahalan kayo wahahaha charot. I heard sa kanila daw pinaka mura kaya pag may natanong sakin eh jan ko na din natuturo. Nakakatuwa lang talaga kapag nag bibigay ng effort yung isang tao wether intimate love, family or friend, surprise is still a surprise big deal ito para sa mga sentimental na tao, syempre sino ba naman hindi matutuwa at magugustuhan kapag sinosorpresa. Pero girls always remember na hindi laging sa sorpresa naka base ang pagmamahal ng isang tao, may mga taong hindi showy pero mararamdaman mo naman or minsan wala lang talagang budget peeo hindi ibig sabihin noon ay hindi na wagas ang pag mamahal na kayang ibigay sayo. Tandaan na ang pag+ibig ay walang katumbas na kahit anong materyal na bagay o maibibigay sayo ng taong mahal mo.

@Tacobells

Mahal kong Inang Paaralan ( Tomas Del Rosario College) ft. Ilocos Empanada Una po sa lahat mag papasintabi na muna ako sa mga taong gugutumin ko ngayon at mga mag ccrave hahaha wag kayong mag alala sa inyo naka dedicate yung unang kagat ko kanina wahahahaha. So ayon po mula ng napatikin ko si mama ng empanada na gawa sa gilid ng tdel eh madalas na namin syang meryenda hahaha. Nasarapan po sya sa gawa nila doon, yung una nya kasing natikman po which is yung nasa stall ng Vista Mall eh akala mo isang buwang na stock yung balat hahaha. Pero eto po ay nako talagang hinanap-hanap nya palagi pati tatay ko kanina nabitin pa sa kinain nya hahaha. Habang naghihintay maluto yung empanada ako po ay napasulyap sa Tdel at inalala ang masasayang taon na inilagi ko sa paaralang ito. Ako po ay isang mabuting mag aaral ng tdel mula 2008-2012 hahaha o wag na kayong mag compute jan basta matagal na akong graduate ng college pero bata pa ako hahaha. Nakakamiss lang, naisip ko tuloy kung noon pa may ilocos empanada malamang u os lagi pera ko idagdag mo pa palagiang request ni mama na pasalubong hahaha. Nung time kasi namin ang uso lang noon Banana que at camote que hahaha tapos tatawagin pa namin si ate sa gate na malaki at magpapahatid kasi bawal lumabas hahaha. Pero tanong ko lang bakit kapag private tas medyo malaki yung school eh hindi palagiang ginagamit ang gate sa harap? Panay sa mga exit sa gilid nag papalabas at pasok hahaha tas lagi lang yang nakasara tapos bubuksan lang kapag mga 4 wheels yung papasok hahahaha. Kayo po napansin nyo po ba yong ganon sa mga school na may kalakihan?

@Tacobells

Doing the small experiment while eating some Special Bibingka. Naaamoy nyo na po ba ang pasko sa kinakain ko? Hahaha anyway gawan ko lang ng content itong pa "Small experiment" ni Noise Cash. It was Monday morning since i saw a lot of post from noisy pips about this small experiment which is by rating some post in Noise cash, yes you read it write kung mapapansin nyo po ay mga post sya, and after rating that 50 items o taray parang exam lang hahaha they will received $2. Maraming nasayangan kasi hindi sila nakatanggap syempre kasama na ako doon. But to my surprise hindi pa pala sya nah tatapos kasi biglang may lumabas din sa notif ko. So naisip ko na , ah baka una-una lang din siguro or naka base sila king gaano ka la active sa buong mag hapon? "RATING" in noise cash os not a new thing here as what you think, before there is also a rating scenario where you can rate the user depends on their post and doon na din nag babase si noise kung spammer kaba or what, doon don sya nag babase kung bibiguan kaba ng value o ano. Again user po ang nirarate, pero ngayon po ay si post natin maybe isa na po ito sa magiging ways of earning siguro dito sa noise, kung magkakaganon eh napaka laking tulong po ulit saatin yon at mas mag gagain po tayo ng maganda. Anyway highway ako muna po ay mag aayos-ayos at may lalakarin pa din po ako sa SSS, may mapala naman na po ako sana dito sa pag kuha ng E1 form at pink form. Bukod kasi sa nakakapagod eh nakakaubos na din po ng pamasahe hahaha. Sa may mga lakad, pasok at aalis po ng bahay mag-ingat din po kayo neh? Stay safe po at sumunod sa mga protocols.

+2 more

@Tacobells

Job Requirements As part of being a newly hired employee requirements like 1905, SSS E1, PMDF, PRMF is required madali lang sana ang punila at maghintay peeo panay may twist! Ang twist is MECQ. Kahapon pa ako nag punta ng BIR to get my Identification Card and also the 1905, inabot na din ako ng mahigit isang oras mga around 11:30 na ako natapos so i decided to dine-in nalang sana for my lunch since nasa Balanga na din naman ako better na doon nalang ako sa mga fast food kumain para deretcho na sana ako sa lakad ko sa SSS at PAG-IBIG to make some verification. So habang pababa ako ng hagdan ng Galeria Victoria ay napansin kong nakataas nanaman ang mga upuan at lamesa ng mga kainan katulad ng sa KFC at Mang Inasal so naisip ko na ah baka wala pang customers. Naisip ko kahapon na mag chowking since nag crave talaga ang ate nyong gurl sa friend dumplings nila at wonton soup. Kaso na disappoint ako nung sinabi na bawal daw ang dine-in nahiya nalang din ako na umalis kaya napabili na din ako. Ang ending ay sa bahay din ako kumain hahaha nagastusan pa. Tapos ngayong araw naman panibagong bad vibes nanaman, jusko po nag punta ako sa SSS to verify nga po kaso naman walang power tapos di sila makabigay ng oras kung anong oras nila balak paganahin yung generator nila. Grabe lang talaga minsan ewan ko nalang din talaga sa gobyerno eh. Eto pa ang sabi ng kachikahan ko na naghihintay sa SSS eh unahin ko na daw ang PAG-IBIG so ako naman eto pumunta nga tapos nung nandoon na sabay kausap kay kuya guard na medyo may pagkabastos. Nakakairita sya sa totoo lang, may twist na nga na MECQ kaya daw walang verifier tapos may palakasan system pa. Nakakauta na talaga yung mga ganyang scenario dito sa Pinas. Kaya po ang ending eh wala akong napala sa mga lakad ko for today. Nakakainvey lang talaga sa mga agency na yan hayssss. Kayo po, ano pong mga karanasan nyo sa mga ahensyang ito?

@Tacobells

Two pic in one post (UNDAS 2021) Hahaha ogivaaaah! Ang taray ng title natin ang lakas maka madam inuts hahaha. So ayon nga po ako po talaga yung nagleleteribg sana ng lapida ni kuya kaso baka lahat mag kulay gold na sa sobrang kapal ng pag kakabakat ko hahaha. Then nung mag gagabi na po pala ay lumipat naman kami kay lolo, same cemetery din po medyo magkalayo lang po ng Lot. Napaka rami na ding tao kanina na nag lilinis at dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay nakakapanibago parin kahit dalawang taon na ang ganitong set up natin. Napag alaman ko din kanina na last day of visitation na pala bukas then cut na sila hanggang 1st week ng November. Bali 2nd week na ata ulit yung resume nila. Ang lungkot ng undas ngayon dati-rati ganitong panahon palang nagkalat ng yung ibat-ibang stall ng mga resto sa loob ng Memorial Park from jollibee, mcdo, greenwich, chowking at kung ano ano pang nakakatakam na kainan at masarap na Milktea stall. Matatandaan ring nasa gantong panahon eh putok na putok na rin ang Carnival (Perya) sa dulong bahagi ng lugar na ito, tipong nasa gate ka palang ng sementeryo ay maririnig mo na ang masisiglang tunog at masayang sigawan na gawa ng mga extreme rides. Malayo palang din ay makikita mo na ang iba't-ibang kulay na galing dito na matutukso ka talagang pumasok sa loob ng peryahan. Nakakalungkot nga lang po at hindi na ito naranasa ng mga bagong henerasyon halos lahat ay nawala at nag bago ngunit kanina ay kapansin-pansin ang isang hindi nag bago. Talamak parin po ang mga MODEL NA MAY FASHION SHOW SA LOOB NG SEMENTERYO HAHAHAHA. NARIYAN PARIN PO YUNG MGA KABATAANG OUTSIDER NA BET LANG GUMALA SA LOOB NA WALA NAMANG PUPUNTAHAN DOON, AT DI PO MAWAWALA YUNG MGA PAK NA PAK NA NAKA VIOLET PINK ANG DAMIT PALDA NYA'Y GREEN AT MAY BLAZER NA GRAY TAPOS NAKA SPAETAN NA TSINELAS? (NAKITA KO PO YAN KANINA AH) halos apat po silang mga babae na ganon ang kasuotan basta po mga bataang maiimagine mo talaga na nag sisiawra ng alanganin kapag Undas hahaha. At syempre ang inaabangan na close enough sa Family Reunion ay nawala na din. Nakakalungkot po talaga diba? Kayo po, ano pong mga experience nyo sa Undas na namimis nyo po?

@Tacobells

Ang aking huling araw with my alaga Singit ko na din yung side ko about "Face to Face Class" Nakakalungkot man pero may mga bagay na kailangang unahin para sa pangarap at para sa future. Medyo nakakalungkot na hindi ko na sya ma tuturuan pero masaya din naman kasi kapalit noon ay napakagandang trabaho. Matunog ngayong panahong ito ang pag bubukas ng face to face class saga piling paaralan o unibersidad with strict protocols syempre. One day may nakausap akong isang SHS at tinanong ko sya kung pabor ba sya sa face to face na magaganap. Ang sagot nya saakin ay hindi raw sapagkat may virus pa din daw. Me was like (oh? Tapos pag galaan at kung anek-anek g na g? Walang pake sa virus ganern tapos kapag pag-aaral eh ganyan ang thingking?) so hinayaan ko nalang din po sya sa opinion nya. Then as part of the survey tinanong ko naman tong grade 3 kong alaga kung bet nya na ba ang mag schooling. Ang sagot nya po ay tuwang-tuwa na opo gusto nya na pong mag face to face para daw po mameet ang mga klasemeyt which is normal na reaction and reason ng mga bata. So here's my side for me pabor ako na ibalik ang face to face class, bakit? Una para sa mga batang hirap mag catch up at di ganoon ka active sa online or module mas matututukan kasi sila kung ibabalik na sa dati yung pasok. Pangalawa para bata talaga ang natututo hindi yung magulang na ang nag sasagot, kulang nalang sila yung umupo sa harap ng ginagawa ng mga bata sa ganitong paraan makikita natin kung sino ba talaga ang karapatdat sa mga parangal. Pangatlo naaawa na ako sa mga batang naoorasyonan ng mga magulang hahaha, hanger dito tsinelas doon wahahahaha. Basta mga ganon scenario at marami pang dahilan. Para sa mga kabataang nag mamaasim naman jan para mabawasan yung mga nagsisisgalang kabataan. Jusko po naglipana nanaman sila eh di nahimik sa bahay at mag sagot ng module ay. Tapos mah rereklamo na walang natutunan jusko mga ineng matatanda na kayo di na uso spoon feeding matutong magsiyasat mag-isa. Tsaka para na rin sa ating mga kabataang nasa kolehiyo na nakakaranas ng dobleng hirap sa module or online class. Kami ng noong normal pa eh gapang na gapang paano pa kaya sila ngayon? Laho na yung may mga applied skill sa course. Paano nalang din yung ojt nila? Virtual ganern? Hahahaha masagwa ata yorn. Ikaw bilang estudyante o magulang anong opinion mo tungkol sa pag babalik ulit ng face to face class?

@Tacobells

My Hiding Place and Our preparation for the Up coming Undas (all souls/saints day) Marami sa inyong nagtataka kung bakit panau ako missing in action tuwing linggo, yun po kasi ay sa kadahilanang kami po au nauwi sa hilo lapag weekends then pag weekdays nasa bayan po kami kaso po may pasok. So meaning wala pong internet at ako pp ay naka free data lang, hindi na rin po ako nag papaload kaso po isang araw lang naman po kami doon then pag baba namin ng bayan eh may wifi naman na po so masasayang lang po. Isa pa pahinga na din po namin ito sa nakakapagod na buhay dito sa bayan, maingay na paligid at mimosanh kapitbahay. Atleast naman po dito sa hulo kahit wala kang masyadong makikita eh payapa naman po, makukuha mo yung peace of mind na hinahanap mo. Kaso pala pag nandito kami panay lang din akong nasa kubo hahaha. Nalabas lang ako kung maliligo sa pool ang kaso naman eh wrong timing kahapon kung kailan may tubig ang swimming pool eh doon naman dinalaw ng mga hapon hahahaha. Red flag day mga sis hahahaha. At dahil palapit na nga po ang undas eh ayon po pag kagising na pagkagising namin kahapon eh gumora agad kami ng Memorial Park para igrass cutter yung place ni lolo, first time namin na maguundas dito sa Lot namin na to for the past years kasi doon kami sa kabilang Lot kay lola eh lolo (papsy ni papa) died ngayong year lang so sya nakabasal ng Lot namin. So ayon nga po bali dalawang lot namin isang family lot sa mother side which is si nanay(nanay ni mama) ang nagprovide and yung sarili namin na sila mama at papa ang nag provide. Dapat kasi hindi kami kukuha bit naisip nila mama na sobrang laki ng pamilya namin at hindi sasapat yung capacity ng lot ni nanay saaming lahat that why kumuha na kami ng sarili namin. Sila mama at papa ay advance po mag isip pero may point. They are not getting any younger na daw po so they prepared everything para hindi na daw po mahihirapan kaming maiiwan sa kakaproblema kung saan sila ilalagay. Which is tama naman naalala ko my psychology prof discuss about it and he had the same mind set with my parents. Theres nothing wrong on it naman daw po kesa nga naman kung kailan wala kana doon magpproblema family mo atleast kapag ready na ang lahat wala na silang problema and you'll have a decent funeral and grave/himlayan pa. Kayo po ba ano pong tingin nyo sa mga nag pprepare katulad ng saamin?

@Tacobells

Job Offer Many of us been lost their Jobs because of this pandemic, many got stressed that lead them into depression. I must say this is one of a hard days, month, years in our live because imagine its hard to be safe while working. And the most hard and struggles of the majority is finding a Job. Me myself i experienced this ive been unemployed since April 30, 2021 hahaha i also experienced stress that also lead me into depression. I tried so many times to apply in many of the company inside and outside bataan but i failed. I tried and tried and tried but it always end up, me disappointed to myself. Until one day i tried to pass my resume on Personal Collection Direct Selling. I didn't expect that after 2 days they will call me, actually It was an urgent call cause after the initial interview the HR already gave me an online assessment exam that time i doubt myself and said that i will not pass the exam but to my surprised early in the morning the HR called then she like me to go to the branch that i will be assign for me to have a final interview i was so shock! Me was like, that fast? They are not even urgent on that time because they have many applicants on the line. To make a story short 2hrs after the final interview has done Madam HR called to congratulate me and discuss some benefits and my salary. I was like wooooah! That's so fast! Unexpected promise i was so shocked that time and cant process what was happened. But over all i was so happy that finally i am now going to start a new journey in PC. I am not expecting it but yeah i did pray the same day i took the exam before i go to sleep. I even seek for a sign and plead to God that "if this is for me please dont make this hard for me po, let me have this job na po. Mga ganyang pakiusap hahaha". So i think it is for me thats why God gave this to me. Now i know why not any another company, maybe because i am mend to be an Happy Customer Retention in Personal Collection. I cant do it alone, so help me God. To those who loose confident please dont be, do not give up easily always be strong to face the challenges of life. "Kung hindi ngayon ang panahon na para sa iyo, wag maiinip dahil ganyan ang buhay sa mundo, mag hintay ka lang at siguradong may nakahanda na para sayo."

@Tacobells

Sweet and Spicy with fresh kalamansi with pouched egg sana eh kaso na failed dahil sa pagiging busy kaka nood ng online selling(live) kaya ngayon lang po ako nakapag bukas ng noiseeee hahaha patawad na po agad hahaha. Ako po ay kasalukuyang nabubudol pa rin dahil sa mga sobrang ganda at mura ng kanyang nga binebenta. Tapos kanina sana titigil na ako kakamine kaso eto jowa ko naman ay binubulungan pa din akong mag mine hahahaha. Minsan kasi talaga ang hirap bumitaw sa mga bagay na nagdudulot sayo ng saya lalo na mga gantong bagay hahaha. Kayo po ba ay nabubudol din ng mga gantong online/live selling? Hahaha ayos lang po yan basta po minsan lang sa isang araw hahaha charot basta wag lang pong sobra hahaha.

@Tacobells

Kapag masipag mag-aral may Ice Cream hahahaha So ito po ulit ang aking alaga na busy sa kanyang candle experiment kanina, nakakatuwa kasi kahit naka online sila eh may mga paraan pa rin upang maranasan din nila ang mga ganitong klase ng eksperimento. Actually po pala pangalawa na ito yung una po kasi eh yung "Cloud in a Bottle". Activity po nila ito sa Science para po ipakita ang phasing o pag iibang anyo mula liquid to gas (evaporation) para po sa cloud in a bottle experiment at solid to liquid(melting o pagtutunaw) naman po para sa mga kandila at krayola. Magandang may mga ganitong klase pa rin ng activity ngayon para saakin nag sisilbing ice breaker din sya sa mga batang tinatamad ng mag-aral. So as you can see naman po eh naeenjoy po ng aking alaga ang kanyang ginagawa at dahil naging mabait syang bata kanina eh may reward po stang Ice Cream hahaha. Kayo po ba gusto nyo din po ba ng ice cream? Hahaha. Magandang gabi po sa inyong lahat.

@Tacobells

Tita Jovy's 57th Birthday! Yearly we celebrate our Tita jovy's birthday ng buong sanib pwersa chaaaar! Hahahaha. Ang ibig ko po kasing sabihin eh yung ganto po kumpleto kami mula sa aming mga tito at tita hanggang sa mga kapinsanan ko. Ganon din naman po sa side ng mga kapatid ni tito, at sa sobrang laki ng pamilya namin both side eh akala mo po ay panay may fiesta. 90% ata o ng tao sa St. naki kain hahahaha akala nga namin eleksyon na jusko Re-elect nyo po si Tito chaaaar! Hahahaha. Actually ganto din pala kami kapag bday ni Tito mas malala nga lang ang pag baha ng anak kapag dumarating yung araw nya uuwi ka talagang gumagapang hahaha. I also want to flex pala my nigguhs hahaha di ko na po papakilala isa-isa pero basta asawa ni kuya, hipag kopo, pinasan at jowaers ng pinsan ko hahaha. Opo close po kami bawal po samin ang bad chaaaar! Hahaha syempre po Family is Love po dito and we value each and everyone kaya po pati yung mga plus one nila eh we value din po. Good thing nga po eh kasi mas matanda sila ate atleast may gabay parin kami sa pag inom hahaha char. I mean no inggitan sorry po ah kasi pansin ko sa iba ganyan eh. Sa pic lang ok tapos kapag after ng okasyon nag pplastikan na? Hayssss di magandang tignan para sa isang pamilya diba po? Ano pa pong hinihintay nyo? Maki-birthday na din po kayo saamin hahaha.

+1 more

@Tacobells

THE PENMANSHIP AND THE MERYENDA... After a long day ng pagtuturo ko sa aking alaga ay eto naman ako at nagsusulat ng reviewer ni ga para sa paparating na board exam nila. Habang sya ay nag babasa ng reviewer din at saka questionaire ng mga posibleng itanong at lumabas sa board exam. Kada makakatapos syang mag basa ay may tanungan portion kami good thing for him na may background ako ng very light sa Law kaya may parts na na didiscuss ko and debate ko sa kanya. For me mas nanakakatulong kasi yon para mag lumawak ang nalalaman nya at hindi sya maging bookish lang. At syempre po ang bawat mag-aaral ay dapat may karampatang gantimpala mula kay maam hahaha charot. Para naman po kahit paano ay ganahap sa pag rereview si ga eh naisipan ko syang igawa ng ham and egg sandwich with some veggies with orange juice (sunquick) as his drink. Hahahaha o saan pa sya nako ha! Sa lahat po ng mag tatake ng board exam ngayong taon laban po tayo! Wag po tayong mawawalang na pag-asa, tiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos. Palaging isipin na kaya o makakaya lalo na ang PAPASA AKO! Good Luck to all of you po! God Bless Us All.

+1 more

@Tacobells

System Error or Wifi connection problem? This past few day eh sobrang hirap and struggle is real po talaga saakin ang mag post ng pictures na dati naman po ay hindi peeo ngayon parang katulad na din po sa mga Samsung user na may kahirapan sa pag upload ng picture dito kay noise.cash. Nais ko pong mag bahagi ng aking mga activity sa buong araw na nag daan at ipakita sana ito sa pamamagitan ng picture para mas maging maayos at maganda ang kwento king may litrato kaya lang po ay ayaw talaga makisama ng aking wifi ata or cp. I really dont know po talaga kung ano pong problema pero sana po ay maayos na sya sa lalong madaling paraan. Kamusta na po pala kayo? Sana po ay ayos lang ang lahat. At sa mga namamahinga na po sleep well po, goodnight and have a good sleep. God Bless us all po.

@Tacobells

Larawan ng Kahapon Isa ang larawan na ito sa matatawag CIRCA sa pagkakaalam ko ito ay kuha noon pang Dekada 80's. Hayaan nyong ipakilala ko sila sa inyo. Si Linda(ang aking tita nheg) ang unang babae na nasa kaliwang bahagi ng litrato Dite kung tawagin at isang mabait na kapatid. Ang susunod ay si Francisco Jr. (Ang aking Tito Janggo) halata naman po sa pangalan, may jr diba po? So ayun po sya po ang bunso ng pamilya. Ang nasa gitnang naka upo, ang nagtapos si Emelita( Ang aking napakagandang Inay) o bawal po kontra ah hahaha. Ang bunso sa babae hindi rin naman nalalayo ang edad kay francisco. At ang babaeng nasa kanang bahagi ng larawan ay si Helen( Ate helen kung aking tawagin) sya po ay hindi kapatid nila mama, sya po ay pinsang buo nila mama, anak po sya ng tiyahin nila mama. Ang larawang ito ang nagpapatunay kung gaano kami kabond bilang isang pamilya kahit noon pa. Tandaan hindi hadlang ang estado o katayuan sa buhay ng bawat isa upang magturingan na mag kakamag-anak. Btw hindi parin po ayos ang aking celpon at piling mga larawan parin ang naibabahagi ko sa inyo. Hindi ko malaman kung sa system ba o sa connection lang ba ng aming wifi. Magandang gabi po sa inyo at sa mga mamamahinga na po have a good sleep. Sweet dreams po!

@Tacobells

Watta tiring day! Maraming nag tataka king bakit ako nawawala tuwing gabi ng sabado hanggang lunes ng umaga, wag po kayo mangamba hahaha chaaaar! Yun po kasi ay sa kadahilanang ang araw po ng monday-saturday ng hanggang hapon namin ay spent po sya dito sa bahay namin sa bayan kasi po si mama at papa ko po ay may work ngayon naman po ako po ay nag tututor naman po from monday to friday. Pag dating po ng sabado ng gabi ay umaakyat kami sa "Hulo" bundok po sya mataas na lugar so wala pong source of internet wala po wifi. Since 1 day lang naman po kami nandoon eh hindi na po ako nag papaload. Practical po kasi pag uwi din naman po namin sa bahay namin sa bayan ay may wifi naman na po ulit. Wag po kayong mag alala at productive pa din naman po ang akong sunday sa gawing bahay lalo na ang pang luluto at paglilinis hahaha. Sa mga matatagal ko na po palang kabagang dito ay may ginawang katakawan nanaman po ang ate girl nyo. Sayang lang ay ayaw mag upload ng pictures. Pero gumawa po ako ng Chocolate Mousse Cake yiiieeee sarap yorn binalikbalikan wag kayo jan hahaha. Soon kapag ok na po ang connection namin upload ko din po dito para sabay kayo sakin mag crave hahahaha chaaaaar!

@Tacobells

DIAMOND PAINTING Dati kapag nagba-browse ako sa mga soc med and mga shopping online madalas nakikita ko ito sa mga ads or sa mga post na nga mismo ng ibat ibang store nung una parang ahh ok ganon lang? Pero nagulat ako kahapon na meron pala si mama at talagang tinago pa saakin at bala daw sya ay pagalitan ko kasi kung ano-anong binibili nya hahaha. Pero wag kayo ako na nag tatake over madalas dito hahaha. Mahilig sa ganto po si mama kung dati cross-stitch lang po sya pero ngayon level up na ang mamshie ko! Naka 3D na, naka Diamond painting na hahaha ojivaaaaah! Taray lang hahaha. Kaso medyo di ako nasasayahan sa beads nya kasi medyo maliit unlike sa mga napapanood ko na malalaki ang parang pang 5D talaga. So ayon naisip ko baka eto yung included sa package na naavail ni mamshie. For me this is the moder cross-stitch though hindi sya stitch hahaha ano daw? Basta ayun na po. Post ko po final nya kapag po natapos na po namin.

@Tacobells

PAGKAING PINOY! ILOCOS EMPANADA! Marami saatin ngayon ang tumatangkilik na ng produktong ito, eh sino ba naman ang hindi eh talaga namang napagkasarap! Nung bata ako naaalala ko kapag sinabing "Empanada" ay ito yung tinapay na may palaman na giniling at patatas kung minsan pa nga may budget friendly empanada pa na ang palaman ay corned beef at patatas. Karamihan saating mga tagalog ay ganon ang kinalakihan na empanada na kadalasang makikita o mabibili sa mga street vendor sa halagang 10 piso. 2015 ata yun nung una kong marinig ang "Ilocos Empanada" at ako ay napa "huh? Ano yun? Anong kinaiba non?" Kasi nadidinig ko din that time na mas pricey at may pasawsawan pa daw na parang sukang tubo. So ako naman itong naintriga at nung may pagkakataon ay unang subok kong tikman ay talaga namang parang akong nasa ilocos! Napaka sarap! Pero not sure kung ganun nga ba talaga ang authentic na lasa ng ilocos empanada, pero kung hindi man ay sigurado ako na mas masarap pa sa natikman ko. Ang mga pangunahing palaman po nito ay isang buong itlog (pasunny side up style pero pero dipa luto kapag binalot), longganisa at green papaya daw po sabi ng inay hahaha. At habang nakain nga kanina netong panalong ilocos empanada ay naisip ko na padalan ng personal na mensahe si Mr. BBM na kung magagawi sya sa Bataan ay magdala na din sya ng ilocos empanada. Yung nanay ko kasi naghihimutok di daw sya nakatikim ng Nutri-Bun noong araw Klim na gatas lang daw. Nag rereklamo pa eh panay naman sya absent noon hahahaha. Pero charot lang kakahiya mag message sa ig nya pero pag-isipan ko din hahahaha. Tara po meryenda po tayo.

@Tacobells

Visiting my cousins and doing some Aling Marites Mode hahahaha. Aling Mariteeeeees! Naka sama nanaman mukha ng kapitbahay nila neto for sure kase baka akala nila eh sila ang pinag-uusapan namin hahaha mga tamang hinala palibhasa eh mga ganon ang gawain nila hahaha. Anyway namiss ko lang talaga kausap si ate k about life and lovelife huminga lang baga, naglabas ng konting stress and nag sharing of some realizations in life. Minsan naman kailangan din natin gawin yon for us to be relieve on whatever we are facing today. Katulad ngayon pagod at stress nanaman ang ate girl nyo! Jusko sumasakin na nga ang ulo ko ay. Keep safe always po lalo na sa mga working po jan. Pakita ko na din po pala ang aming Marites moment kagabi ng aking pinaka mamahal na katoto from UAE! Hahahaha i am also encouraging her to use @Noise.cash , and BCH explaining to her how great it is and how useful/helpful it is in our daily lives noisers. I just hope that she will consider my invitation here in noise.

@Tacobells

This photo showed kung gaano ako kapagod at ka busy kahapon para may maibaon si papa at mama ko sa work at ako naman sa tutor hahaha. The first two picture is the Banana bread medyo na failed nga lang ngayon kasi late ko na nalaman na wala pala yung measuring cup ko hahaha. Pero wag kayo jan binawi ko naman sa mashed potato, adobong tahong na para kay ga at ang aking imbentong pizza roll hahaha. Akala ko nga mapapahinga ako kahapon pweo sobrang dami ko palang gagawin, sa sobrang pagod ko po ay maaga ako nakatulog hahaha. Tapos ngayon pagod nanaman dahil sa aking tinuturuan, all out ang ate girl nyo package deal hahaha. Btw if ever na mahilig mga Bataan friends ko jan sa mashed potato just let me know hahaha the best to mga priiiii! Mahihiya ang kfc at jollibee sa lasa ng mashed potato ko wahahahaha chariiiiing! So ayan i made it happen kaso ang tindi din ng pagod ko. As of now ay minimeryenda ko na po ang Banana bread kaya tara po sabayan nyo na po ako.

+2 more