read.cash Log in
@Tacobells

PAGKAING PINOY! ILOCOS EMPANADA! Marami saatin ngayon ang tumatangkilik na ng produktong ito, eh sino ba naman ang hindi eh talaga namang napagkasarap! Nung bata ako naaalala ko kapag sinabing "Empanada" ay ito yung tinapay na may palaman na giniling at patatas kung minsan pa nga may budget friendly empanada pa na ang palaman ay corned beef at patatas. Karamihan saating mga tagalog ay ganon ang kinalakihan na empanada na kadalasang makikita o mabibili sa mga street vendor sa halagang 10 piso. 2015 ata yun nung una kong marinig ang "Ilocos Empanada" at ako ay napa "huh? Ano yun? Anong kinaiba non?" Kasi nadidinig ko din that time na mas pricey at may pasawsawan pa daw na parang sukang tubo. So ako naman itong naintriga at nung may pagkakataon ay unang subok kong tikman ay talaga namang parang akong nasa ilocos! Napaka sarap! Pero not sure kung ganun nga ba talaga ang authentic na lasa ng ilocos empanada, pero kung hindi man ay sigurado ako na mas masarap pa sa natikman ko. Ang mga pangunahing palaman po nito ay isang buong itlog (pasunny side up style pero pero dipa luto kapag binalot), longganisa at green papaya daw po sabi ng inay hahaha. At habang nakain nga kanina netong panalong ilocos empanada ay naisip ko na padalan ng personal na mensahe si Mr. BBM na kung magagawi sya sa Bataan ay magdala na din sya ng ilocos empanada. Yung nanay ko kasi naghihimutok di daw sya nakatikim ng Nutri-Bun noong araw Klim na gatas lang daw. Nag rereklamo pa eh panay naman sya absent noon hahahaha. Pero charot lang kakahiya mag message sa ig nya pero pag-isipan ko din hahahaha. Tara po meryenda po tayo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.