read.cash Log in
@Tacobells more from that month

Ang aking huling araw with my alaga Singit ko na din yung side ko about "Face to Face Class" Nakakalungkot man pero may mga bagay na kailangang unahin para sa pangarap at para sa future. Medyo nakakalungkot na hindi ko na sya ma tuturuan pero masaya din naman kasi kapalit noon ay napakagandang trabaho. Matunog ngayong panahong ito ang pag bubukas ng face to face class saga piling paaralan o unibersidad with strict protocols syempre. One day may nakausap akong isang SHS at tinanong ko sya kung pabor ba sya sa face to face na magaganap. Ang sagot nya saakin ay hindi raw sapagkat may virus pa din daw. Me was like (oh? Tapos pag galaan at kung anek-anek g na g? Walang pake sa virus ganern tapos kapag pag-aaral eh ganyan ang thingking?) so hinayaan ko nalang din po sya sa opinion nya. Then as part of the survey tinanong ko naman tong grade 3 kong alaga kung bet nya na ba ang mag schooling. Ang sagot nya po ay tuwang-tuwa na opo gusto nya na pong mag face to face para daw po mameet ang mga klasemeyt which is normal na reaction and reason ng mga bata. So here's my side for me pabor ako na ibalik ang face to face class, bakit? Una para sa mga batang hirap mag catch up at di ganoon ka active sa online or module mas matututukan kasi sila kung ibabalik na sa dati yung pasok. Pangalawa para bata talaga ang natututo hindi yung magulang na ang nag sasagot, kulang nalang sila yung umupo sa harap ng ginagawa ng mga bata sa ganitong paraan makikita natin kung sino ba talaga ang karapatdat sa mga parangal. Pangatlo naaawa na ako sa mga batang naoorasyonan ng mga magulang hahaha, hanger dito tsinelas doon wahahahaha. Basta mga ganon scenario at marami pang dahilan. Para sa mga kabataang nag mamaasim naman jan para mabawasan yung mga nagsisisgalang kabataan. Jusko po naglipana nanaman sila eh di nahimik sa bahay at mag sagot ng module ay. Tapos mah rereklamo na walang natutunan jusko mga ineng matatanda na kayo di na uso spoon feeding matutong magsiyasat mag-isa. Tsaka para na rin sa ating mga kabataang nasa kolehiyo na nakakaranas ng dobleng hirap sa module or online class. Kami ng noong normal pa eh gapang na gapang paano pa kaya sila ngayon? Laho na yung may mga applied skill sa course. Paano nalang din yung ojt nila? Virtual ganern? Hahahaha masagwa ata yorn. Ikaw bilang estudyante o magulang anong opinion mo tungkol sa pag babalik ulit ng face to face class?

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.