How we spent our Holiday (long weekend) At dahil po Holiday ngayon meaning extension ng rest day hahaha charot, napag pasyahan po namin na hindi muna bumaba ng bayan at sulitin na ang refreshing na pamamahinga sa bundok. Napilitan pa tuloy akong magload ng trenta para maka pag noise cash man lang hahaha. Hindi ako kuripot ah sadyang masasayang po kasi at bukas ay may wifi na ulit sa bayan at sinisikap ko din kasi sana na kapag nasa bundok kami ay no gadgets talaga ako and pure pahinga lang. So para nga po masulit ang holiday eh nag pasya nalang po kami na bumili ng ihaw-ihaw sa nadaaanan namin paakyat dito saamin may parang kainan kasi para sa mga namamasyal at mga bikers. Pwede na din sa halagang 85 may isang hita kana ng manok hahaha di ko po alam ang presyo ng isda hahaha peeo buhay po ata nila binili? Tas inihaw nalang dito? Hi di ko po talaga alam dahil ako po ay naiwan sa bahay na nagkakakanta lang hahaha, yung manok po kasi ay matagal na din kami nabili doon so hindi na bago saakin. (EDITED: DI PO PALA NAKASAMA MAG UPLOAD YUNG PICTURE NG INASAL HAHAHA) Tapos si papa at yung asawa naman ng pinsan ko eh nag gagawa na ng cottage na mas malapit sa pool after nila mang galing sa bilihan sa ibaba. And as you can see po may mga batang makukulit sa gilid na panay ang kutkot ng sunflower seeds hahaha at laro. Nakakatuwa sa iba kasi may pa trick or treat samantalang saamin eh maraming baka at kambing na nagttrick or treat sa damuhan, sila lang ang masaya hahaha. Kayo po kamusta po ang long weekends nyo?
No comments yet