Job Requirements As part of being a newly hired employee requirements like 1905, SSS E1, PMDF, PRMF is required madali lang sana ang punila at maghintay peeo panay may twist! Ang twist is MECQ. Kahapon pa ako nag punta ng BIR to get my Identification Card and also the 1905, inabot na din ako ng mahigit isang oras mga around 11:30 na ako natapos so i decided to dine-in nalang sana for my lunch since nasa Balanga na din naman ako better na doon nalang ako sa mga fast food kumain para deretcho na sana ako sa lakad ko sa SSS at PAG-IBIG to make some verification. So habang pababa ako ng hagdan ng Galeria Victoria ay napansin kong nakataas nanaman ang mga upuan at lamesa ng mga kainan katulad ng sa KFC at Mang Inasal so naisip ko na ah baka wala pang customers. Naisip ko kahapon na mag chowking since nag crave talaga ang ate nyong gurl sa friend dumplings nila at wonton soup. Kaso na disappoint ako nung sinabi na bawal daw ang dine-in nahiya nalang din ako na umalis kaya napabili na din ako. Ang ending ay sa bahay din ako kumain hahaha nagastusan pa. Tapos ngayong araw naman panibagong bad vibes nanaman, jusko po nag punta ako sa SSS to verify nga po kaso naman walang power tapos di sila makabigay ng oras kung anong oras nila balak paganahin yung generator nila. Grabe lang talaga minsan ewan ko nalang din talaga sa gobyerno eh. Eto pa ang sabi ng kachikahan ko na naghihintay sa SSS eh unahin ko na daw ang PAG-IBIG so ako naman eto pumunta nga tapos nung nandoon na sabay kausap kay kuya guard na medyo may pagkabastos. Nakakairita sya sa totoo lang, may twist na nga na MECQ kaya daw walang verifier tapos may palakasan system pa. Nakakauta na talaga yung mga ganyang scenario dito sa Pinas. Kaya po ang ending eh wala akong napala sa mga lakad ko for today. Nakakainvey lang talaga sa mga agency na yan hayssss. Kayo po, ano pong mga karanasan nyo sa mga ahensyang ito?
No comments yet