read.cash Log in
@Tacobells more from that month

Two pic in one post (UNDAS 2021) Hahaha ogivaaaah! Ang taray ng title natin ang lakas maka madam inuts hahaha. So ayon nga po ako po talaga yung nagleleteribg sana ng lapida ni kuya kaso baka lahat mag kulay gold na sa sobrang kapal ng pag kakabakat ko hahaha. Then nung mag gagabi na po pala ay lumipat naman kami kay lolo, same cemetery din po medyo magkalayo lang po ng Lot. Napaka rami na ding tao kanina na nag lilinis at dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay nakakapanibago parin kahit dalawang taon na ang ganitong set up natin. Napag alaman ko din kanina na last day of visitation na pala bukas then cut na sila hanggang 1st week ng November. Bali 2nd week na ata ulit yung resume nila. Ang lungkot ng undas ngayon dati-rati ganitong panahon palang nagkalat ng yung ibat-ibang stall ng mga resto sa loob ng Memorial Park from jollibee, mcdo, greenwich, chowking at kung ano ano pang nakakatakam na kainan at masarap na Milktea stall. Matatandaan ring nasa gantong panahon eh putok na putok na rin ang Carnival (Perya) sa dulong bahagi ng lugar na ito, tipong nasa gate ka palang ng sementeryo ay maririnig mo na ang masisiglang tunog at masayang sigawan na gawa ng mga extreme rides. Malayo palang din ay makikita mo na ang iba't-ibang kulay na galing dito na matutukso ka talagang pumasok sa loob ng peryahan. Nakakalungkot nga lang po at hindi na ito naranasa ng mga bagong henerasyon halos lahat ay nawala at nag bago ngunit kanina ay kapansin-pansin ang isang hindi nag bago. Talamak parin po ang mga MODEL NA MAY FASHION SHOW SA LOOB NG SEMENTERYO HAHAHAHA. NARIYAN PARIN PO YUNG MGA KABATAANG OUTSIDER NA BET LANG GUMALA SA LOOB NA WALA NAMANG PUPUNTAHAN DOON, AT DI PO MAWAWALA YUNG MGA PAK NA PAK NA NAKA VIOLET PINK ANG DAMIT PALDA NYA'Y GREEN AT MAY BLAZER NA GRAY TAPOS NAKA SPAETAN NA TSINELAS? (NAKITA KO PO YAN KANINA AH) halos apat po silang mga babae na ganon ang kasuotan basta po mga bataang maiimagine mo talaga na nag sisiawra ng alanganin kapag Undas hahaha. At syempre ang inaabangan na close enough sa Family Reunion ay nawala na din. Nakakalungkot po talaga diba? Kayo po, ano pong mga experience nyo sa Undas na namimis nyo po?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.