read.cash Log in
@Tacobells more from that month

Branch Assignment! (On time) Great Life Mindset hahahaha. I woke up early and prepare ahead of time so i arrived at exactly 7am sa terminal. Kinakabahan pa ako kasi parang ang tahimik at wala atang tao? Unlike nung napunta ako nung nakaraan eh ang dami ng tao. Sinalubong ako ni kuyang kundoktor (Mariveles po) oo naman agad ako sabay turo saakin ng bus, jusko nung nasilip ko eh mas nadoble yung kaba ko kasi wala pang mga sakay iniisip ko malalate ako. Nakakita ako ng konting pag asa nung may isang tao na nakasakay sa bandang gitna hahahaha. So medyo nilalakasan ko na yung loob ko na aalis na to kahit alam kong malabo pa talaga hahaha. Mas nabuhayan ako ng loob nung nakita ko yung kundoktor at driver na umakyat 7:10 na yon hahaha sabay paandar sa bus and the wheels of the bus go round and round hahahaha chaaaar! Pero mas napanatag ako nung nakita ko yung supervisor ko na humaharang sa bus at pasakay palang wahahahaha. Inside of me shouted yes! Hahaha may karamay ako na late hahaha at mula ng makita ko si mam eh napanatag na ako, relax lang mga sis hahaha.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.