Mahal kong Inang Paaralan ( Tomas Del Rosario College) ft. Ilocos Empanada Una po sa lahat mag papasintabi na muna ako sa mga taong gugutumin ko ngayon at mga mag ccrave hahaha wag kayong mag alala sa inyo naka dedicate yung unang kagat ko kanina wahahahaha. So ayon po mula ng napatikin ko si mama ng empanada na gawa sa gilid ng tdel eh madalas na namin syang meryenda hahaha. Nasarapan po sya sa gawa nila doon, yung una nya kasing natikman po which is yung nasa stall ng Vista Mall eh akala mo isang buwang na stock yung balat hahaha. Pero eto po ay nako talagang hinanap-hanap nya palagi pati tatay ko kanina nabitin pa sa kinain nya hahaha. Habang naghihintay maluto yung empanada ako po ay napasulyap sa Tdel at inalala ang masasayang taon na inilagi ko sa paaralang ito. Ako po ay isang mabuting mag aaral ng tdel mula 2008-2012 hahaha o wag na kayong mag compute jan basta matagal na akong graduate ng college pero bata pa ako hahaha. Nakakamiss lang, naisip ko tuloy kung noon pa may ilocos empanada malamang u os lagi pera ko idagdag mo pa palagiang request ni mama na pasalubong hahaha. Nung time kasi namin ang uso lang noon Banana que at camote que hahaha tapos tatawagin pa namin si ate sa gate na malaki at magpapahatid kasi bawal lumabas hahaha. Pero tanong ko lang bakit kapag private tas medyo malaki yung school eh hindi palagiang ginagamit ang gate sa harap? Panay sa mga exit sa gilid nag papalabas at pasok hahaha tas lagi lang yang nakasara tapos bubuksan lang kapag mga 4 wheels yung papasok hahahaha. Kayo po napansin nyo po ba yong ganon sa mga school na may kalakihan?
No comments yet