The reason of those broken promises!

38 68
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Magandang araw kapwa manunulat at mambabasa, naway nasa mabuti tayong kalagayan sa mga oras na ito.

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

Flex ko lang ang mababait at magagaling kung sponsors, naway bisitahin niyo din sila sa mga libreng oras ninyo, maraming salamat.

Di lingid sa lahat ng mga nakabasa sa article kong broken-promises kung gaano kasakit ang nangyari sakin nong mga oras na nalaman kong umaasa pala ako sa wala. Masakit... Sobrang sakit ng naramdaman ko na parang gumuho bigla ang mundo ko, ready na ako lahat lahat sa pag aakalang uuwi na nga ako sa binanggit nilang petsa, ngunit sa isanv iglap lang ay naiba ang ikot ng mundo. Diko kinaya ang emosyon ko ng malaman kong hindi pala ako kasama sa binilihan ng ticket pauwing Pilipinas! Yong pakiramdam na asang asa ka? Ready na lahat ng gamit mo pati isusuot mo at mga pasalubong pero malalaman mo palang hindi ka matutuloy? Double kill yon para sakin, triple pa nga ang sakit eh!

Nagwala ako ng gabing iyon, umiyak ng umiyak at di ako nagtrabaho, naaawa ako sa alaga ko pero tiniis ko ang lahat. Mas nanaig sakin ang galit, diko pinaliguan o binihisan ang alaga ko. Diko na din pinainom ng gatas at pinatulog. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa labas ng kwarto namin kasi puro iyak na lang ang ginawa ko hanggang mapagod ako at diko na namamalayang nakatulog na pala ako ng di kumakain mula tanghali. Nagising ako ng hatinggabi at tumutulo mga luha ko ng diko namamalayan. Ung sakit na nararamdaman ko ay sagad na sagad na. Yong galit na nararamdaman ko ay up to level na. Diko na halos nakikilala kong ako pa ba iyon dahil sa galit na pumupuno sa puso at isipan ko. Nakatulog akong umiiyak.

Paggising ko sa umaga, pagdilat ng aking mga mata ay luha agad ang sumalubong sa akin ng diko sinasadya. Yung nararamdaman kung galit na di humuhupa. Diko na din inisip kung uminom na ba ng gatas ang aking alaga o ano pa dahil hindi na ako lumabas ng kwarto. Di ako nagtrabaho ng araw na iyon at di na din ako kumain o uminom, sa sakit na nararamdaman ko parang gumuho na talaga ang mundo ko, ung ang aking pakiramdam. Gusto kung mawala muna sa mundo at makalimot sa sakit na nararamdaman ko.

Kinahapunan dumating c baba, ang lalaking employer ko, pinuntahan niya ako sa kwarto at kumatok. Kinukumusta ako at bakit daw ako umiiyak at di kumakain. Lingid sa kaalaman ko tumawag pala si madam sa mga kasama ko at tinatanong kung kumusta na ako at ang sabi nila dina daw ako lumalabas o kumain man lang. Marahil sinabi na yon ni madam kay baba.

Baba: Bailyn.. baba.. can we talk a while?

Umiiyak parin ako at sumigaw ng bakit pa, pero sabi nia gusto daw niya ako makausap sa kwarto nila. Lumabas na din ako at buo sa isip ko na ilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ganon pa man pinilit ko parin pakinggan ang kanyang explanation.

Baba: Baba.. hope you understand my situation. I dont want to put you in this situation but you know our situation now. My mother have tumor and this friday I will bring her in London for operation. This 22 is her appointment for operation. I dont know how long it took, only God knows everything, maybe we can stay their 2months or 6months I dont know. Saada will gonna go back to the Philippines but you will stay because we cant trust the kids for the new nanny. Its hard for us seeing you crying and not eating since yesterday but try to understand us. I promise this time and this is the last promise I make for you. December you can go back to Philippines.

Me: (Screaming with tears) No I dont believe you all ever again. Last January I told you that I want to go back in the Philippines by August and you both agree. When August come you ask me again to stay 3months more for the condition you send us both to the Philippines when november come, with or without your nanny arrival! Ill never believe in you, You are all liars! (Then I cry a lot)

Baba: Please put you in my situation. I dont do it with purpose, It's in Gods will, that past 3months we dont know that my mother will gonna catch by this illness, believe me I understand why you feel so angry, please bear with us, its Gods plan, we dont wish my mother to sick.

Me: No you break your promises for many times! I dont believe you anymore, I have my rights and you dont even care about my situation.

Baba: Your madam will gonna be alone with the kids,, we cant fully trust the new nanny, your madam have work and the kids have school, what will we do, we dont have any choice but to let you stay for one more month please. The other nanny will gonna arrive 1st week of December.

Me: No baba you dont feel what I feel!

Baba: I understand if you get angry, but let it go and I know your good inside. Insha Allah when you feel better then you realize everything and understand our situation.

Iniwanan ko si baba na nagsasalita pa, pumasok ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Alam ko kabastusan inasal ko pero diko macontrol ang sarili ko, maswerte na lang ako dahil sa mababait na amo ako napunta. Dumating c madam galing sa work at kinausap ko siya. Biglang tumulo agad ang mga luha ko bahang nagsasalita ako kaya niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko yung awa nia sakin pero no choice na din sila. Umiiyak na din si madam na yakap ako.

Madam: Please don't cry, (while she's crying too) hope you understand our situation, promise we dont have any intention to put you in this situation. Please try to understand.

Me: Madam please try to understand me too. Why you let Saada to go and why not me too. You promise me that this November you send us both in the Philippines then why you lie to me?

Madam: God knows we dont except all this to happen but mama yumma have tumor and we dont know it will happen. We let saada go first because she's 3years more here. Please give me 1 more month please. I'm gonna alone here and I dont have fully trust to the new nanny. I have work and I cant leave the kids with her only please.

Naging mahaba ang conversation namin, pinakiusapan niya ako ng bongganv bonga at laging nag sosorry sa mga nangyari. Pinakita nia sakin ang ticket ng isa pa nilang nanny na darating sa 1st week of December at may quarantine pa daw kasi sinovac ang vaccination niya. Dahil sa mga pakiusap ni madam at paliwanag ay medyo kumalma na din ang aking nararamdaman at nauunawaan na ang lahat. Tao lang din akong marunong lumagay sa katayuan ng iba. Di naman bato ang puso ko upang patuloy na magmatigas. Tinanggap ko ang offer ni madam ngunit sinabi kong huling pakiusap na nila ito at ayokonv abutin ng new year dito sa kuwait at nangako siyang hindi raw mangyayari na aabutin ako ng bagong taon dito. Makakauwi ako sa aaraw na pinangako niya this time.

Message:

Huway magpapadala sa emosyon, dahil walang magandang idudulot ito sa atin. Pasalamat na lang ako at nakatagpo ako ng mga amo na kahit nabastos ko na sila at nasigawan pero naiintindihanparin nila ang aking nararamdaman at marunong silang umunawa.

Laging huwag umasa ng bongga dahil bongga din kung ikaw ay mabigo at masaktan. Piliing unawain ang mga bagay bagay at matutong ilagay ang sarili sa kalagayan ng iba. Ilabas ang nararamdaman at huwag kimkimin. Mas madali tayong makakarecover kung mailabas ang galit na kinikimkim. Matutong makinig sa paliwanag ng iba at intindihin din sila.

Maraming salamat sa lahat ng nagbasa ng article ko ngayon. Maraming maraming salamat sa inyong lahat

November 16, 2021 Tuesday

Kuwait time: 7:19 PM

Article #70 (17)

Photos are mine unless stated otherwise

Sending of love,

@Sweetiepie ❤❤❤

15
$ 3.50
$ 3.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Jeansapphire39
+ 10
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Comments

He talked about an important issue. Many of us need to know. Many people need to know this in our life. We must be careful about our promises.

$ 0.01
2 years ago

Yes but my employer have reason too that even its hurt me but I need to understand too

$ 0.00
2 years ago

Omg sis naiyak ako habanag binabasa ko.. damang dama ko yung kgustohan mong makauwi at naiyak din ako kasi ang bait ng mga amo mo.. at talagang d nman nila siguro sadya na magkasakit yung mother kaya para sa akin sis may plano ang diyos kaya nangyari yan siguro pagbigyan mo nalang muna po...

$ 0.01
2 years ago

Narealize ko after kong magwala na ang sama pala ng mga binitiwan kong salita pero mas naiintindihan ako ng mga amo ko pero no choice din cla sissy kaya pinagbigyan ko nalang,pasalamat ako at di ako sinaktan. Sa iba siguro dahil sa inasal ko baka nasampal na ako hahaha

$ 0.00
2 years ago

Naiyak ako habang binabasa ko to sissy. May rason din pala sila, akala ko namamahalan sila sa ticket, yun pala ay operation sa mama nila. Pagbigyan mo lang ngayon sissy, Allah will bless you more

$ 0.01
2 years ago

Suoer nGing makitid ang isip ko sissy nong mga panahing galit pa ako at pinagsisihan ko un. Maswerte lang ako anv babait nila wala akong bad na narinig sa kanila kundi sorry

$ 0.00
2 years ago

Naintindihan ka din naman nila sissy kasi nag expect ka na eh. Ang swerte mo sa kanila, ang babait nila ano?...Kung siguro tumagal na yung isang yaya, baka natuloy yung pag uwi mo kaso bago pa lang at wala silang tiwala at ikaw yung pinagkatiwalaan kaya yun ang naging desisyon nila.Masarap din sa pakiramdam na may taong nagtiwala sa iyo, kasi yung iba kahit matagal ng nag serbisyo di pa din pinagkatiwalaan

$ 0.00
2 years ago

Oo sissy last saturday lng xa dumating samin. Diba napublish ko din about don huhu. Super bait nila sissy pero ewan gusto ko ng umuwi pagod nako mag alaga sa mga bata hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ahaha kunting tiis nalang sissy, makakauwi ka na. Pray lang lagi tayo kay Allah para palakasin lagi yung loob mo

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy maraming salamat Insha Allah

$ 0.00
2 years ago

Aweee I feel so sad with you po. Nkakalungkot isipin na asang asa kna pro un nga may mga bagay na d natin inaasahan mangyari. Thankful nlng dn po tayo kasi mababait sila mai ibang employer na hahayaan ka lng cguro magluksa.

$ 0.01
2 years ago

Tama ka sissy maswerte lang at kami ang pinagtagpo, kung iba pa siguro sa masasakit na salitang binitawan ko sa kanila na diko na sinulat bka mablock ako d2 hehe baka kinulong nako ng mga amo

$ 0.00
2 years ago

Oo buti nlng tlaga

$ 0.00
2 years ago

Tama ka jan sissy

$ 0.00
2 years ago

Hindi talaga madaling mangibang bansa,swerte mo sis kasi naka tagpo ka ng mababait na amo at bihira lang alaga yung mga ganyan. Sana sa December matuloy na yung uwi mo, sana din maging successful yung operation sa parent ng amo mo. Ingat ka lagi dyan sis.😊,laban lang,💪

$ 0.01
2 years ago

Maraming salamat, hoping too maging successful ang operation and sure na uuwi na talaga ako kc dina nila afford magbayad sa tatlong nanny hehe flat lng bahay nmin

$ 0.00
2 years ago

Sabi ko syo sissy may solusyon ang lahat kya wag ka na umiyak ha.. Pray ka lng lagi na mkakauwi ka sa december... Soon..

$ 0.01
2 years ago

Nahiya ako sa mga binitawan kung masasakit na salita sissy diko na sinama dito baka ma ban ako kasi ansasamang words. Maswerte ako sa mga amo ko nakakaintindi

$ 0.00
2 years ago

Yaan mo na at least nalabas mo. Wag mi bigkasin sissy ksi danger hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sissy at baka abutin ng 20mins to read kapag nilabas ko lahat ng mga nasabi ko ky baba hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha mmk ang labas sissy.. Labas mga tissue

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sissy hahahha

$ 0.00
2 years ago

Mahirap nga din sa kanila sissy kasi bago palang yung nanny na kapalit mo , pero kahit ako man sa katayuan mo ganyan din yung mararamdaman ko kaya tiis nalang muna sissy madali lang yung araw dimo namalayan December na pala.

$ 0.01
2 years ago

Oo sissy wala din nmn mangyayari kahit magmatigas pa ako, ako din mahihirapan, mapapasamabpa tingin nila sakin

$ 0.00
2 years ago

Nakapakahumble din naman pala ng mga amo mo sis..sa iba siguro yan pinagbuhatan na ng kamay kapag nasasagot sila diba?.pero sana matuloy kana sa december

$ 0.01
2 years ago

Oo sissy thankful talaga ako, maramibpa akong sinabi sa kanila na mga bad words pero dikk cla nakitaan na nagalit man lang bagkus nagsosorry sila sakin na umasa ako. Saka ko narealize lahat ng bad words na nasabi ko sa kanila nong nahimasmasan na ako sa sama ng loob. Sabi ko sa sarili ko maswerte parin ako sa mga naging amo ko. Mabait kasi ako sa mga bata kaya wala silanv dahilan upang magkaroon ng sama nv loob sakin

$ 0.00
2 years ago

Pero nakakaawa nga din sitwasyon pala nila sis noh?... sana gumaling na mother nila...

$ 0.00
2 years ago

Oo sissy sa friday na lipad nila kasi 22 ang duedate ng operation. Sana successful in Gods will kc mabait din nmn ung matanda sakin

$ 0.00
2 years ago

Sana nga sis...

$ 0.00
2 years ago

Hoping too sissy in Gods will

$ 0.00
2 years ago

I feel the emotions in your conversation with your madam. Nakakaiyak na nakakaawa din para sa kanila. Siguro nman matutuloy kna sis sa december kasi parating nman na yong kapalitan mo.

$ 0.01
2 years ago

Oo sissy In Gods will tuloy na tuloy na soon hehe, buti kahit ganon pagsasagot ko sa kanila sorry lang naririnig ko, sa ibang amo cguro diko masagot sagot ng ganon

$ 0.00
2 years ago

Mabuti na sis yongnikaw na langnulit angnumunawa at mag pa kumbaba,sapagkat ang lahat ng ayan ay may reward sa susunod

$ 0.01
2 years ago

Tama ka jan sissy at wala din magandang maidudulot kung magmamatigas pa ako. Tiis nlng muna

$ 0.00
2 years ago

I only understood the english parts and I read tumor... is this fiction or real? if real then I hope everyone is okay around you

$ 0.01
2 years ago

Its real sis, its my employer mother have tumor. Suppose to be my flight go back in the Philippines this 22 but unexpected my employer mother need to bring in London this friday because need operation on 22 thats why they cancel my flight too.

$ 0.00
2 years ago

that is sad, but not that sad compared to what that woman is goin through, I wish God gives her strength to fight it

$ 0.00
2 years ago

Thats what I wish too sis Mama Yuma will survive in Gods will

$ 0.00
2 years ago