Broken Promises!

Avatar for Sweetiepie
2 years ago

Minsan maraming bagay ang akala natin ay yon na nga ngunit paaasahin ka lang pala. Masakit pangakuan ng mga bagay bagay na di naman natutupad, yon bang pinapaasa ka lang, tapos na ang lahat lahat ngunit pagdating ng oras ay wala din pala, di rin pala natutupad!

Sobrang sama ng loob ko, ready na ako lahat lahat, excited na ako pero simple lang sasabihin na di ako matutuloy kasi mahal ang ticket? Kasalanan ko ba yon? Marahil hindi dahil obligations nila yon! January pa lang nagpaalam na akong uuwi pagkatapos ng kontrata, dumating ang August ngunit nakiusap na naman sila. Pinagbigyan ko sila dahil may pangako sila na kahit anong mangyari, kahit hindi pa dumating ang katulong nila ay makakauwi kaming sabay! Kung walang katulong na dumating kukunin ang katulong ng nanay niya at hindi muna siya magtatrabaho. Umoo ako sa pakiusap niya dahil pinanghawakan ko ang promise nila.

Ngayon dumating ang Nobyembre uno ngunit wala pa silang aksyon, kinausap namin sila at humingi ulit ng palugit na sa ikalawang linggo ay makakauwi na kami, dumating na ang ikalawang linggo, nakiusap sila na sa ikatlong linggo na naman, dumating na din ang katulong nilang isa ngunit nag iba ang ihip ng hangin! At di daw kami pwedeng ipagsabay dahil napakamahal ng ticket! Kasalanan ba namin yon kung mahal ang ticket? Ang usapan ay usapan, sana man lang matuto silang tumupad sa pangako. Kung uuwi daw ako ngayong linggo ay idadagdag ang sasahurin ko ngyong Nobyembre sa pambili nila ng ticket, pumayag nako na di sumahod tapos sasabihin na naman na Disyembre o January na naman!

Ginagawa na yata akong tanga nito eh! Hindi na ako papayag kaya di ako nag agree sa pakiusap niya! Kausapin ko daw ang among lalaki about dito sabi ko OO kakausapin ko total wala naman kayong isang salita. Pagkasabi ko non pumasok na ako sa kwarto at dina ngtrabaho pa, umiiyak ang alaga ko, naaawa ako sa kanya pero tiniis ko. Sobra na ito. Ok lang naman sana kung di ako pinaasa eh, kung hindi sana nangako pero hindi! May pangakong binitawan na pinanghahawakan ko. Pinaka ayaw ko sa lahat ang paaasahin ako kaya bahala sila. Kung di nila ako pauuwiin ipapakita ko sa kanila ang tunay na ako. Magkakasubukan na kami this time!

Wala na silang maerason dahil ang haba ng oras ang ibinigay ko sa kanila. Sinabi ko din sa kanila na advance ako ngpaalam kasi alam ko mahal ang ticket kapag rush na, sabi ko mgpabook sila ng advance para makamura sila pero hindi eh, di sila nakinig! Ngayon sasabihing mahal? Oo mabait sila kung sa mabait pero ayoko ng pinapaasa ako. Bakit sinabing ganito ganyan tapos di din pala mapapanindigan? Pagod na ako! Pagod na akong umasa sa mga pangakong napapako! Tama na pagod na ang isip at katawan ko ayoko na! Puwes kung di ako makakauwi sige tingnan natin, tingnan natin kung kakayanin nila ang tunag na ako kapag galit na. Nakakawala ng gana! Nakakawala ng tiwala! Di naman pera pera lang ang labanan eh! Yung ego na ang nakasalalay dito. Akala niya dahil kinagat ko ang offer niya noon ay mukhang pera na ako? Pumayag akong mag extend ng another 3months dahil naaawa ako sa kasama ko at may pangako sakin pero tama na, suko na talaga ako kaya magtiis sila, nagsisimula pa lang ako mgtransform!

Hindi ito fiction kundi totoong totoo na! Please bear with me, diko lang talaga maitago ang nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sama ng loob 😔

Pasensya na sa mga words ko, nasasaktan lang ako at diko na kayang kimkimin ang lahat kaya dito na lang ako ng rant masakit sa dibdib!

Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty

November 14, 2021 Sunday

#68 (15)

15
$ 1.66
$ 1.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Adrielle1214
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 7
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Halaa,, nakakadisapponted namn yan, sakit panmn na umaasa ka pero pinaasa kalang🥺

$ 0.01
2 years ago

Ok lang sissy, ng marealize ko ung reason nila naintindihan ko nmn kaya one last chance na din ito at dina ako papayag na dipa ulit matupad

$ 0.00
2 years ago

Sis akala ko may nakuha na sila na kapalit mo habang nasa pinay ka?...bakit pabago bago ang isip ng amo mo?

$ 0.01
2 years ago

Isa pa lang dumating sissy. Ung isa sa 1st week pa ng december daw ang dating

$ 0.00
2 years ago

Ahh i see...sana naman matuloy na yan..last postponed na sana..excited kapa naman sis dun sa mga articles na post mo nung nakaraan..

$ 0.00
2 years ago

Nakaka walang gana sissy kapag vanito. Sabi noon sabay kami ng kasama ko eh now kasama ko flyt n nia sa lunes

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis..ramdam kita..yung nag kacount down kana tapos unsyami lang din pala ulit..

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sissy nakakasakit ng dibdib

$ 0.00
2 years ago

Ipagpray mo nalang sis na sana huling postponed na nila yan..tuparin na sana nila next time

$ 0.00
2 years ago

Hoping too sissy kc grabe andami n nila promise sakin at pinagbibigyan ko, cguro this time ok na kc darating n ung isang katulong nia, di nmn nia afgord mgbayad ng tatlong helper na flat lng ang bahay kaya makakauwi n ako

$ 0.00
2 years ago

Nice ..mabuti naman kung ganun sis

$ 0.00
2 years ago

God is good sissy

$ 0.00
2 years ago

Nakakawalang gana naman niyan lods, yung akala mong yun na pero pinaasa ka lang pala.

$ 0.01
2 years ago

Super nakakainis na maluluha nalang talaga ako

$ 0.00
2 years ago

Hays.. yan talaga ang masakit sa lahat sis mga pangako na hindi na tutupad. Sorry sa nangyari sayo sis feel ko yung narsramdaman mo now yung uwing uwi kana tapos mauudlot lang pinaasa ka lang nila...

Pero kausapin mo sila kapag ok kana kapg humupa na yung galit mo at baka kung ano pa masabi mo po..

$ 0.01
2 years ago

Di mawawala galit ko sissy, nakakainis,nabasa mo ba gaano ko sila pinagbigyan pero lagi nlng ako pinapaasa

$ 0.00
2 years ago

It's a bad thing to break a promise. If you can't keep your promise, then your words are worthless. So we should always keep our promises. But yes some of us forget it.

$ 0.01
2 years ago

Its really hurts me. I give them a lot of chance but they keep promising and its enough, i dont want to hear any lie again

$ 0.00
2 years ago

Grabe naman sissy. Kahit siguro ako, maiiba na ang pakiramdam ko. Pwede akong maging mabait palagi, pero pag inaabuso na ung pagiging maluwag o pagsabi na oo, di na pwede. Magsusungit din ako at magiging dragon.

Sana sis, payagan ka na. Dibale, meron naman nang papalit sa iyo. Ingat lagi. naway wag kang mawalan ng pag asa. God bless.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy nakakabwct lang talaga. Ilang beses ko cla pinagbigyan at nangakobpa sila tapos wala din. Hindi nila magugustuhan ang nakatagong ako kapag puno na

$ 0.00
2 years ago

Ano balita na sa iyo ngayon sissy. Ayaw pa din talaga nila?

$ 0.00
2 years ago

Ok na ako sissy, narealize ko ang reason nila at naintindihan ko na din cla. God always put the good part of me always. May puso pa naman akong marunong umunawa ayiee

$ 0.00
2 years ago

Basta sis, ipaglaban mo ang desisyonpara matuto sila

$ 0.01
2 years ago

Salamat sissy

$ 0.00
2 years ago

Akala cguro nila ndi ka magreact kya ganun

$ 0.00
2 years ago

Inaway ko sila sissy pero ng marealize ko ang reason nila nahimasmasan naman ako. Naintindihan ko naman un kaya cge lang

$ 0.00
2 years ago

Initial reactions kasi yun sis lalo nakaprepare naung mind mo

$ 0.00
2 years ago

Grabe sissy ung mga binitiwan kong salita sa both employer ko, alm ko masakit mga binitawan ko at kabastusan na pero pilit bila akong inunawa at ngsorry nmn sila sakin. Un bang tawagin ko sila ng lier ng paulit ulit at mas mataas pa ung boses ko at bagsakan cla ng pinto. Saka ko narealize na bad un ng matapos akong umiyak pero wala akong narinig na masasakit na salita galing sa kanila. Hanggang ngaun di din ako ngsorry sa kanila sa mga inasalbko pero cla panay sorry kahapon

$ 0.00
2 years ago

Naiinitidihan ka nila sis kasi fault na tlga nila un eh

$ 0.00
2 years ago

Naku ayaw ko din ng pinapangakoan ako sis.. nakakatamad ang ganyan.. masakit din ang umasa ah.. haaaaaayyyy

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sissy super iyak ko pero tinanggap ko nlng kesa magmukmok naaapektuhan pa tuloy pati read at noise ko hehe

$ 0.00
2 years ago

Feel na feel ko yung emosyon mo sissy. Yung excited ka na kasi makakauwi na sana pero yung sinabi nila na sa susunod na ganito, ganyan, nakakawalang gana at napakasakit kasi umasa ka na eh.

$ 0.01
2 years ago

Dina nga ako ngwork sissy, super bait ko ilang beses ko cla pinagbigyan sa pakiusap nila tapoß ganito lang?

$ 0.00
2 years ago

Sana naman maintindihan nila na pinagbigyan na sila ng ilang beses, dapat ngayon tutupad na sila sa usapan

$ 0.00
2 years ago

In Gods will sissy Insha Allah

$ 0.00
2 years ago

Nku sissy inaabuso ka na tlga ng bongga nyan ah. Tpos ikakaltas pa sahod mo eh bawal yan. Against the law yan bka nkalimutan ata or nagka amnesia ng bigla. Wag kang pumayag ma extend ka pa tpos kaltas pa sa sahod. Di na makatao yan sissy at wag mo sila pansinin para mafeel nila na galit ka na ah.

$ 0.01
2 years ago

Dina nga ako ngtrabaho ngaun bahala sila makikita nila ang tunay na ako. Sobrang bait ko sknila. Ilang beses cla nakiusap. Ok lngbkaltasin tapos dipa ako pauwiin? Ilang postponed na, unfair sabi pauuwiin kami kahit anong mangyari tapos ngaun ung kasama ko lang daw. Cge subukan nila

$ 0.00
2 years ago

Good.... Ipakit mong tinamad ka na tlga at ng marealized nmn nila. Lupit ng amo mo no at walang isang salita puro pangako tlga.

$ 0.00
2 years ago

Mabait cla pero nakakainis na ngpapaasa eh

$ 0.00
2 years ago

Sana maayos yan sis para maka uwi kan no

$ 0.01
2 years ago

Nakakainis sobra sissy

$ 0.00
2 years ago

Halaa! Grabe naman po sila,kung ako po ang nasa sitwasyon nyi baka same lang po tayo ng magiging reaksyon or baka po mas malala pa saakin dahil,umasa ka po sa sinabi nila tapos sasabihin po nila mahal ang ticket? Hayyst reason:( stay safe po!

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sissy eh, ilang beses ko silang pinagbigyan tapos ganito lang pala

$ 0.00
2 years ago

Hala sissy ngayon ko lang nabasa grabe naman yan oy , ilang palugit na ibinigay mo sa kanila laban lang sissy sana maaayos nila yan .

$ 0.01
2 years ago

Dina nga ako ngwork sissy bahala sila magkakasubukan kami. Nasa right ako at sila naman ngsabi sakin non. Edi sana di nila ako pinaasa

$ 0.00
2 years ago

Ay ano ba yan sabi eh sa 22 at maybtivjet kana tapos bigla palqng babawiin ,sabihan mo sila sis huwag kang pumayag

$ 0.01
2 years ago

Sinabi ko nga sissy sabi ko nga diko na kukunin sahod ko now. Dina ako ngwork bahala sila

$ 0.00
2 years ago

Sana maging okey na na sis hirap ng ganyan

$ 0.00
2 years ago

Di ako ngtrabaho

$ 0.00
2 years ago