Belated Merry Christmas Merry Christmas Everyone medyo late na yung bati ko dito sa readcash super busy po kasi. Kayo po kumusta din kayo kumusta ang inyong pasko ngayong taon? Sa akin ay ok naman hindi nga lang kami magkasama ni mahal nong pasko dahil sa personal na dahilan. Kaya medyo malungkot yung pasko ko pero bumawi naman siya kahapon sa akin. At yung akala kong nawala na yung love niya sa akin ay mali pala ako siguro sobrang over think lang tlaga ako pag dating sa aming dalawa. Ayko din kasi na nasasakal siya sa relasyon namin kaya hinahayaan ko nalang kung ano ang gusto niya. Pero masakit talaga sa puso yung nagpaparaya ka lalo na kung yung mahal mo ay hindi masaya sa taong yun mabuti sana kong inaalagaan at minamahal siya kaso hindi kaya doble ang sakit sa akin kapag nasasaktan siya. Kahit naman hindi maganda yung pasko ko ay napasaya ko naman ang mahal ko yun ang maganda at masaya na din po ko don. Walang regalo o ano pa man ang makakapagpasaya sa akin basta kasama ko lang siya ay ok na ok na ako. Makita ko lang yung mga mata at ngiti niya ay para nakong nasa langit hehehe. Medyo busy ngayon ang mahal ko kaya pareho kami nawaan ng oras sa readcash. Buti nga ngayon at sumagi sa isip ko nakakahiya din ksi sa mga sponsors ko dito hehe. Si mahal ko talagang madaming ginagawa sa buhay kaya dna nkkasingit sa pagsusulat sana makapag sulat kana ulit mahal ko. Ngayon mis na mis nanaman po kita ano ba ginawa mo sa akin at ganto kita kamahal hehe.. Advance happy new year po sainyo..hangang dito nalang po muna. -Lorah
@Lorah
Joined 25 October 2021 · 16 posts
"Do everything with love"
120 KT
0 KT · 94¢ received · 0 KT · 63¢ given
Posts
Happy Birthday Mahal ko December 3,2021 Time:12:50 How are you guys, kumusta ang araw niyo? Pasensya na kong ngayon lang ulit nkapag sulat masyadong busy po kasi. Pero ngayon ay talagang kilangan kong magsulat para sa aking mahal. Birthday niya kasi ngayon at talagang sinadya ko na hindi makapagsulat para ngyon sa araw ng bday niya ay sakto at msurprise ko siya kahit papano. Hindi naman kasi ako ngsabi na magsusulat ako ngayon. Kaya ito guys ang article ko na ito pra sakanya. Hindi pa kasi kmi legal kaya dito ko na muna siya babatiin at dito nasasabi ko ang lahat sa kaniya. Alam niyo bang hindi gaanong sweet ang mahal ko heheh sa aming dalawa ako talaga ang sweet hehehe kaya ito surprise ko siya pero madalas siya ang ng surprise sa akin noon. Hindi naman mahalaga kong my regalo o wala diba importante ay yung magkasama kayo. Ako sa aming relasyon hindi ko nagbibilang kung ilan na nabigay ko sakanya kasi mahal ko siya kilangn bang bilangin un oagmahal mo ang isang tao dapat kusang loob mong ibigay lahat hehe. At sa amin ni mahal hindi isyu yung regalo. Kung ano lang meron msayang masaya na kami. Mgkasama kumain,kumanta mga ganung bagay talagang na tetresure naming dalawa. Naalala niyo po ba last kong sinulat noon na sabi ko mahilig kmi sa music at kumanta ni mahal sa starmaker. Kaya ito surprise ko sakanya ay sana magustohan niya kasi mtagal na din hindi nkapag starmaker at dito sa readcash ay nagawa ko ulit hehe. Pasensyahan mona mahal boses ko kasi sobrang lamig kaya kaya medyo garalgat at sana magustohan mo parin po. Gumawa ako ng bagong accpunt sa starmaker mahal yan po yung bago kaso hindi talaga pwde yung link ng starmaker dito kaya pakisearch nalang sya sa starmaker mo mahal ko hehehe salamat. Ito yung link mahal ko pasensya na hindi deretso video hindi kasi pwd ung link ko kaya pag click nalang nong link derestso sa starmaker yan hehe sana mg headset ka po at pakingan mo para sayo yan. Mahal, happy birthday pasensya kana kung hindi tayo magksama ngyon, bawi nlang tayo sa mga susunod mo png bday ha . Mahal na mhal kita alam mo yan. At sana magustohan mo ito at kahit papano ay npasaya ko ikaw. Loveumore labko. Mhuua Thank you for reading... -lorah

Thank you so much sis @sweetiepie for renewing your sponsorship..godbless you always sis..and take care...po more blessings to come pa..
For my @labofmylife thank you so much mahal sa pagtitiwaa at sa paniniwala sa kkayahan ko at nagrenew ka ulit hehhe godblezs po... Your such a blessings to me mhuua
This is for you mahal ko Magandang araw ka-readers, kumusta po kayo ilang araw ding walang paramdam dito at walang article na naisusulat. Kumusta ang buhay buhay niyo po, sana ay ok lang kayo lahat. Makulimlim ang panahon dito sa amin dami ko panaman na sampayin kya ito habang nagsusulat ng article ay nakabantay ako sa labas at baka biglang umulam hehehe sino relate jan... Gusto ko mag sulat ngayon about sa mga gusto kong kanta nong naging kami ng mahal ko. At kapag naririnig ko yun ay naalala at namimis ko siya. Kami ni mahal ay music lover alam niyo ba yung application na starmaker don kami nagkakasundo nong hindi pa kami ay talagang mahilig na kaming kumanta sa starmaker. Na hindi ko alam ay ako pala ang kinakantahan niya don hehehe sobrang manhid ko noon sa mahal ko na to the point na friend lng talaga turing ko sa kanya. Yung parang nakakatamdang kapatid ganun lang ang tingin ko sa relasyon nmin at hindi man lng sumagi sa isip ko na mainlove at maging kami in realife. Maganda ang mahal ko actually habulin yun ng mga lalaki at nong time na yun wala akong paki kong sino magkagusto sa kanya hahaha pero nabbwesit ako sakanya kapag yung mga barkada niya ay mga lalaki talaga. Siya kasi wala naman pili sa barkada ako naman ayoko sa barkada na lalaki dahil lumaki ako sa conservative na pamilya kya ganun siguro and naasiwa ako sa mga lalaki lalo na kung bago ko lang kakilala. Nong time na naging kaibigan ko ang mahal ko ay lapitin siya ng lalaki pero kaibigan lang din naman ang turing niya sa mga ito don ako naglaylo kasi nga ayoko sa barkada na gusto niya. Pero hindi naman kami nawawalan ng communication kaya kahit na magkalayo kami updated parin siya sa akin. To make the story short sa love story namin may pinagselosan siyang girl na nabigyan ko ng atensyon at don nagsimula yung selos niya na ang akala ko selos lang bilang kaibigan hindi ko naman alam na matagal niya na akong gusto. At nong nalaman niya na nagkagusto ako sa isang girl ay don siya naglakas ng loob na magtapat at ako naman ay natuwa na halong hindi makapaniwala. Dahil sa curiosity ko sa kanya ay pinagbigyan ko siya na ang alam ko nagbibiro lang siya noon. Na hindi ko alam sobrang seryoso pala siya. Habang lumilipas ang araw at linggo hindi ko na namalayan ang sarili ko na nahuhulog na sakanya, hanggang dumating yung time na gusto ko akin lang siya wag na siyang umuwi magsama na kami. Pero hindi pwede kaya don ko narealize na mahal ko na siya. Noong pumunta ako sa bahay niya para magbonding ay sobrang kabado ko noon bukod kasi sa malayo hindi ako pinapayagan ng magulang ko na magsinungaling kong asan ako pero dahil matigas ang ulo ko at gusto ko mkita si mahal ay pumunta ako. Sobrang saya lang namin noon don sa kanyang munting tahanan, hanggang sa may music sa kapitbahay nila na narinig ni mahal at sabi niya pakingan ko daw. At first time ko din marinig ang togtog na yun at nong time na yun ramdam na ramdam ko yung lyrics ng kanta na parang sa akin sinasabi. https://m.youtube.com/watch?v=3INnDl795AE Ikaw ang sagot by Tom Rodriguez Nong napakingan ko yan don ko nalaman ganda pala ng boses ni tom hehehe at siya pala kumanta niya at naging paborito kona talaga siya yan din ang ringtone ko sa cp pero sa number lang ni mahal kaya kapag tatawag siya alam kong siya ang tumatawag. Sobarang nasayahan ako non kasi feeling ko ang haba ng hair ko para alayan ng ganong song ng mahal ko. https://m.youtube.com/watch?v=itAFdkIlFNo Ikaw by Yeng Constantino Ito naman yung sunod naman na nagustohan kong kinakanta ng mahal ko sa akin. Dahil sabi niya ako lang daw sapat na at naniniwala naman ako don hehehe. Ang ganda din ng lyrics talagang damang dama ko na para sa akin yung kanta. Sympre hind mawawala yung gusto ko ding kanta para sa mahal ko. https://m.youtube.com/watch?v=nUFZL6haLEc In your eyes Itong kanta na ito ay kapag naririnig ko parang niyayakap ako ng kanta at talagang gusto kong idedecate sa mahal ko. Kapag naririnig ko siya ay halo halo nararamdaman ko, kasayahan at pagmamahal sakanya. Hindi ko naman siya favorite dati pero nong napakingan ko siya tapos tamang tama magkatabi kami ni mahal noon at kinanta ko sakanya kahit hindi ko gaano kabisado lyrics sabi ko sakanya may kumanta na ba niyang para saiyo sabi niya wala pa naman kaya sabi ko ako nalang kakanta niyan para sayo hehehe. At ramdam ko na ngustohan nman niya yung kanta. https://m.youtube.com/watch?v=cAhB8_J5MMA Till it's time by Glazia de Castro Ito naman na kantang ito nagustohan ko dahil bagay para sa aming dalawa sinasabi ng kanta na magantay lang kami sa tamang panahon dahil may tamang oras at panahon para sa amin. At naniniwala talaga ako don kaya iyan ang gusto kong kanta sa mahal ko. At magaantay ako ara sa atin mahal ko... https://m.youtube.com/watch?v=e5grOjJLIek On this day by David Pomerance Napublished ko na itong article ko may nakalimutan ako buti nalang naalala ko siya ito yung last na song na nagustohan ko yung last na pagpunta niya dito ay sabay naming nagustohan ni mahal ito at hawak kamay naming kinakanta magkasabay hehehe talagang ramdam ko yung pagmamahal ng mahal ko sa akin ganun din naman ako sakanya... At sabi ko sakanya kapag ikakasal kami yan ang theme song namin ehhehe Madami pa akong gustong kanta pero yan lang ang talagang tumatatak sa akin. Sana nagustohan niyo din po kung may time kayo pakingan niyo po yung mga songs nakakagaan ng pakiramdam lalo na kung stress ka. Para sa mahal ko laban lang anoman pinagdadaanan mo ngayon lalabanan natin yan na magkasama kapit kalang. Mahal na mahal kita andito lang ako lagi para sayo... Salamat po sainyong pagbabasa... hanggang sa muli... -Lorah
Sino ang mas malambing sainyo? Kumusta po kayo, ngayon lang ulit nakapagsulat dahil sa busy sa buhay. Kumusta po ang araw niyo? Ako ok lang din naman at happy and contented. Kayo po ba ay may partner,jowa, asawa? O kung ano naman ang tawag niyo saiyong minamahal ngayon. Kayo ba yung tipo ng tao na showy, malambing sa iyong mahal or isa ka sa kapag nagustohan lang maglambing hehe. Ako kasi aaminin ko ako yung tao na showy ,clingy sa mahal ko. Mas gusto ko every second minute ay nahahalikan at nayayakap ko siya. Gusto ko yung lagi hawak kamay niya lalo na.kapag magkasama kami at konti lang ang oras namin. Ako yung tao na sobrang lambing kapag kami lang na dalawa mas naeexpress ko yung love ko sakanya kapag ganun sympre palagi ko din sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya mapa text or personal man yan. Pero kapag dumating yung time na nagiba ang isang tao sa akin medyo nahihiya na ako maglambing noon. Sa una mahiyain ako kasi tinatanya ko pa ang mahal ko, pero kapag nasanay na at alam ko kung saan sisya mahina kapag naglambing ako ay mgiging natural nalang sa akin ang lahat. Parang comportable na akong gawin sa kanya yun, at alam kong gusto niya din sympre hehehe.. Kabaliktaran ng mahal ko, kung gaano ako kalambing sakanya. Siya naman yung tipo na tao na may control hahaha lalo na kung may mga bata. Siya yung kahit ano na gingawa ko magsayaw na sa harapan niya ikiss na siya hindi siya papatinag lalo na kung busy sa online games niya. Talagang hindi siya showy sa akin pero hindi naman ibig sabihin non na hindi siya naatract sa akin talagang magaling lang siya magtago or magcontrol hehehe. Pero kapag naman kami na lang na dalwa ay don ako mapapalaban hehe at masasabing sweet din pala ang mahal ko. Yun nga lang mabibitin ka kasi hindi siya ganun all the time, yung parang kapag nagustohan niya lang. Pero ok lang ganun siya at mahal ko siya kahit ano pa man ugali niya... Bumabawi naman agad si mahal sa akin yong tipong mapapangiti ka nalang everytime na maalala mo siya . Tulad ngayon sobrang mis na mis ko na siya kaya nakasulat ng ganito heheh. Sana mabasa niya agad ito para maibsan yung pagod niya sa trabaho at kapag nagkita kami mata lang ang walang latay ahahahh..peace mahal ...hahaha Dito nalang muna ka redears,salamat sainyong pagbabasa at pagtangkilik kahit walang laman lagi ang aking article. God bless you all!!! -Lorah
My stress day Kumusta po kayo, my dear readers? Sana ay masaya at ok lang ang inyong kalagayan. Ilang araw bakong hindi active dito 5days ata at namis ko po kayo... Pasenxa na po at ngayon lang ulit nkapagsulat sobrang busy sa buhay. Kumusta naman po kayo? Lastime na sulat ko dito ay hindi kami ok ng mahal ko pero ngayon ay ok na kami minsan talaga ay kilangan din ng ganun para mamis namin yung isat isa heheh. Kanina pagising ko ang sakit ng leeg ko namali ata ang aking pwesto sa pagtulog ang sakit tuloy ngayon ilang days din ito bago gumaling. Yung panahon dito sa amin ang nkakainis hindi man lang umayos yung init para matuyo na mga dating sinampay ko at mkapag laba na ulit. Wala akong maisip na topic ngayon po pasensya na po talaga kayo hehehe at magkwento nalang ko ng nangyari kahapon sainyo. ***Minsan may times na gustohin mo magpahinga yung isip mo at magrelax ay hindi mo magawa agad agad kasi may magkukulit na mga bata.*** ***Kahapon napalo ko anak ko kasi sobrang kulit yung sinagad niya talaga pasenxa ko. Nagsimula sa cellphone hanggang sa kakain na ayaw niya kumain dahil mas gusto mag cellphone tapos sinabayan pa ng aso ko nakatakas sa kanyang tali.*** ***Ang dog ko na yun ay sobrang love ko dahil bigay sa akin ng mahal ko kaya hindi ko talaga siya pwding pabayaan na makalayo. Tapos sumisigaw pa yung anak ko kaya sa sobrang inis ko napalo ko siya. Pero after naman non na humupa yung galit ko at umiiyak parin siya sinuyo ko siya para kumain na din. Kasi sa edad niya hindi niya pa alam kung tama o mali ginwa niya pero pinaliwanag ko na wag na siyang magiging ganun ulit para hindi na siya mapalo at magalit ang mommy. After kung suyuin ay buti nman at kumain na ang anak ko.*** ***Sobrang stress ako kahapon at kapag stress ako talagang dko mapigilan ang umiyak. Nong kumakain pa nga lang at sinusubuan ko sila ng pagkain ay papatak na luha ko. At hindi ko nanaman napigilan isipin na napakaswerte ng tatay nila at hindi nraranasan yung gantong hirap. Ang hirap magisa ikaw lang nagdidisiplina minsan may time na gusto kong umalis,lumayo kaso kawawa mga anak ko kapag ginawa ko yun. Kaya sobrang hinahabaan ko pasenxa ko sakanila kung maari ayoko silang paluin dahi alam ko tatak sa kanila yun. Kaso ano magagawa ko kung hindi na nila ako pinakikingan at magisa lang ako.. kaya need kong gawin yun para tumigil at matakot sila sa akin na hindi na nila dapat ulitin at gawin yun.*** ***Medyo nagdrama na ako guys pero need lang maglabas ng sama ng loob sa mundo hahahaha..*** ***Thanks sa readcash at napaghuhugotan ng sama ng loob dito nalang siguro ako magsasabi ng mga saloobin para medyo gumaan pakiramdam ko..*** ***Thank you for reading...*** -Lorah
Pasenxa na kung hindi po ako makapagsulat ngaun,gulong gulo ang utak ko.. gusto kong sumigaw ilabas lahat pero hindi ko magawa.. gusto kong umiyak hanggang sa mapagod, makatulog pero parang pati yung emosyon ko pagod at walang luhang mailabas, ang bigat sa dibdib.. ang hirap kapag ganto. ang sitwasyon namin hindi ko alam gagawin...
Our day november8 Kumusta po kayo, medyo nawawala ako dito sa mundo ng readcash sobrañg busy lang po talaga sa buhay.. Ngayong araw na ito ay napaka special sa amin ng mahal ko.. monthsary namin ngayon. Naisipan namin magcelebrate ng walang masyadong ganap kundi kaming dalawa lang. Eksakto monday ay check-up niya din sa kanyang surgeon. Una naming pinuntahan sympre ay simbahan nanalangin kami doon ,nagpasalamat at humingi din ng tawad sa diyos.. nagsindi ng kandila. Kaso ito namang si mahal ay naapakan niya bigla tsenilas ko kaya napatid tuloy at napabili ako ng wala sa oras dahil hindi pwding magpaa nman ako sadate namin hehehe.. kya hanap kami ng mabibilhan buti may malapit ding nagtitinda at yun nga sabi niya Mahal sakto maalala mo yang tsenilas mo kasi sakto sa monsary natin heheh may remembrance ka..oo nga hehe Pagkatapos ay deretso kami sa doctor ni mahal kasi balak namin ay magpacheckup siya ngayon dahil parang lumalala ang kaniyang sakit sa dibdib parang may nakakapa siyang bukol kaya sabi ko pacheckup tayo. Sa kasamang palad ay wala ang doctor 3pm pa daw ito papasok. Kaya no choice kami ay umalis nalang. Next destination namin ay sympre magaalmusal alam kong nahiya lang magaaya si mahal kaya sabi ko tara kain tayo.. lagi nalang daw ako naglilibre sakanya sabi ko nman ok lang kasi mahal ko naman siya.. sabi pa niya baka daw hindi nako masaya.. sabi ko naman habang nakatawa sobrang saya ko nga eh hahaha kasi kasama kita... Tirik na tirik ang araw kanina pero parang hindi ko ramdam ang init ng araw hehe tapos habang kumakain kami ay nagtitigan at nagkkwentohan lang kami.. hangang sa hindi namin namamalayan ay magtatanghali na pala hahaha. Hindi nman kasi kami legal pa kaya need namin umuwi ng maaga. Kaya pakatapis naming kumain at may binili din na íbang pangangailangan ay umuwi na kami... Sobrang ikli lang ng oras ng date namin pero masaya ako. Sana napasaya ko din siya kahit papano.. ang gusto ko sana malaman ang kalagayan niya kaya gusto kp siya mapacheckupan kaso yung doctor nman ay wala. Siguro nextime nalang kapag freetime ulit..Mahal happy monthsary sa ating dalawa ano man ang pagdaanan nating hirap,pagsubok sana wag kang susuko sabay nating lalabanan yan basta anjan ka lagi sa tabi ko.. iloveumore lab ko mhuuaaa. -Lorah
My sunday Kumusta kayo ngayon lang po ulit nakapagsulat sobrang busy talaga po ako minsan. At minsan wala ding napasok na idea sa aking isipan kapag nagbubukas ako ng readcash puro basa lang ako dito ng mga articles niyo. Anyways happy monday sa lahat..ngayon sana ang araw na dadalawin natin mga mahal natin sa buhay na namayapa na kaso dahil sa pandemic ay ipagpaliban nalang muna..pero ako nong may pagkakataon ay nabisita ko naman sila. Kahapon maaga palang ay gising na ako at pumunta na akong palengke para bumili ng pagkain. Dahil darating si mahal sa aming dalawa mas gusto namin na dito mag hangout kapag wala siyang trabho dito sa bahay namin. Kaya siyantalaga ang pumupunta sa akin. Hindi na nga ako nkapag text sakanyan na aalis ako at mamalengke. Mabilisan lang ang palengke ko dahil mga 8am ay darating na siya. Hindi nga ako nagkamali dahil naunahan niya ako makauwi. Nong makauwi ako ay talagang natuwa ako na makita ko siya kahit every week naman nagkikita kami ay lagi parin akong excited kapag kasama ko siya...Nagluto ako agad ng agahan para sa aking mahal,hehehhe yung paborito niyang luto ko pansit bato.. Madali lang nman siyang lutuin kaya after 30minutes ay naserve ko na sa kanila.. Masaya kaming kumakain ng mahal ko habang kinakamusta ko siya sobrang daldal niya habang kumakain kahit may laman pa ang bibig. Tapos nagtititigan kami at sobrang kinikilig ako kapag tinititigan niya ako hehehe.. After namin magalmusal ay hindi naman tamad ang aking mahal sabi niya siya na maghuhugas ng pinagkainan namin sabi ko cge kasi paliliguan ko din mga bata para presko sila habang nanonood ng tv. At pagkatapos ay my time kami pang mag usap ni mahal habang nagpapalipas ng oras. Kasi bandang 10am ay magluluto na uli ako ng pagkain pananghalian... Yan na nga bandang 10am ay nagluluto nako paborito nila yan na adobo ,si mahal ko ay madami siyang nakakain kapag yan ang luto ko. Yan din gusto ko sakanya naapreciate niya lahat ng ginagawa ko. Tapos tinutulungan niya ako, hindi niya hinahayaan na magkaproblema kami. Mga 11am ay tapos na akong makapagluto at 11:30 am ay kakain na kami.. una mona namin pinakakain mga bata at sunod kaming dalawa para bwelo at magkaron din ng time magusap habang kumakain. Kapag kami magkasama pakiramdam ko athome ako sakanya kung pwede nga lang wag na siyang umuwi gusto ko dito nalang siya para palagi ko siyang kasama at kausap. Nong matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami bago maligo at patutulogin din namin yung mga bulinggit para magkaron din kami ng lab time hehe . Nong makatulog na ang mga baby ay ako naman ang pinatutulog ni mahal.. hahaha pero sympre gusto ko matulog din siya kaya sabay nalang kami. Kaso pagising namin mga 3:30pm ay nalungkot ako kasi ang bilis ng oras at mga 5am uuwi na siya.. sobrang bilis ng oras kapag kasama ko siya. Feeling ko 2hours lang siya nag stay sa akin. Ending.. Masaya ang aking sunday kahapon dahil kasama ko ang mahal ko at nkapagusap at bonding kami.. sana palaging ganun kami walang away at tampuhan..at sana lagi ding healthy ang mahal ko.. Salamat po sa aking sponsors...godbless po lagi sainyo.. Salamat din saiyong pagbabasa... -Lorah


Wow napaganda mo nman ang aking gabi lab..@labofmylife.. thank you so much sa pagiging sponsors ko pgbubutihan ko pa sana makasulat pa ng madaming article..mhuua Imiss you...
True love O Fake love October 29,2021 6:40pm pilipinas #Article3 Ano nga ba ang pagkakaiba o deperensya ng fake love at true love.? Ang pagpasok sa isang relasyon toxic yan kapag napunta ka sa maling tao sa pekeng pag-ibig. Para makapasok ka k makabuo ng isang long lasting relationship kinakailangan ng totoong pagmamahal we need to avoid the toxic one and maling tao. Ito ang ilang signs na maibabahagi ko sainyo na base din ito sa experience ko sa fake love and true love na dapat alam mo. 1. Truel love make sacrifices Ang true love ay selfless,hindi naman aabot sa point na kakalimutan niya sarili niya,pero mas minimakesure ng taong ito na mas napapasaya niya ang kanyang partner o karelasyon. Gumagawa siya ng malaking sarifices just to make sure someone truly happy. Fake love is only concern of itself. Hindi katulad ng fake love sarili niya lang iniisip niya. Yung pabor lagi sakanya ang nasusunod and she/he only care for itself. 2.Truth vs. Lies Ang true love mas comportable sila sa honest conversation kahit minsan masakit na, kahit minsan nakakaoffend pero honest yan kung mag usap. Meaning wala kayong tinatago sa isat isa meaning wala kayong insecurities,duda sa relayon niyom Ang fake love ramdam na ramdam mo ang dami niyang nililihim sayo,minsan ang tagal niyo na hindi pa siya kilala ng lubusan. At mararamdaman mo naman yan na parang yung taong karelasyon mo is still a stranger para sayo. 3.True love is kind Ang true love malaki ang puso niyan ipaparamdam niya sayo ang pagmamahal ,pangunawa at pagaalaga niya sayo. Fake love is cruel Ang fake love heartless yan wala yang pakialam kung nasasaktan ka niya. At bibigyan ka madalas ng sama ng loob. 4.True love is patience Ang pagmamahal na totoo mahaba ang pasensya,mabilis ka niyang intindihin sa mga pagkukulang mo, and pagkakamali mo. Bibigyan ka niya ng chance na mas maging better doon sa dating ikaw. Fake love is short-tempered Ang fake love kabaliktaran kung gaano kahaba ang pasemsya ng totoong nagmamahal ganun kaikli ang pasensya ng fake love. Mabilis siyang magalit at hindi kapa nakakaexplain jinujudge ka na niya so wala kang chance mag explain wala siyang oras pakinggan explanation mo. 5. True love is Humble Ang totoong nagmamahal mapagkumbaba yan binibigay niya credit sa iba kesa sa sarili niya. At inaamin niya din ang kasalanan niya kapag may nagawa siyang mali. Minsan siya pa ang gumagawa ng way para magkaayos kayo at maging ok hindi niya hahayaan na lumipas ang araw na magkagalit kayo. Fake love is proud Ang fake love madalas aagawan ka niyan igagrab niya lahat. "Hindi akin ito,kaya ka lang naman nakarating jan dahil sa akin.kaya ka lang nagkaroon niyan dahil sa akin." Masyado siyang proud sa sarili niya at hindi siya aamin ng mga pagkakamali niya. Bagkus ibabato niya sayo lahat ito. 6. True love feels fulfilled Ito yung tipo pag true love satisfied kayo doon sa maliliit na bagay na pinagsasaluhan niyo. Kung ano meron kayo yung moment na meron kayo ineenjoy niyo yun. Mabilis kayo makontento wala kayong hinahanap sa isat isa kasi mahal at masaya kayong dalawa. Fake love is empty Pero ang fake love empty yan yung tipong kahit anong ginawa mona kulang parin palaging hindi sapat. Kahit na ano pang pagbabago sa relasyon niyo palaging empty, unsatisfied. Pagod na pagod kana pero pakiramdam niya wala kang ginawa para sa kanya that is fake love. 7.True love protects Ang true love sasaktan ka niyan pero hindi ka niya pababayaan na masaktan ng mahabang panahon. Palagi kang didipensahan niyan at poporotektahan sa kahit anung bagay na pwedeng mkahadlang sa pagrow ng relationship niyo. Fake love Hurts Ang fake love sa umpisa lng masaya,kasi ang totoong nagmamahal habang tumatagal ang relasyon nagiging mas matibay kayo yung foundation.,habang tumatagal mas nagiging masarap, mas nag gogrow kayo nas nagkakaintindihan. Ang fake love opposite yan mas nakikita mo yung worst na nangyari sainyo. Na kapag nagimagine ka ng masasayang bagay sainyong dalawa ay wala kang maalala sa kanya mas tumatak yung masasakit. At habang tumatagal it will give you a toxic relationship na pweding makasira ng iyong pagkatao. Feeling proud to be part of this wonderful platform and also proud of my sponsors thank you so much... Ending... Ang true love can last forever hindi lang sa aspeto ng physical o material na bagay kundi kahit na malayo kayo sa isat isa mananatili ang pagibig. Malaki yung sakripisyo para lang mapagpatuloy ang pagmamahalan. Thank you so much guys for reading my article..I hope nakapulutan niyo ito ng aral at magsilbing gabay... Make sure to leave a comment down below at kung nagustohan niyo itong article ko pa like and subscribe thank you -Lorah
Wow magandang gabi po hindi ko po enexpect na magkakaron ulit ako ng sponsor..thank u so much @jay997 i am really appreciated po..salamat sa tiwala.godbless you.
Ghost Friend Hello everyone, kumusta po kayo? Dahil sa malapit na ang undas, madami akong nababasa ngayon dito na about sa mga nakakatakot na karanasan nila. Siguro sobrang nakkatakot nga maranasan ang mga bagay na yun. Pero ako sa tanang buhay ko ay never pa ako nakaexperience ng mga ganun eh yung makakita ng multo,white lady,kapre siguro dahil wala akong kakayahan sa mga bagay na yan. Alam niyo ba noong bata pako ay sobrang na aastigan ako sa mga tao na may third eye. Tapos sabi ko pa sa sarili ko sana magbukas din ang third eye ko para astig na din ako. Kasi feeling ko noon kapag may ganun ka ay talent na yun at siguro kapag may ganun na ako ay madami na akong magiging kaibigan. Tapos sobrang hilig ko sa mga horror movies, hindi nman kasi ako matatakotin. Naiiwan nga ako sa bahay namin noon na meron daw na ibang nakatira pero wala naman akong nararamdaman hahahha, tapos patay pa ilaw ng bahay namin yung lampshade lang sa kwarto yung binubuksan ko. Tapos nakakalakad akong magisa sa labas ng walang kasama or dalang flashlight hahaha, yung gusto ko yung kinakapa ko yung daanan, pero delikado pala yun kasi pano kung may bobog,or ahas na tumawid e d natuklaw nako. Pero kahit now na matanda nako ganun parin attitude ko lalabas ako hal. Madilim sa daanan wala ako dalang flashlight hehehe. Kaibahan naman nitong bunso naming kapatid, 13years old siya ngayon, ibabahagi ko sainyo yung karanasan ng kapatid ko kasi sa akin wala kayong mapapala hahahha..puro love story kasi ang naranasan ko noon chaarrr... Yung bunso namin ay 5years old noon nagkaroon siya ng kalaro sa likod bahay namin na kaedad niya din, pero itong kapatid ko ay hindi ko naalagaan simula nong bata siya dahil akoy layas noon nasa manila ako nagttrabaho heheh akala niyo bad ako ah hehe hindi po hehehe. Yun nga po naikwento ito sa akin ng mama ko noon, Yung pamilya sa likod bahay namin ay abroad ang asawa tapos. Isang araw nagpaalam daw sa mama ko na pupunta silang manila para surprisahin yung asawa niya kasi uuwi na ng pilipinas. Tapos kinabukasan ay umalis na nga ang magiina kasama yung lola at isa daw na katiwala bakla daw yun. Kinabukasan sumabog ang balita sa radyo at tv na may isang bus na galing bicol at manila nagsalpokan banda sa bituka ng manok na tinatawag jan banda sa Quezon Province. Talagang hiwa daw yung bus sa gitna sobra daw na nakakakilabot ang itsura noong mga tao talagang labas mga bituka durog na durog yung mga laman at halos hindi na daw makilala. Pero itong kapatid kong bunso nagaantay ng kanyang kalaro lumabas ng bahay nila. Name ng kapatid ko ay bem, si bem daw ay balik balik sa likod bahay para makipaglaro tapos may naririnig si bem na umiiyak daw kalaro niya tapos andon din yung lola nito. Nangilabot na noon sila mama kasi walang tao don at yun nga nabalita na nabangga yung bus na sinasakya kaya wala na yung bata at ang nakaligtas lang ay ang bakla na katiwala nila. Sobrang hinagpis ng asawa nong siya ay makbaba ng eroplano kasi ang sumalubong na balita sa kanya ay ganun buong pamilya niya ay nawala. Siya yung susurprisahin pero siya itong nasurprisa sa hindi magandang sitwasyon. Ang kwento ng bakla noong ito ay makauwi sa bahay nila ay yung bata daw ayaw magpabihis nong time na aalis sila tapos iyak daw ng iyak hanggang sa bus iyak ng iyak yung bata. Parang ayaw umalis, tapos nasa tatlohan daw sila na upuan noon dahil sa iyak na iyak yung bata lumipat daw siya ng upuan para makabwelo yung bata tapos ayon n ang nangyari hiwa daw talaga sa gitna ang bus tapos maswerte siya dahil nakaligtas pa daw siya. Kaya simula noon yung kapatid kong bunso ay lagi ng nkakakita ng kaluluwa, akala niya buhay pa kalaro niya noon kya atay siya ng antay at paulit ulit niya sinasabi ky mama na nakita niya sa bahay yung kalaro niya umiiyak. Hanggang ngayon ay nakakita parin siya pero hindi na gaano pero bigla nalang yan matatakot at sisigaw kapag nkakita namumutla at sasabhin may tao sa cr,or sa labas may dumaan na bata sa bintana. Mga ganun tapos kami takot din hahahha Ending... Salamat po sainyong pagbabasa hindi pa po ako gaano marunong dito sa readcash pero sisikapin ko pong makapagsulat araw-araw. Sana ay nagustohan niyo ang aking kwento entry ko na yan para sa darating na november hehehe.. Thank you po pala @Sweetiepiefor the trust po at naging sponsor po kita godbless po sayo.. -Lorah
Wow thank you so muc po @sweetiepie for you sponsorship... Thanks for the.trust god bless you po..
Pag-ibig ko sayo ay totoo Kilan mo masasabing siya na nga? Kilan mo masasabing she/he is the one? Kilan mo masasabing sigurado kana sakanya? Mga tanong yan na walang kasiguradohan kapag ang iyong minamahal ngayon ay hindi ka pa talaga sigurado. Minsan dumarating tayo sa sitwasyon na alam nating mahirap,alam nating hindi pwede pero pinapasok parin natin. Alam natin sa bandang huli ay tayo ang masasaktan pero dahil sa nagmahal ka ay kakayanin mo lahat.. Ako nga pala si Lorah, mapagmahal, mabait, mkadiyos at higit sa lahat totoo kung magmahal. hindi ako perpektong tao lalo na pagdating sa pagibig. Ako yung tao na mainipin, minsan padalos-dalos ang desisyon pero madaling mainlove lalo na kung alam niya sa sarili niya na ito ay mkapagpapasaya sa kanya. May isang tao na nakapag bigay ng fullfiment sa akin ngayon. Yung para bang nabuo ka, nakilala mo ang iyong sarili kung ano ka talaga. Dahil alam mo noon pa man na may mali sayo pero pinigilan mo itong maramdaman at itinama mo dahil ito ang mas nakkabuti,ito ang tama sa mata ng tao. Pero one day biglang nagbago ang lahat, itong tao na ito ang nagbigay sa akin ng kakayahan mag mahal ng wagas. Kahit na ano ka pa, kahit sino ka pa ay mamahalin ka niya. Itong unang article ay dinidedicate ko sa kanya. Nainspire akong gumawa ng read.cash account para sa kanya. Siya yung kinakapitan ko ngayon, kapag wala siya mahina ako.. siya yung nagpapalakas ng loob ko kapag may problema ako siya yung strength ko. Sobrang mahal na mahal ko siya, ngayon lang ako naging masaya ng ganito sa buong buhay pagibig ko. Naging makulay at makabuluhan ang buhay ko ng dahil sa kanya. Siguro hindi ko kakayanin kong mawala siya sa buhay ko. At yung tatlong tanong sa taas, ay yes siguradong sigurado ako na siya na nga ang huling taong mamahalin ko. Siya na ang the one, at gusto kong tumanda na kasama siya yung sabay kaming gigisng sa umaga ipagtetempla at lulutuan ko ng breakfast at sabay kaming kakain. Sabay naming pagmamasdan ang pagsikat at paglubog ng araw. Sabay namin haharapin ang mga problema na walang sukuan kahit na anong mangyari. Mahal, lab ko, kung mabasa mo man ito sana ay napangiti kita alam mong mahal na mahal kita lahat gagawin ko para mapaligaya ka. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan kung pwede lang akuin ko lahat ay ginawa ko para sayo. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin, salamat at dumating ka sa buhay ko minahal moko.. sobra sobra ang binigay sa akin ng diyos nong hiniling ko sakanya na sana maging masaya ako na sana maramdaman ko din ang mahalin ng totoo. Ibinigay ka niya sa akin...salamat lab... Ending... Kapag nakita mona siya mahalin mo ng totoo, magmahal ka ng walang kapalit, mahalin mo siya ng buong puso.. mahalin mo siya ng walang condition. Kapag nagkatampohan kayo wag mo ng antayin na siya pa unang magsory, oo sabihin na nating ang love ay nakakabaliw pero masarap mainlove sa taong tama para sayo. Ibuhos mo lahat ng pagmamahal sa kanya lalo na kung alam mong worth it naman siyang mahalin at ipaglaban. Higit sa lahat ingatan at respetohin mo siya. Hanggang dito nalang muna ang aking ibabahagi sainyo salamat sa inyong pagbabasa sa una kong article... Godbless you all.. -Lorah