Sa ating buhay may mga bagay tayong pinapahalagahan, mga bagay na pinakaiingatan at mga tao na mas mahalaga pa sa ating buhay. May mga panahon na nararamdaman natin na parang hindi tayo mabubuhay na wala sila, parang kulang kung di sila kasama. Ngunit may mga plano ang mahal nating Lumikha na wala tayong karapatang hadlangan o tumutol man lang. Dahil ang lahat ng ito ay naaayon sa kagustuhan at plano ng Maykapal.
Ang aking mga magulang. Sila ang naging takbo ng buhay ko, sa kanila ako humuhugot ng lakas at pangarap. Sila ang dahilan bakit sa murang edad ko sumabak ako sa pangingibang bansa. Lingid sa kanilang kaalaman ang mga plano ko dahil alam kong kapag nalaman nila ang pinaplano ko ay hinding hindi nila ako papayagang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya gumawa ako ng sariling decision na di nila nalalaman at nilakad ko ang aking mga requirements ng patago at saka na nila nalaman noong panahong paalis na ako. Wala silang nagawa kundi pumayag kahit masakit ang aking ginawa dahil dina ako pwedeng umatras sapagkat malaki na ang ginastos ng aking recruiter. Ngtrabaho ako hindi para sa sarili ko kundi para sa aking mga magulang. Mahirap paniwalaan pero di ako naglaan ng ipon para sa sarili ko. Bawat sinasahod ko ay para sa mga magulang ko upang makatulong ako at mapagaan ang kanilang mga iniisip pinansyal. Hangad ko noon na lagi ko silang mapasaya. Bawat pagkuha ko ng sahod, kinabukasan o sa susunod na mga araw ay ipinapadala ko agad sa kanila, di ako makapaghintay na malamang nakuha na nila ang padala ko at masaya na sila. Lagi kong sinasabi na wag na wag nilang itatago ang pera para sakin kasi ipinadala ko yon para sa kanila.
Noong unang punta ko ng abroad bibihira lang ang may cellphone kaya landline ang ginagamit ko pantawag. Tuwing ika tatlong araw ay di pwedeng diko sila natatawagan upang sa ganon di sila masyado nagwoworry sa kalagayan ko at ganon din ako sa kanila. May inipon sila para sa akin pero ng malaman ko yon sinabi ko sa kanila na lahat ng pinapadala ko ay ibili nila ng mga kakailanganin nila dahil may sarili akong ipon kahit wala. Hangad ko lang noon na lagi silang masaya at di nahihirapan kaya ko ginagawa iyon.
Dumating ang araw na natapos ako ng kontrata pero di ako umuwi o nagbakasyon. Instead na umuwi ako, kinuha ko nalang ang plane ticket fee qo at vacation fee at ipinadala sa parents ko ang kalahati. Ganon ang naging takbo ng buhay ko. Nakapag ipon ako ng pera upang maipadala ang aking ama sa Makkah Saudi Arabia to perform Hajj. Alam kong pinapangarap niya yon noon pa. Kaya bawat hadiya o naiipon kong pera na bigay sa akin bilang regalo tuwing may occasion ang amo ko,iniipon ko yon at ngtitipid ako. Di ako gumagastos ng pera dahil may plano ako para sa aking ama kaya noon ang nabili ko lang na cellphone ay 1100 nokia at masayang masaya na ako dahil lagi ko na sila natetext at natatawagan kahit saglit lang at nabawasan ako ng babayaran sa telephone card.
Dumating yong araw na paalis na papuntang saudi ang aking ama. Pinadala ko ang lahat ng hawak kong pera upang mabayaran ang kakailanganing bayaran para sa lahat. Ngkakahalaga noon ng 150k pesos ang babayaran ko ngunit pumayag ang shiekh na may hawak sa tatay ko na 130k pesos muna ang paunang bayad ko at saka na ang iba. Nong mga panahong yon 2006 ay napakalaki na ng halagang yon dahil ang sinasahod ko sa panahong yon ay nasa walong libo lamang o 45kd (kuwait dinar) buwan buwan. Tinulungan naman ako ng aking half sister ng 15k pesos at isa ko pang kapatid ng 24k pesos.
Bago umalis ang aking tatay papuntang saudi ay sinigurado ko munang nasa maayos siyang kalagayan. Pinacheck up ko at pina dextrose para meron siyang lakas dahil di biro ang pagsasagawa ng hajj. Pinadalhan ko ng pera para meron siyang mabaon papuntang saudi. 45days silang mananatili doon. Sa 150k pesos noon kasama na doon ang pamasahe nila sa eroplano at ibang transportation, bayad sa hotel at pagkain nila sa 45days.
Pagdating ng tatay ko sa Saudi ay masayang masaya siya. Sa wakas natupad na ang pangarap niyang makita ang Holy place naming mga muslim. Lagi ko siyang tinatawagan upang masiguro na lagi siyang ligtas. Dumating ang araw na malapit na silang umuwi ng Pilipinas at natapos na nila ang mga dapat gawin sa pag perform ng Hajj. Oras na ng pamimili nila ng pasalubong kaya nong sumahod ako ay ipinadala ko sa Saudi ang sinahod ko upang meron siyang perang magamit pambili ng pasalubong na madadala niya sa mga sasalubong sa kanya.
No words can explain how my father's feel noong nakamit niya ang kanyang pangarap. Masayang masaya siya at laking pasasalamat niya sakin. Lagi niya akong bukambibig sa lahat tuwing nagkukwento siya at sobrang nakakataba ng puso na ipinagmamalaki ka ng iyong ama sa lahat ng kakilala at kaibigan niya. Napakalaking karangalan para sa isang anak na lagi kang binibida ng magulang mo sa lahat. Super feel bless ng tatay ko noon, makita siyang nakangiti ay pawi na lahat ng pagod ko sa halos anim na taong walang uwian ng Pilipinas.
Sila ang lagi kong iniisip, minsan ngpadala ako sa kanila ng balikbayan box pero hindi ko sinabi na mgpapadala ako noon. Ang ipinadala ko sa kanila ay large trank,kasing laki ng kabaong lol! Ng dumatingbyon sa mga magulang ko ay takot ma takot sila at umiiyak na ang aking nanay dahil ang pagkakaalam nia ay ako na ang laman non hahaha, at ng buksan nila ang trank ay nagulat sila dahil andaming mga gamit ang laman para sa kanila. Tinawagan ko ang mga magulangbko ng sabihin ng shipping company na nakuha na ang aking padala. Biglang umiyak ang aking nanay at sinabing wag na wag akong magbibiro ng ganon.
Umuwi ako ng Pilipinas taong 2009 dahil sa pakiusap ng aking ama na umuwi na muna baka dina kami magkita kung dipa ako uuwi. At tama nga ang aking ama, isang taon akong nanatili sa Pilipinas kasi ayaw na akong payagan ng aking ama na umalis ulit kakit isang kahit isang tuka na kami. 2010 ng mawala sa amin ang aking ama, ngunit masaya ako na isa sa mga pangarap niya ay natupad ko bago siya mawala. Nawala ang aking ama na may baong ngiti sa kanyang mukha ng ibn na namin sa lupa. Masakitbpero kailangang tanggapin dahil ang lahat ng iyon ay nakaplano na ng Maykapal.
Message:
Ang lahat ng ito ay base sa totoo g buhay ko. Maraming salamat sa mga nagtiyagang magbasa. Maraming salamat sa inyong lahat , ang mga komento niyo ang nagiging inspirasyon kobupang magsulat muli. Sa aking mga upvoters at sponsors, maraming maraming salamat. Alhamdulillah for everything.
Plagiarism check at 1text.com
October 10, 2021 Sunday
Kuwait time: 4:04 pm
Article #30
Lead image is originally mine
Sending of love,
Sweetiepie ❤
...and you will also help the author collect more tips.
Masaya po talaga kapag nagbibigay mo mga hiling ng magulang mo.... Parang naususklian mo Yung paghihirap nila sayo po Diba...