Flex ko muna ang mababait na mga sponsors ko,maraming salamat sa suporta.
Hello readcash world, kumusta ang araw natin ngayon? Try ko nga din magshare ng personal emotions ko dito hehehe.pero di ako ngrereklamo magsasabi lang ako ng niloloob ko ayieee! Malapit na talaga akong umuwi as in uwing uwi na hahaha, nakakapagod na kasi kumuha ng sahod hehe kidding aside. Nakakapagod na din minsan magtrabaho, just imagine from 2004 yata up to now na naging ofw, maniniwala ka bang wala akong naipundar? Alam kong hindi pero yon ang totoo wala. Wala akong masasabing akin siguro pero masaya ako sa lahat ng nagawa ko para sa pamilya ko.
Ano nga ba ang mga nagawa ko sa pamilya ko mula maging ofw ako?
Kuwait 2004-2009
▪︎naibili ko sila ng bahay sa mindanao na masasabi kong galing sa pinaghirapan ko. Maliit man at simpleng bahay lang pero masayang masaya na ang mga magulang ko.
▪︎tumutulong ako sa pag aaral ng mga kapatid ko at pang araw araw nila.
▪︎ ako ang ng provide sa lahat ng gastusin para sa pag aasawa ng kapatid kong sunod sa akin.
▪︎ pinaka malaking achievements ko sa buhay ko at katas Kuwait ay noong natupad ko ang pangarap ng aking ama na makarating sa Makkah k.s.a upang makapag hajj! the-king-of-my-life
Riyadh k.s.a 2011-2013
▪︎naibili ko ng bahay ang aking nanay sa Taguig Manila. Maliit man pero matatawag naming sa amin talaga kahit semi squatter area lang
▪︎ dahil nawala na ang aking ama ay sa manila na tumira ang aking Ina kasama ng mga kapatid ko, naprovide ko lahat ng gastusin nilang lahat papuntang manila pati gastusin nila pang araw araw
▪︎ nabili ko halos lahat ng hilingin ng aking Ina habang nasa Saudi ako. Nakompleto ko ang bahay niya ng mga appliances na gusto niya.
Abudhabi UAE 2014-2016
▪︎dahil may kahati kami sa bahay namin na nabili sa Taguig kaya binayaran ko na lahat ang buong area upang maging sarili na ni Ina ang bahay na yon cost 150k PHP
▪︎ ito din yong taon na nadamay kami sa sunog at wala silang naisalba sa bahay namin. Mabuti nalang at nasa abudhabi pa ako kaya agad agad nakapagpadala kami ng tulong ng kapatid ko sa aming ina, naipaayos ng simple ang bahay namin upang huwag sa evacuation center sila manatili, naibili ko din xa agad ng mga kagamitang kailangang kailangan, ilang buwan ang lumipas naprovide ko na din ang ibang appliances ni Ina ng sa gayon ay maging masaya siya ulit. Ayoko kasi nababalitaan na nalulungkot siya.
▪︎ dito din sa mga year na ito namatay ang aking ina 😭😭😭 lingid sa kaalaman ko, dinamdam yata niya ang trahedyang nangyari samin na sunog dahil di biro ang halagang nawala samin, buong laman ng bahay walang naisalba, tatlong laptop namin pati cashdi naisalba kundi sarili lang nila. Marahil yon ang naging sakit ng aking ina, napakasakit ng araw na yon kasi tapos na ang mga plano namin sa aking pag uwi. August 30 nawala ang aking ina at September 4 ang aking uwi, naisulat ko din ang kwento dito pinamagatang malupit-ang-pagkakataon. Ang halos lahat ng gastusin mula pagpapagamot at paglibing at lahat ng gastusin sa pagkamatay ng aking ina ay ako halos lahat ngprovide.
Qatar 2016-2018
▪︎dahil sa wala na akong nanay at tatay kaya nakafucos na lang ako sa mga kapatid ko at half siblings, bawat humihingi sakin ng tulong pinapadalhan ko.
▪︎natutulungan ko din ang aking lola sa pinansyal na pangangailangan kasi matanda na siya at sa amin lang din naghihintay ng konting tulong noon
▪︎umuwi akong may malaking dalang pera ngunit diko na manage ng mabuti kundi happenings lang kasama ang mga kapatid at pamangkin ko
Kuwait 2019 to present:
▪︎nakatulong parin sa half siblings ko na nangangailangan ng tulong pinansyal
▪︎natulungan ko makabili ng dalawang motor ang dalawa kong kapatid na lalaki upang magamit sa kanilang trabaho bilang FOOD GRAB DELIVERY
▪︎ naparenovate ko kahit simple ang aming bahay, gumagastos na ako ngaun sa renovation ng almost 150k PHP
Napansin niyo ba kung meron akong naipundar para sa sarili ko? Parang yung happiness lang naipundar ko para sakin hehehe pero super saya ko na. Kakachat din ng kapatid ko about sa budget ng renovation namin kasi dipa natatapos, di naman humihingi pero alam kung don din yon patungo kahit hindi niya sabihin kaya kahit pauwi na ako sisikapin kong makapagpadala sa kanya kahit maliit lang na halaga pambili ng ibang materyakes 😊
Masarap maging single kasi walang makikialam ng pinaghirapan mo kahit saan ito mapunta ngunit nagiging takbuhan naman ng mga kaanak, masaya na akong nakakatulong sa kanila, akala ng iba may malaki akong naipundar sa tagal ko naging OFW pero ang totoo memories lang ang akin doon at masaya na ako. Time na siguro para sakin upang magpahinga naman, magkaroon ng oras para sa sarili ko.
Tanging ang biyaya galing sa readcash at noisecash ang matatawag kong akin sa ngayon. Thanks God for all the blessings Alhamdulillah for everything 🥰
Pasensya na kayo sa magulo kung gawa ngayon, maraming salamat sa lahat ng nagbasa. Naway diko kau naabala ng husto. Hanggang sa muli thank you so much!
November 11, 2021 Thursday
Kuwait time: 9:45PM
Article #65 (12)
All photos are mine unless stated otherwise
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Oh gosh... It's but right that you keep the BCH for yourself sis.