Bakit Ganito ang Nadarama
#13 (117)
Minsan ang buhay ay di maintindihan, yung akala mo ay magiging malaya kana, yung time na hawak mo na ang sarili mong oras pero mas wala ka parin nagagawa? Sadyang buhay nga ba ang magulo o sadyang nagiging busy na lang lagi? Pero madalas natatanong ko ang sarili ko, saan nga ba ako nagiging abala? Mga tanong na diko rin masagot sagot dahil diko maikakailang wala naman talaga akong ginagawa ngunit diko maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay sobrang busy na ako.
Naiisip ko noon na kung kelan sobrang dami kong trabaho at panakaw lang minsan sa pagsusulat ay halos wala akong pinapalipas na araw makapagsulat lang pero bakit ngayon diko na magawa? Ang gulo ko, diko na din maintindihan bakit. Nawawalan na din halos ng interest ng diko maipaliwanag. O sadyang epekto lamang ng recovery stage ko. Sana ganon na nga, sana ganon yong reason. Pinipilit ko naman na maging aktibo ngunit diko maipaliwanag ang sarili ko bakit nagkaganito.
May mga araw na madalas akong nakatanaw sa malayo, iniisip ang mga bagay bagay at pangyayari, maraming nabubuong kwento sa isipan ko ngunit sa oras na isusulat ko na ay bigla silang nawawala at naglalaho at diko na mahagilap. Sanay temporary lamang ito, sana as soon as possible maging ok na akong muli. Sobrang miss ko na dito ngunit diko alam laging nabablangko ang isip ko....
Aminado ako na naging pabaya ako ngunit diko sinasadya, susubukan kong manumbalik muli ang dating ako na aktibo, marahil dahil sa ngrerecover pa ako kaya medyo nahihirapan pa ako mag adjust sa ngayon. Sana bukas makalawa ay maging ok na sa akin ang lahat...
January 18, 2022 Tuesday
Philippines time: 2:03 PM
Lead image unsplash.com
Sending of love,
@Sweetiepie ❤❤❤
Ganyan talaga ang buhay. May mga panahon nawawalan tayo ng gana pero tuloy pa rin natin :) Matagal din bago ko sinubukan ulit mag blog. Minsan nakakatamad din pero kelangan ng extra money hehe. Un ang talagang rason ko at un nagmomotivate sa akin.