Alaala Ng Kahapon

Avatar for Sweetiepie
3 years ago

Magandang araw mga manunulat at mambabasa, naway lagi tayong nasa mabuting kalagayan sa lahat ng oras at ligtas sa anumang kapahamakan. Laging tandaan na ang bawat araw ay biyaya mula sa Maykapal na dapat nating ipagpasalamat.

Naaalala ko pa ang kahapong nagdaan, kahapong puno ng saya at walang iniisip na pandemya. Yung mga masasayang araw na bumabalot sa bawat isa at mga matatamis na ngiting nasisilayan sa bawat labi nila, waring kay sarap mabuhay na walang inaalalang balakid sa buhay.

Masayang alaala kasama ang pamilya

Di man ako pinalad magkaroon ng sariling pamilya ngunit masaya na ako kasama ang mga kapatid at mga pamangkin ko. Sila ang nagpupuno ng kulang sa aking buhay. Masaya akong kasama sila at alam kong lagi nila akong napapasaya sa lahat ng oras. Para sa akin sapat na ang pagmamahal na binibigay nila sakin. Wala man kaming mga magulang pero mananatili parin kaming buo at sama sama, sila ang dahilan kung bakit ayokong magkaroon ng sariling pamilya.

Ako at ang aking pamangkin si Sophia

May 11,2018 ng ipasyal ko ang aking pamilya, kaarawan ng pamangkin ko ng araw na yon, dinala ko sila sa may Grand Canal Venice sa McKinley Taguig, feeling nasa Italy lang lol! Kinabukasan ay birthday ko din kaya mas pinili ko silang ipasyal sa araw na yon at maging masaya ang aking pamangkin.

My niece Sophia
My nephew Halem

Lumaki ang mga pamangkin ko sa poder ng mga magulang namin, maaga naghiwalay ang mga magulang nila dahil nagluko ang babae habang nasa trabaho ang kapatid ko. Lahat ng pamilya ng asawa ng kapatid ko galit na galit sa babae dahil wala naman rason para mgluko. May malawak silang lupain na nabili ng kapatid ko pero di sila doon tumira kasi ayaw nia sa bukid tumira, may tindahan sila na kalahati sa puhunan nila ay ibinigay ko para lang maganda ang buhay nila, may sarili silang bahay, kompleto ng gamit sa bahay at kompleto din ng alahas ang aking hipag, mabait ang kapatid ko at di nananakit lalo at walang bisyo pero di namin alam ang dahilan bakit pa siya ngloko kaya minabuti ng kapatid kong hiwalayan na lang. Dumating sila sa korte at ayaw na makipagbalikan ang kapatid ko kasi adultery ang kaso kaya ang hatol ng hukuman sa panig ng kapatid ko mapupunta ang mga anak nila at lahat ng ari arian nila ay makukuha ng kapatid ko din at makukulong ang asawa nito pero nakiusap ang kapatid ko na hihiwalayan na lang niya ang asawa niya at kukunin ang mga anak niya. Huwag ng ikulong ang dating asawa at hatian na din sa ari arian nila. Kaya mula noon sa amin na nakatira ang mga bata at ng mamatay ang tatay ko nagpakalayo layo na din kami at lumipat ng manila pero noong 2018 isinama ko sila sa Mindanao para makita din nila minsan ang mga lolo at lola nila at ibang kamag anak sa nanay nila dahil mahigit sampong taon na din nila di nakikita ang mga iyon.

Kapatid ko,sunod sakin. Ako ang panganay pero mukhang siya ung panganay lol

Maswerte ako sa mga kapatid kong lalaki kasi nirerespeto nila lahat ng decision ko. Di nila ako iniiwan kahit may mga pamilya na. Ang kapatid kong yan dina nag asawa mula noon kahit sinasabi namin mag asawa na pero ang sabi baka maltratuhin lang ng magiging asawa nia mga anak nia. Ngayong dalaga at binatilyo na mga anak nia sinasabi ko lagi mag asawa na pero ang laging sagot "Darating din ang tamang oras".

Anak ng kapatid kong babae, siya c Nicole Joy

Inalagaan ko siya sa ganyang edad noong nangibang bansa ang nanay niya upang mag ipon para sa kinabukasan nila dahil may sakit noon ang bayaw ko at naging PWD dhl sa kanyang sakit at di sapat ang kinikita dahil sa pagda dialysis. Ngayon malaki na din siya at magkasama na sila ng mga magulang niya ngunit napalayo na sila dahil sa Quezon province na sila tumira. Sobrang napamahal sila sakin dahil sila ang kasa kasama ko sa lahat ng lakad ko pero ganon talaga ang buhay, darating ang araw na maiiwan nila ako ngunit mananatili parin sila sa sking puso.

Tanging masasayang alaala na lang ang aking nababalikan na sana kung maibabalik pa ang kahapong nagdaan. Mga alaalang ngpapangiti sa akin kapag nakikita ko ang mga litratong nakatago. Magbago man ang ikot ng mundo,mananatili parin kayo sa aking puso at walang magbabago kailanman.

Closing:

Sadyang masarap balikan ang nakaraan,ngunit kailangang tanggapin na kailanman mananatili parin ito sa nakaraan. May di pagkakaunawaan minsan pero mananaig parin ang pagmamahal sa ating mga puso. May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero panatilihing malinis ang ating konsensya.

Maraming maraming salamat sa pagbabasa na naman sa aking gawa. Naway di ako naka abala ng husto sa inyo. Ang lahat ng ito ay base sa totoong buhay ko.

Maraming maraming salamat sa mga sponsors ko at sa mga readers, kayo ang dahilan bakit patuloy parin akong ngsusulat kahit sobrang busy bilang domestic helper. God bless you all.

"Photos are all mine"

Location: Grand Canal Venice, McKinley Hills Taguig City Philippines

(#10)

September 14,2021 Tuesday

Kuwait time: 2:30 pm

Sending of love,

Sweetiepie ❤

7
$ 0.15
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @Adrielle1214
$ 0.02 from @Khing14
+ 3
Sponsors of Sweetiepie
empty
empty
empty
Avatar for Sweetiepie
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Mga alaalang nkatatak sa puso at isipan ntin.. balang araw makakasama mo ulit sila.. magpakatatag ka lang po at magingat jan. Mabait kang tao po inalgaan mo sila at bibigyan ka din someday ng diyos na mkakasama sa buhay...

$ 0.00
3 years ago

Maraming maraming salamat. Nakakataba ng puso makabasa ng mga ganito, God bless you always

$ 0.00
3 years ago

Ang bait mo naman ate ang dami mong sakripisyo sa pamilya niyo..i know ate God will provide everything for you baka jowa na ibigay ni Lord sayo ate hehe

$ 0.00
3 years ago

Hahaha wag kang pasaway sissy hehe masarap kaya maging single 🥰

$ 0.00
3 years ago

Haha ayaw mo nun ate magkaroon ka ng sariling pamilya

$ 0.00
3 years ago

mga

Ayoko ng stress sissy haha

$ 0.00
3 years ago

Masaya talaga pag sama sama ang pamilya sa hirap man o ginhawa.. naalala ko lng tuloy ang aking pamilya,madami na din akong pamangkin.

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy nakaka miss talaga kapag sama sama

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy nakaka miss talaga kapag sama sama

$ 0.00
3 years ago

Wow maganda Jan malapit Yan sa may HP hahah walking distance lang...

Kakalungkot naman po at nagkahiwalay hiwalay kayo pero hayaan mo di Nila makakalimutan ksbaitan nyo po. Masaya talaga balikan Yung pasts Lalo na Ganyan mga ala alang babalikan mo...

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy masarap balikan ng magagandang alaala,maraming salamat

$ 0.00
3 years ago

Habang binabasa ko sis yong kwento mo.Parang tumatagos sa aking puso..Lalo na yong sakripisyo mo para sa iyong mga pamangkin..Ikaw yong parang tumayong nanay para sa kanila..Napakaswerte nila sayo dahil minamahal mo sila ng sobra..Ang lahat ng ginagawa po para sa kanila ay tiyak na may kapalit na biyaya..Manalig lang tayo sa at ating maykapal at magtiwala..godbless po..

$ 0.00
3 years ago

Maraming naraming salamat , ang ganda ng komento mo nakakataba ng puso. Oo sobrang minahal ko talaga sila,akala ng iba mga anak ko sila., nakaka proud thank you so much and God bless you too

$ 0.00
3 years ago

Your welcome sis and godbless you too po❤️

$ 0.00
3 years ago

hanggang ala ala nalang talaga sis :)..pero atleast nacherish natin yung moment na nagdaan :)

$ 0.00
3 years ago

Oo sissy yon na lang meron hehe

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sissy

$ 0.00
3 years ago

Ang sarap balikan, pero hindi pa natin alam kung kailan babalik ang dating panahon

$ 0.00
3 years ago

Tanging alaala na lang ang ating mababalikan

$ 0.00
3 years ago

Mismo

$ 0.00
3 years ago

Such beautiful memories, sis! Happy mga kiddos ah ♡

$ 0.00
3 years ago

Throwback na lang lagi sissy,ang sarap ibalik ang dating buhay

$ 0.00
3 years ago

at least napapasaya tau ng mga throwback, sis no?

$ 0.00
3 years ago

Tama ka jan sissy

$ 0.00
3 years ago