read.cash Log in

@Sterileen

Joined 17 June 2020 · 210 posts

120 KT

0 KT · 1¢ received · 0 KT given

Posts

@Sterileen

Ang aking buhay Hi po! Gusto kolang i share ang buhay ko since wala nanaman nakong mapost at magawang article, siguro ilalabas konalang dito yung sakit na nararamdamn ko. Bata palang kami nang iniwan na kami ng nanay namin at sumama sa ibang lalaki. Mula bata pako si papa na ang nagpalaki samin, sya ang tumayong ama at ina sa amin. Hindi man sya sing talino ng iba, diko man siya matanungan sa mga bagay na diko alam at assignment ko masasabi kong sya padin ang the best father para saaamin. Dahil ni minsan hindi nya kami pinabayaan ni minsan hindi nya kami nasaktan, ni ayaw niyang inuutusan kami ng iba dahil ginagawa niya ang lahat para mabigyan lang kami ng magandang buhay. Ang saya saya namin kahit wala si mama kasi hindi nagkulang si papa. Napakaasikaso at mapagmahal niya. Diman namin siya matanungan pagdating sa akademya maaasahan mo naman siya mga proyekto. Gustong gusto din siya ng aking lola ko dahil napakasipag at mapagmahal niyang anak. Hindi kami mayaman pero lagi kaming masaya, kasi punong puno kami ng pagmamahal. Pero syempre hindi kami perpektong pamilya, si papa isa lamang siyang konstraksiyon worker at minsan lang siya kung may gawa. At ang talagang bumubuhay saaaming lahat ay ang lola ko na matanda na. Bata palang ako gusto konang malaman kung ano ba talaga ang trabaho niya, kung bakit lagi siyang umuuwing namamaga ang mga mata. Laging may dalang pagkain na bawas na . Sabi nya yaya daw siya, nag bibilang ng poste o nagtatrabaho kung saan. Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya kami at nakakakain kami ng 3 beses sa isang araw. Pero nung mag grade 8 ako dun na nag umpisa ang lahat, nalaman ko na gumagamit ng illegal na droga si papa, tito at pinsan ko, Ang lola namamalimos para may makain kami samantalang hindi nila alam na hinihipuan ako ng pinsan ko. Nagpatong patong yung problema hindi ko kinaya kaya nagbigti ako. Sobra kong nasaktan dahil natatakot ako na ang perpektong pamilya ko ay isa lang palang kasinungalingan. Pero hindi kopa oras kaya ng mawalan ako ng malay nakita konalang na dumudugo na ang kamay ng pinakamamahal kong ama, lumuluha siya habang tinatanggal ng kutsilyo yung tale sa leeg ko. Awang awa ako sa kanya dahil bata pako nung huli kosyang nakitang umiyak ng ganun nung iniwan kami ni mama. Ang lola ko iyak ng iyak tinatanong ako kung bat koyun nagawa, sabi nya sakin ginagawa niya ang lahat para bigyan kami ngmagandang buhay tapos sasayangin kolang ang buhay ko. Naiyak ako hindi ko mapigilan kasi nagdatingan mga kamag anak ko umiiyak sila tinatanong nila ko bat koyun nagawa. Mas naiyak ako kasi mas lalo kong hindi masabi kung bakit, dahil natatakot ako na baka sisihin nila ang sarili nila. Hanggang sa lumipas ang ilang araw at mga taon, naintindindihan kona na mali ang ginawa ko. Ayoko ng ulitin yun kasi ayoko ng makitang umiyak ang mga taong mahal ko . Kaya sabi ko mag aaral nalang ako ng mabuti para sa papa ko lola at kapatid ko. Simula non lagi ako nakakasama sa mga may honor kasi gusto ko proud si papa sakin. Mas naging masaya kami ng dumating si ate Fe, stepmother ko. Sobrang saya namin kasi ang bait bait ni ate Fe. Lagi kami nag kekwentuhan. Nung bakasyon namin nung grade 10 ako nag start ako mag summer job. At sa tuwing uuwi ako lagi ako sinusundo ni papa, katid ko at ate Fe. Medyo malayo pero 4 kaming naglalakad pauwi. Ang saya hindi ako nakakarandam ang pagod dahil para saakin yun ang bonding namin. Hanggang sa.......... Itutuloy konalang po mamaya ang karugtong, sana nagustuhan niyo.

@Sterileen

Mahirap ang nakikitira Mahirap talaga pag wala kang sariling bahay, lahat limitado. Mahirap kumilos kasi lagi mo iisipin yung sasabihin ng tinitirhan mo. Yung kahit gaaano kabait yung tinitirhan mo o kamag anak mo man may masasabi at masasabi padin sayo. Yung kahit na gumawa ka ng mabuti isang mali molang mapapansin kana agad. Yung may magawa lang na kahit isang magandang bagay yung anak ng pinagtitirahan mo daig kana agad. Ang hirap makitira mahirap makisama. Yung tipong kailangan dapat meron kang ginagawa sa bahay para dika magmukang palamunin pero ganun padin ang tingin sayo kasi nakikitira kalang. Pero ang pinaka mahirap yung wala kang matakbuhan na magulang kasi parehas na silang wala. Ang hirap na yung mga dati mong hindi ginagawa eh nagagawa mona dahil wala kanang magulang na sosoporta at magagalit sa tuwing ginagawa kang utusan ng iba. Ang hirap kapag gusto mong umiyak pero hindi mo dapat ipakita dahil may mga nakababata kang mga kapatid na ayaw mong malungkot. Yung kailangan mong magpakatatag dahil ikaw ang panganay. Ang hirap na lagi kang sinusumbatan sa bawat lalamunin at binibigay sayo dahil nakikitira kalang. Yung ayaw monang tumanggap dahil ayaw mong balang araw isusumbat sayo yun pero pag tinanggi mo sasabihan kang nagmamalaki. Ang hirap na hindi mo maipagtanggol yung kapatid mo sa tuwing sinasaktan pinapagalitan sya ng mga taong pinakikisamahan at nagpapartira sayo, dahil wala kang karapatan dahil palamunin kalang. Yung wala kang sariling desisyon kasi sila ang nagdidikta sayo. Ang hirap pero kailangan mong magpakatatag, kailangan mong magpakamanhid. Ang hirap na kahit anong gawin mo hindi padin sapat, at kahit anong sipag mo pabigat kapadin.

@Sterileen

Hi po sa inyo! Ask kolang po kung may points parin poba ang pag kocomment o wala na? Kung meron man gaano po ba kahaba o bilang ng karakters ang kailangan para makakuha ng points doon. May nakapagsabi kasi sakin na pili nalang daw ang comment na binibigyan ng points, gaya ng mga featured kay read.cash. kung totoo man po yun anong mga featured po kaya ni read.cash ang may points lang ang pagkocomment?. Para po kasing walang nadadagdag na points sakin pag nag cocomment ako kaya post nalang ako ng post. Kung may alam po kayo plss pa answer naman po. Salamat po and God bless.

@Sterileen

Hi po magandang gabi! Kanina nag ask ako ng legit paying app and site. So yun thank you po sa mga nag comment sinubukan kopo mga sinend nyo at umaasa na kikita doon. By the way kung may alam papo kayong iba comment lang po ulit kayo try kodin yung iba pa, since malaki panaman storage ng phone ko. Sana lang legit po talaga yung site o app. Pass po muna ko sa mga may puhunan at mga bot. Studyante palang po wala pang pangpuhunan, kung meron man maliit lang at ayoko na isapalaran un. Kaka scam palang sakin kaya fresh na fresh pa. Ayoko ng maulit yun sinoba namang may gusto 😅😅. So yun ngapo thanks sa mga nag share ng alam nilang free paying app and siten. Kung may alam papo kayong iba free to comment lang po and i try ko din po. Thanks😊😊

@Sterileen

Hi guys ask kolang paba may alam pa kayong free earning site. Gipit na gipit lang talaga. Since wala naman magawa sa mga free earning sites nalang muna ko tatambay. Para atleast nakakaipon muna ko at may pang load para sa darating na pasukan. Plsss guys help po comment your link nalang po kung may alam kayo.salamat po keep safe😊

@Sterileen

Hi po kamusta na? Nakakailang points napo kayo?. Ako eto padin mababa palang wala pa kasi ko maisip na idea about sa next article ko. Sana makagawa ulit ako ng marami para makaipon ulit. Sipag sipag po muna tayo mag sulat at gumawa ng articles mga kabayan. Happy earnings po

@Sterileen

Hays nakakainis yung naipon kong 80 pesos dito na scam lang 😪😪. Kakainis wala ako kadala dala lagi nalang ako na sscam sa mga bot bot nayan. Sana pala tsinaga konalang yung naipon ko dito may pang load pa sana ko pang online class 😭😭. Back to zero nanaman hirap talaga kumita sa panahon ngaun dami pa scamer!!!. Kahit na maliit na pera lang yun diyun pinupulot pinaghirapan ko din yun dito. Dibale tiyaga nalang ulit ako kay read.cash, eto lang talaga legit na site na alam ko na makakaipon ako kahit papano.😪

@Sterileen

Bukad na hangganan “Bagong taon, bagong pag-asa,” yan ang ika nila. Ito'y taon ng mga tigasing daga na animo'y mga bakal ayon sa mga Intsik. Ngunit sa pagbungad pa lamang ng taon, samu't saring pagsubok na agad ang ating kinaharap. Bagsik ng kalikasan ay ating tinamasa. Pag-alburoto ng bulkang Taal sa Batangas, Ay isang senyales na pala na kakailanganin nating magsuot ng mask. Hindi daw dito tatalab ang mga pang-ordinaryo lamang. Kaya N95 bagamat mahal ay naging patok sa masa. Lumipas ang ilang linggo, Huminahon din ang pag-alburoto. Ngunit sa pagtahimik ng usaping ito, Biglang umingay ang isang delubyo. Novel Coronavirus Disease 2019 o NCoViD-19 ang itinawag dito ng mga eksperto. Dahil kung titignang maigi, hugis korona ang kawangis. Nakaraang taon pa pala ang sakit na ito, Ngunit ngayong taon lamang ang bagsik niya'y tumodo. Pangalan ng taon ang inihatid, Bagong sakit ay sa kanila din pala nabatid. Wuhan ang pangalan, Lugar nitong pinagmulan. Oo nakakatakot, may pangamba itong dulot. Dahil 'di lang sakit, maging kamatayan at salot. Quarantine at lockdown, ay nalaman ang kahulugan. Nang pinatupad na, perwisyo ang kinahinatnan. Pag-aaral, trabaho at negosyo ay apektado. Ang bawat kilos at galawan ay naging limitado. Hindi biro ang pinapagawa ng ating gobyerno. Mahirap ngunit kinakailangang sundin ng todo. Parang daga man kung pumeste ang sakit na ito, Na naging dahilan ng distansya sa mga tao. Alam nating pagkatapos nito, Muling magtatagpo, ikaw at ako

@Sterileen

Ang alamat ng covid19: Gintong lubid ng kamatayan Tahimik, Kasing tahimik ng mga lagaslas ng tubig Nang minsang dumating ang dagundong sa silangan Nanghilakbot. Ang bawat mga ibon sa himpapawid ay nagtago sa kanilang mga sisidlan; At ang lahat ng nilalang ay nagtaka, Kung bakit ang lubid ng kamatayan ay nagising bigla. Ang paraluman ng pagtatapos ay nagkaroon ng hininga. Mula sa malaking bayan sa silangan ay may nagwika, "Masdan ng lahat ng nilalang! Patuloy ang aking pakikiapid sa kamatayan, Lahat ng bayan ay aking pipilayan, Susuko ang bawat mga bansa, Titigil ang bawat paghinga, Sapagkat lunas ng aking bagsik ay walang makagagawa! Kaya't sa aking tinig ay manginig, Lahat ng mga pinuno ay aking wawakasan ang pagtindig" At gayon nga ang nangyari! Nanginig ang bawat nilalang sa kanyang tinig— Nagturuan. Namayani ang kaba, Ang paghihiganti, Ang poot, Ang kasakiman. Walang nagnais kumapit sa lubid ng kamatayan... Lahat ay sumigaw, nagulantang. Napagmasdan ko ang aliwalas ng alapaap Ngunit walang nagnais ditong lumanghap. Narinig ko ang nakabibinging katahimikan Ngunit mas nabingi ako sa takot at karuwagan. Walang nagnais lumapit sa lubid ng kamatayan, Lahat ay nagturuan— Nagsisihan. At mula sa alabok ay nanindig ang mga balahibo, Bumangon ang mga bayani sa mga nitso! At narinig ko ang sigawan ng mga bayan, "Salamat Panginoon, tulungan mo kami! Salamat mga bayani! tanggapin ang mga alay— Ito ang aming pasasalamat, iligtas niyo ang aming buhay" Ngunit pumaibabaw pa rin

@Sterileen

Buhay Buhay, Tanging limang letra na pinanghahawakan ng sanlibutan Buhay ,na ang nakasalalay Ng mga taong nakikidigma sa sakit na nakamamatay Buhay, na nabago at hindi na sigurado Ang buhay na binigay pero unti unti nang namamatay. Ako ay isa lamang pong estudyante at hindi nakakampante. Dahil ang sakit na itoy walang pinipili ,may ginto kaman o diyamante. Sabi ko sa sarili ko." Oras na para huminga ang kalikasan, Narito kung saan sa wakas ay natagpuan niya ang kapayapaan. " Pero di ito ang aking inaasahang kapayapaan. Dahil ang mga puso ay puno ng kawalang katiyakan. "Tulong!" Naririnig ko ang mga hiyawan Ang mga bata ay umiiyak, nais na lumabas kahit saan . Lahat ay walang pagpipilian kundi manatili sa bahay Para sa kapakanan ng ating buhay. Kailan magtatapos ang pamdemyang ito? Kung may mga taong lumulusot mapa roon maparito. Abay dapat nyonang itigil iyan . Dahil baka yan ang ating pagsisisihan. Tayomg lahat ay matulongan upang ang sakit na ito ay masolusyonan .Wag mawawalan ng pagasa, manqtitling nakamulat amg mga mata Sabay ibukas ang munting palad ,dahil ano mng oras darating ang hinahangad. Laging tandaan ang virus ay wag nating maliitin, palaging mag dasal at mnalangin.

@Sterileen

Ikaw ang nag iisang ikaw Hello covid! Tatanong ko lang kung kamusta kana? Baka naman gusto mo ng magpahinga. Hindi ka parin ba nagsasawa? Sa dami ng taong iyong pinaluha. Hindi pa ba ito sapat upang ikaw ay mawala? Ay, oo nga pala manhid kana. Hindi mo iniisip ang nararamdaman ng iba, Kase masaya kang nakikitang nagdurusa sila. Tama na! Pwede ba? Napakarami mo ng nabiktima. Sana sa muling pagmulat ng aking mga mata, Ang sumalubong sa aki'y isang panibagong umaga na puno ng pag-asa. Alam mo ba, Dinaig mo pa si ex ko, Hindi ako maka move on sa pahirap na ginawa mo. At para kang test essay, ang hirap mong i define. Hindi kona alam, kung bakit ka ganyan. Kung may tenga ka lang, Sana naririning mo ang daing ng bawat isa. Kung may mga mata ka lang, Sana nakikita mo kung paano kami nagdurusa. Kung may pandama ka lang, Sana nararamdaman mo ang bigat na aming dala-dala. Kaso wala, wala ka ng lahat ng yan. Dahil ang tanging alam mo lang ay kumitil ng maraming buhay. Coronavirus o covid 19 kung tawagin. Isang salot na sumubok sa pagkakaisa natin. Buong mundo nilagay mo sa quarantine. Wala kaming magawa, kundi sumunod sa batas namin. Palagay ko nga ay, ako'y malapit nang mag TikTok din. Natuto akong mag alcohol, Na akala ko dati'y kaartehan lang. Ang mga tao'y nagpapanic- buying, Kaso wala naman akong pang "buying" kaya hanggang panic nalang. Pilit nanghihingi ng relief goods sa baranggay, Kaso ito daw ay pang mahirap lamang. Ito ba'y magtatagal pa o konting panahon na lang? Sabi ng iba covid ka lang!, teka lang covid ka nga lang ba talaga? Para ka kaseng 5'6 ang tindi mong maningil ng utang. O baka naman may "period" ka kase ang dami mong gusto. O baka naman ikaw ay susi, Dahil hawak mo ang pinto ng kamatayan. Alin ka ba diyan? Pero ganunpaman, Buong akala ko'y sakit ka lang ng ulo. Yun pala may ambag ka rin sa mundo, Hiwa-hiwalay na pamilya ay muli mong binuo, Pagkapit sa Dios ay pinatibay mo, At pinanday mo ang aming pagka-pilipino. Ngunit may ilang matitigas ang ulo, Pilit binabatikos ang pangulo, Mga nagpapanggap na matalino, Sariling adhikain lang nila ang gusto, Sa kanila'y wala ng ginawang mabuti ang gobyerno, Paano uunlad kung laging ganito. Para sa aking huling mga kataga, Hindi ka man nakikita ng mga mata ko, Hindi ka man naririnig ng tenga ko, Isa lang ang nasisigurado ko. Wala kang pusong pumapatay sa tao, Pero ikaw, oo ikaw, ikaw ang nagpamulat sa maraming pilipino.

@Sterileen

Sino po gumagamit ng app na lyka dito? Legit poba yun? Nag download kasi ko nung una madali lang nung naka 8 gems nako dina nadadagdagan. Hayss mukang naloko nanaman ako, hirap talagang umasa sa mga app

@Sterileen

Nakakalungkot umasa nanaman ako sa wala. Ang daming naglalabasan na mga app na paasahin ka. Ang masakit wala kong dala dala umasa nanaman ako sa wala. Nakakastress na talaga, gusto kong makahanap ng pagkakakitaan😭😭

@Sterileen

Ang gusto kong kuning course Nung bata pa ako ang dami kong gustong maging, gusto kong maging chef kasi magaling magluto si Papa. Pero nung nag start nakong pumasok sa school nagbago ang gusto ko, gusto konang maging nurse. Sa tuwing nakakakita kasi ako ng mga nurse na naka uniform ay nagagandahan ako. Bukod padon ako ang laging tagahilot sa amin sa tuwing may masakit sa kanila. Kaya naisip ko na mag nurse para ako nalang ang gagamot sa kanila sa tuwing may sakit sila. Kaya lang nung malaman ko na matagal ang taon na gugugulin sa pag nunurse at malaki pala ang tuition ay nag alangan ako. Dahil imposible nanga na magcollege ako dahil wala naman nagtatrabaho samin bukod sa lola ko. Kaya naisip ko na imposible para makakuha ng kursong nurse. Habang lumalaki ako pabago bago ang gusto ko. Hanggang ng mag grade 4 ako gusto konaman maging teacher dahil yun ang lagi naming nilalaro, gusto kodin maging fashion designer dahil mahilig akong magdrawing ng mga damit. Pero saglit lamang iyon ng mapanood ka ang isang teleserye sa gma na pinagbibidahan noon ni Heart Evangelista. Hindi kona matandaan kung ano ang pangalan ng palabas na iyon pero si Heart ay isa noong flight attendant. So yun nagustuhan ko yun at gusto konang maging flight attendant. Hanggsng sa mag grade 12 ako yun ang gusto ko. Pero mahal din ang course nayun kaya hindi kodin nakuha. Pero gusto ko talagang mag college kaya nung malaman kong libre na ang college ay natuwa ako at agad na nag enroll .Pero hindi ko talaga alam kung ano ang kukunin ko dahil walang flight attendant sa enerollan ko. Isa pa hindi ko kaya mag enroll sa ibang school dahil wala naman akong pamasahe. Kung kaya nag enroll ako kung saan pede lakaren. Wala nakong choice non, ayoko din naman mag journalist dahil mahirap makahanap ng trabaho para doon. Kaya Bachelor of Secondary Education nalang ang kinuha ko. Nung time nayun hindi ko maramdaman yung saya sa kinuha ko kasi alam ko na hindi ko yun gusto. Kaya inisip konalang ang goal ko ay makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para sa lola ko. Yung 1st sem ng unang taon ko sa college hindi talaga ko nakaramdam ng saya, gulong gulo ko dahil hindi ako sigurado sa kinuha ko. Pero nung mag 2nd sem at nag karon kami community service which is ang pinagawa sa amin na applicable sa course namin ay magturong magbasa sa mga elementary. Dun kona unti unting nagustuhan ang course ko. Natutuwa ako sa tuwing may natututunan sa akin ang mga bata. At lagi nakong excited na mag hapon para mag community service. At ngayun desidido nako sa course ko, gusto kong maging guro balang araw. Kaya mas pagbubutihan kopa ang pag aaral.

@Sterileen

Malayang tula Ilaw Ikaw ang liwanag sa madilim na mundo Nagbigay gabay sa bawat mahal nito Pasakit hindi mo iniinda Kung para sa mahal mong supling Ikaw ang sagisag ng kabayanihan Na sa tahanana'y kapos kung wala ka Mundo'y 'di mabubuo Kung walang katulad mo sa mundo Dugo at pawis iyong sakripisyo Magandang buhay ay kapalit Lungkot at ligaya'y nariyan ka Sandalan din ng haligi ng tahanan Tahana'y kay lungkot kung wala ka 'Sing dilim ng gabing walang buwan Ikaw ang ilaw na nagbigay daan Sa daang walang dereksiyon Pagpugay sa iyo mahal na ilaw O ilaw na nagbigay liwanag

@Sterileen

Hi po share kolang Nakakainis panga yung mga app at page na paaasahin ka sa mga points and earnings na aabutin naman pala ng ilang buwan and worse scam pala. Nakakainis lang na sa panahon ngayon bat ang daming mangloloko alam ng maraming nahihirapan. Porket alam nila na maraming kakagat sa mga papromo at nakakasilaw na earnings na dipala totoo eh pinagpapatuloy padin. Tapos sasabihin na legit o walang mangyayari kung di susubukan? Yung hindi ka ma i scam dahil wala kanaman ilalabas ni piso? Hello pano naman po yung pinangloload para lang sa mga video adds niyo and games? Hindi bayun pera? And yung time and effort naming mga nagtitiwala at umaasa na kikita dibayun masasayang? Sana lang po wag abusuhin ang mga nangangailangan, gipit napo wag ng paasahin at lokohin. Kaya buti nalang talaga may nagpakilala sakin nitong read.cash , hindi man siya kasing laki ng ibang inaalok na earnings ng ibang page o app. Atleast masasabi ko na eto ay legit at walang masasayang na time, effort o pang load manlang. Dahil kung sipag lang din ang pag uusapan hindi malabong makaipon dito. Dito nga mag 6 pay out na ko sa loob ng 2 linggo. Samantalang yung mga sikat na app and page na babayaran kadaw ng $ kada invite, survery, download, playing etc tapos pag na reach monayung minumum wala na. Dito nako sa hindi kalakihan ang earnings basta segurado marami kapang matututunan at maibabahagi.

@Sterileen

Heaven I feel at piece and joyful No more pain and sorrow Full of white and smile A beautiful place to live I never felt tired nor hungry Never feel tursty White is every where A beatiful place to live I saw child, youth and elders Never leave smile on their face It welcome new comers A beautiful place to live I hear voices singing together Happily talk and laugh Full of joy and energy A beautiful place to live I saw in white praying together Look to me and smile I look every where in this place And it's a beautiful place to live I wanted to stay But I heard a voice calling my name I saw peolpe with tears Begging for me to come back But a beautiful place is waiting Then a man with white long clothes smile And I smile back to him Then I woke up I no longer in a beautiful place But Im with my second heaven

@Sterileen

Maikling tula Ngayon ay kapos palad 'di ka'w si Juan tamad Simulan mong maglakad Ng sa ulap ay mapadpad Pinuno Dahil sa maling boto Buhay mo'y piligroso Kaya isipin mo'to Isip o maabuso

@Sterileen

Mas masarap mag post kay read.cash ngayon dahil mas tumaas na ang points and converted in dollars. Napansin koyun nung isang araw pa dahil sa 24 na points ko halos naka 16php nako agad. Na ang lato ng agwat nung una ko ditong pasok dahil kinailangan kopa maka 500 points para maka 0.50$ . Mas lalo pakong naniwala na tumaas ang bigayan kay read.cash ng may mabasa akong article na tumaas nga talaga sya . Then eto nga kahapon 3 article lang ang nagawa ko dahil wala pakong idea for my next article then pagbukas ko kanina naka 0.11 nako agad tas may nag upvote pa sa article konang 0.01$ . Then pag open ko ulit kay read.cash may 17.4 points na ulit ako . Hindi ko alam kung paano ang counting system ni read.cash ngayun ang alam kolang ay tumaas siya talaga. Kaya halika na guys tayo ng mag sulat ulit

@Sterileen

Thank you Gusto kolang magpasalamat kay breadcake, for upvoting my article about "bahay". Alam ko na baka dimo to mabasa pero gusto kolang i share yung pasasalamat ko. Nakakatuwa lang na nagkakaron nako ng achievement kay read.cash sa simpleng pag popost lang ng mga article. Knowing na hindi namana ako ganoon kagaling pagdating sa pagsusulat. Nagpapasalamat ako kay read.cash kasi nabigyan ako neto ng pagkakataong ipakita at ishare ang mga likha kong article. Sa pagbibigay ng pagkakataon na makapagsulat at mahasa kopa ang aking kakayahan bukod sa pagkita dito. At masasabi ko na sa loob ng mahigit 2 linggo kona dito ay lubha akong nasiyahan. Lalo pa at marami akong mga kababayan dito. At kahit papaano ay nakakaipon rin ako dito na magagamit konaman sa pag aaral ko sa darating sa pasukan. Salamat ulit breadcake and read.cash

@Sterileen

home design Yesterday I wrote an article about my dream house. Though hindi kopa na aachieve yung dream ko pero nag paplano nako. Im in coming 3rd year this year, at talaga namang masasabi kong pinagbubutihan ko ang pag aaral ko para matupad ang mga pangarap ko. So yun nga after ko makagraduate mag aapply ako agad ng work para makaipon at mabili ang dream house ko para sa pamilya ko. Alam ko medyo matagal tagal payun pero hindi ko maiwasan ma excite sa tuwing makakakita ng mga bahay at home design. Mula sa magazine at social media mahilig akong mag search about sa bahay. Minsa naiiisip konangalang na gawin yung mga video na nakikita ko sa youtube or facebook about home decoration. Kaya lang sa tuwing gagawin kona bigla ko naaalala na wala pala kong gamit. At syempre higit sa lahat nakikitira lang ako sa tita ko. Kaya ginagawa konalang habbit ang panonood ng mga bagay na may kinalaman sa home design. At syempre hindi nawawala doon ang pag de day dream ko na may sarili nakong bahay. At ako ang nag design at nag ayos. Kung saan may matatawag nakong sarili kong bahay. Alam ko kenakailangan kopa ng sapat na pera at panahon para matupad ko iyon kung kayat mas pinagbubutihan ko ang pag aaral ko ng saganon ay makahanap ng magandang trabaho.

@Sterileen

Bahay Nung nag bo browse ako sa facebook may nakita kong mga home design. And napaisip ako kung magkakaron bako ng sariling bahay ano kayang design ang pede. Bata palang ako gusto kona makabili ng sariling bahay para sa pamilya ko dahil since birth ay nangungupahan lang kami. Kaya gusto ko pag nakapagtapos nako sa pag aaral at may maayos na trabaho ay mag iipon ako para makabili ng sariling bahay. Kaya ganun nalang ang hilig ko sa mga bahay pati pag dedecorate and home design. Naalala kopa nung bata ako ginugupit ko yung mga home design sa magazine at naglalaro na yun ang bahay ko. Ang daming choices at lahat gusto ko. Pero habang lumalaki nako napapaisip ako kung ano ngabang bahay ang gusto ko. Syempre dina pedeng maganda lang dapat make sure din na safe pag may mga bata sa bahay. Kaya kahit nag aaral palang ako lagi akong nagsesearch about sa mga bahay, para pag may sarili nakong ipon ready to buy house na .

@Sterileen

My new goal I just saw some featured of read.cash, and I was so inspired of what I read. He earn more than 4$ or 1000 points, which I haven't receive since my firts pay out. I also saw that he have many sponsor and paying him to write more. So I thought he was really a good writer, that he attract many sponsor and receive income of more than 4$ . He aslo have more than 200 subscriber, and every time he publish his article many like it and commented on his work. I'am not too ambitious but I also wanted to achieve what he have now in read.cash. I'm not a good writer but also want to be good in writing and inspire many people. And to be honest I also want to earn more here for my upcoming online class. So when I read one of the publish article in read.cash which is about her/his earning, i was so amazed and inspired. I want to have more ideas to write and share. I want to have subscriber,like, comment and sponsored on my artilcle. And to achieve it I have to learn more and be more passionate on my writings. Maybe it should take a long time to achieve it, but I will do my best.

@Sterileen

Nakakatuwan naman mag pi 5th pay out na ulit ako kay read.cash. hayss sa wakas may legit nadin sa wakas, no need invite sipag at tiyaga lang talaga. Salamat sa page nato malaki laki nadin kahit papaano ang tulong nito. Basta lalo pakong magsisispg mag post ng mga article . Sana mas magtagal pato para mas marami pang matulungan ito. Salamat ulit

@Sterileen

Cartoons for little siblings. It's good that my little brother watching Dave and Ava, because unlike other cartoons we can assure that he would learn by it. Besides there are many action in cartoons thay mostly children imitate. And some of it is not good for them, mostly in there age. There some content that is not suitable for them. Though it is a cartoon but still some actions are not appropriate for childrens. Besides there are lot of cartoons that have violence even it is just done for action scene, but to the fact that a child could possibly immitate it, it would lead to accident or thinking that it is right to do. So it is good to choose what movie that we can allow them to watch. Or make sure that we are always there to guide them if ever they have question and to make sure their safety. So as of now my little brother enjoy watching dave and ava, and try to sing abc song and many more. And we're not worrying because it is appropriate on his age and will learn from it. Af course with proper guidance.

@Sterileen

Hi guys! Kamusta napo ulit. Ako eto ok naman, nag iisip padin ng mga pedenh ipost para makaipon naman . Actually malapit nako mag 2 weeks dito, at sa loob ng mahigit 2 weeks marami marami rami nadin akong ntutunan dito. Mas lumakas yung confident ko pag dating sa pagsulat. Marami din akong natutunan mga technique and ways para mas mapaganda pa yung mga article na pede kong isulat. At sa mga article at post na nagawa ko nakalatuwa na kumikita din ako dito kahit sa maliit na halaga. Sabi nga nila walang maliit na halaga sa taong matiyaga at marunong mag ipon. Kaya yun yung ginagawa ko ngayun. Iniipon kolang sa coins.ph ko yung na eearn ko dito para sa darating na online class namin may magagamit ako na pera kung kailangan. Kasi for sure kailangan mag computer para sa video class. Eh wals naman akong loptop kung sa cp naman baka mahirapan lang ako kasi dinaman sa lahat ng oras ay may malakas kami na internet. So dito nalng ako kukuha ng pang computer hehe

@Sterileen

My new hair style Hi po share kolang new hair color ko hehe. Tagal na din kasi since nung last na pakulay ko. So ayun medyo naiinggit sa mga pinsan ko kaya nag pakulay nadin ako. Bali ang kulay pala niyan ay chess nut brown. Pasensya napo kung mali spelling medyo mahina sa spelling eh . Siguro iniisip niyo pano nakapagpakulay eh sarado pa mga parlor shop at bawal pa lumabas kung hindi naman kailangan. Wag po kayo mag alala home service po ito at kapitbahay lang namin ang gumawa. Actually nagtatrabaho siya sa parlor shop pero since may covid nga eh wala padin silang work sa ngayun. Kaya malaking tulong nadin sa kanya kahit papaano na nakakapag home service siya. Madami dami din ang nagpapagupit at nagpapakulay sa kanya. Kilala na kasi talaga siya dahil sa husay niya. Hindi kana lugi sa abot kayang presyo at ganda ng buhok na ipapaayos mo. Kaya nung malaman namin na nandito siya dahil nga sa covid eh sinamantala na namin at nagpakulay na. Bali hindi siya dito sa lugar namin nakabase kasi dun sya malapit sa pinagtatrabahuhan niya umuuwi. Pero sa monday babalik na ulit siya sa tinutuluyan niya dahil mag oopen na ulit yung parlor nila.

@Sterileen

Paw patrol daw muna Naku hindi nanaman kami makakanood naunanhan na kami ng batang maliit. Paw patrol muna daw, hahaha walang katapusang paw patrol. Paulit ulit nalang ang pinapanood hindi nag sasawa masyadong idolo sina Rider at mga kaibigang aso niya na sina , Chase, Marshal, Rubble, Sky, zuma at Rocky. Hanggang gabi nanaman ito panigurado. Ang batang maliit ang boss sa panonood. Ow no plss naman batang maliit panood naman po.

@Sterileen

New cases of positive in covid Grabr nakakatakot ngayon pati sa brgy. namin may nag positive na. Alam ko naman na matagal ng may positive dito pero sa ibang brgy. Kaya medyo kampante pa kami na safe kami. Dahil nga sumusunod naman kami sa mga rules na ipantupad ng government. Hindi talaga kami lumalabas kung hindi kailangan at isa lang sa amin ang lumalabas para mamili ng mga pangangailangan namin. May schedule din per brgy. Ang pedeng pumasok sa palengke. Kaya ganoon nalang kami kasigurado na hindi kami magkakasakit. Pero ngayon medyo natatakot na kami dahil bukod sa brgy. Namin yung may positive ka street pa namin. Kaya ganoon nalang ang pag iingat namin lalo pat may dalawang matanda at isang 3 years old na bata samin. Ok lang sana kung kami lang pero alam namin na mas delikado para sa kanila na tamaan ng ganoong klaseng sakit. Ganun paman hindi kami nagpapadala sa takot at mas lalong mas nag ingat para sa kaligtasan namin. Sana mawala na itong pandemyang ito para wala ng natatakot at mabawasan ang paghihirap ng mga tao. Naway malagpasan natin itong mga pag subok na ito sa tulong ng poong may Kapal.

@Sterileen

My 4th pay out Hi po update lang po, mukang mataas ulit palitan ng points ngayon. Kahapon kasi mababa lang pero pag open ko ngayon tumaas siya. So yun nag cash out nako agad baka bumababa pa eh. So ayun nga pang 4th pay out kona ngayun. Ang saya saya lang na kahit sa maliit na halaga ay may naiipon ako hindi nadin masama para sa isang baguhan. Iiponin ko lang to para makatulong sakin sa darating na online class. Sana magtagal o wag na mawala si read.cash para mas marami pasyang matulungan. Thanks again read.cash at sa nagturo sakin ng page nato.