Ikaw ang nag iisang ikaw
Hello covid! Tatanong ko lang kung kamusta kana? Baka naman gusto mo ng magpahinga. Hindi ka parin ba nagsasawa? Sa dami ng taong iyong pinaluha. Hindi pa ba ito sapat upang ikaw ay mawala? Ay, oo nga pala manhid kana. Hindi mo iniisip ang nararamdaman ng iba, Kase masaya kang nakikitang nagdurusa sila. Tama na! Pwede ba? Napakarami mo ng nabiktima. Sana sa muling pagmulat ng aking mga mata, Ang sumalubong sa aki'y isang panibagong umaga na puno ng pag-asa. Alam mo ba, Dinaig mo pa si ex ko, Hindi ako maka move on sa pahirap na ginawa mo. At para kang test essay, ang hirap mong i define. Hindi kona alam, kung bakit ka ganyan. Kung may tenga ka lang, Sana naririning mo ang daing ng bawat isa. Kung may mga mata ka lang, Sana nakikita mo kung paano kami nagdurusa. Kung may pandama ka lang, Sana nararamdaman mo ang bigat na aming dala-dala. Kaso wala, wala ka ng lahat ng yan. Dahil ang tanging alam mo lang ay kumitil ng maraming buhay. Coronavirus o covid 19 kung tawagin. Isang salot na sumubok sa pagkakaisa natin. Buong mundo nilagay mo sa quarantine. Wala kaming magawa, kundi sumunod sa batas namin. Palagay ko nga ay, ako'y malapit nang mag TikTok din. Natuto akong mag alcohol, Na akala ko dati'y kaartehan lang. Ang mga tao'y nagpapanic- buying, Kaso wala naman akong pang "buying" kaya hanggang panic nalang. Pilit nanghihingi ng relief goods sa baranggay, Kaso ito daw ay pang mahirap lamang. Ito ba'y magtatagal pa o konting panahon na lang? Sabi ng iba covid ka lang!, teka lang covid ka nga lang ba talaga? Para ka kaseng 5'6 ang tindi mong maningil ng utang. O baka naman may "period" ka kase ang dami mong gusto. O baka naman ikaw ay susi, Dahil hawak mo ang pinto ng kamatayan. Alin ka ba diyan? Pero ganunpaman, Buong akala ko'y sakit ka lang ng ulo. Yun pala may ambag ka rin sa mundo, Hiwa-hiwalay na pamilya ay muli mong binuo, Pagkapit sa Dios ay pinatibay mo, At pinanday mo ang aming pagka-pilipino. Ngunit may ilang matitigas ang ulo, Pilit binabatikos ang pangulo, Mga nagpapanggap na matalino, Sariling adhikain lang nila ang gusto, Sa kanila'y wala ng ginawang mabuti ang gobyerno, Paano uunlad kung laging ganito. Para sa aking huling mga kataga, Hindi ka man nakikita ng mga mata ko, Hindi ka man naririnig ng tenga ko, Isa lang ang nasisigurado ko. Wala kang pusong pumapatay sa tao, Pero ikaw, oo ikaw, ikaw ang nagpamulat sa maraming pilipino.
No comments yet