read.cash Log in
@Sterileen

Buhay

Buhay, Tanging limang letra na pinanghahawakan ng sanlibutan Buhay ,na ang nakasalalay Ng mga taong nakikidigma sa sakit na nakamamatay Buhay, na nabago at hindi na sigurado Ang buhay na binigay pero unti unti nang namamatay. Ako ay isa lamang pong estudyante at hindi nakakampante. Dahil ang sakit na itoy walang pinipili ,may ginto kaman o diyamante. Sabi ko sa sarili ko." Oras na para huminga ang kalikasan, Narito kung saan sa wakas ay natagpuan niya ang kapayapaan. " Pero di ito ang aking inaasahang kapayapaan. Dahil ang mga puso ay puno ng kawalang katiyakan. "Tulong!" Naririnig ko ang mga hiyawan Ang mga bata ay umiiyak, nais na lumabas kahit saan . Lahat ay walang pagpipilian kundi manatili sa bahay Para sa kapakanan ng ating buhay. Kailan magtatapos ang pamdemyang ito? Kung may mga taong lumulusot mapa roon maparito. Abay dapat nyonang itigil iyan . Dahil baka yan ang ating pagsisisihan. Tayomg lahat ay matulongan upang ang sakit na ito ay masolusyonan .Wag mawawalan ng pagasa, manqtitling nakamulat amg mga mata Sabay ibukas ang munting palad ,dahil ano mng oras darating ang hinahangad. Laging tandaan ang virus ay wag nating maliitin, palaging mag dasal at mnalangin.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.