read.cash Log in
@Sterileen

Malayang tula

Ilaw Ikaw ang liwanag sa madilim na mundo Nagbigay gabay sa bawat mahal nito Pasakit hindi mo iniinda Kung para sa mahal mong supling Ikaw ang sagisag ng kabayanihan Na sa tahanana'y kapos kung wala ka Mundo'y 'di mabubuo Kung walang katulad mo sa mundo Dugo at pawis iyong sakripisyo Magandang buhay ay kapalit Lungkot at ligaya'y nariyan ka Sandalan din ng haligi ng tahanan Tahana'y kay lungkot kung wala ka 'Sing dilim ng gabing walang buwan Ikaw ang ilaw na nagbigay daan Sa daang walang dereksiyon Pagpugay sa iyo mahal na ilaw O ilaw na nagbigay liwanag

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.