Ang alamat ng covid19: Gintong lubid ng kamatayan
Tahimik, Kasing tahimik ng mga lagaslas ng tubig Nang minsang dumating ang dagundong sa silangan Nanghilakbot. Ang bawat mga ibon sa himpapawid ay nagtago sa kanilang mga sisidlan; At ang lahat ng nilalang ay nagtaka, Kung bakit ang lubid ng kamatayan ay nagising bigla. Ang paraluman ng pagtatapos ay nagkaroon ng hininga. Mula sa malaking bayan sa silangan ay may nagwika, "Masdan ng lahat ng nilalang! Patuloy ang aking pakikiapid sa kamatayan, Lahat ng bayan ay aking pipilayan, Susuko ang bawat mga bansa, Titigil ang bawat paghinga, Sapagkat lunas ng aking bagsik ay walang makagagawa! Kaya't sa aking tinig ay manginig, Lahat ng mga pinuno ay aking wawakasan ang pagtindig" At gayon nga ang nangyari! Nanginig ang bawat nilalang sa kanyang tinig— Nagturuan. Namayani ang kaba, Ang paghihiganti, Ang poot, Ang kasakiman. Walang nagnais kumapit sa lubid ng kamatayan... Lahat ay sumigaw, nagulantang. Napagmasdan ko ang aliwalas ng alapaap Ngunit walang nagnais ditong lumanghap. Narinig ko ang nakabibinging katahimikan Ngunit mas nabingi ako sa takot at karuwagan. Walang nagnais lumapit sa lubid ng kamatayan, Lahat ay nagturuan— Nagsisihan. At mula sa alabok ay nanindig ang mga balahibo, Bumangon ang mga bayani sa mga nitso! At narinig ko ang sigawan ng mga bayan, "Salamat Panginoon, tulungan mo kami! Salamat mga bayani! tanggapin ang mga alay— Ito ang aming pasasalamat, iligtas niyo ang aming buhay" Ngunit pumaibabaw pa rin
No comments yet