My new hair style
Hi po share kolang new hair color ko hehe. Tagal na din kasi since nung last na pakulay ko. So ayun medyo naiinggit sa mga pinsan ko kaya nag pakulay nadin ako. Bali ang kulay pala niyan ay chess nut brown. Pasensya napo kung mali spelling medyo mahina sa spelling eh . Siguro iniisip niyo pano nakapagpakulay eh sarado pa mga parlor shop at bawal pa lumabas kung hindi naman kailangan. Wag po kayo mag alala home service po ito at kapitbahay lang namin ang gumawa. Actually nagtatrabaho siya sa parlor shop pero since may covid nga eh wala padin silang work sa ngayun. Kaya malaking tulong nadin sa kanya kahit papaano na nakakapag home service siya. Madami dami din ang nagpapagupit at nagpapakulay sa kanya. Kilala na kasi talaga siya dahil sa husay niya. Hindi kana lugi sa abot kayang presyo at ganda ng buhok na ipapaayos mo. Kaya nung malaman namin na nandito siya dahil nga sa covid eh sinamantala na namin at nagpakulay na. Bali hindi siya dito sa lugar namin nakabase kasi dun sya malapit sa pinagtatrabahuhan niya umuuwi. Pero sa monday babalik na ulit siya sa tinutuluyan niya dahil mag oopen na ulit yung parlor nila.
No comments yet