read.cash Log in
@Sterileen

New cases of positive in covid

Grabr nakakatakot ngayon pati sa brgy. namin may nag positive na. Alam ko naman na matagal ng may positive dito pero sa ibang brgy. Kaya medyo kampante pa kami na safe kami. Dahil nga sumusunod naman kami sa mga rules na ipantupad ng government. Hindi talaga kami lumalabas kung hindi kailangan at isa lang sa amin ang lumalabas para mamili ng mga pangangailangan namin. May schedule din per brgy. Ang pedeng pumasok sa palengke. Kaya ganoon nalang kami kasigurado na hindi kami magkakasakit. Pero ngayon medyo natatakot na kami dahil bukod sa brgy. Namin yung may positive ka street pa namin. Kaya ganoon nalang ang pag iingat namin lalo pat may dalawang matanda at isang 3 years old na bata samin. Ok lang sana kung kami lang pero alam namin na mas delikado para sa kanila na tamaan ng ganoong klaseng sakit. Ganun paman hindi kami nagpapadala sa takot at mas lalong mas nag ingat para sa kaligtasan namin. Sana mawala na itong pandemyang ito para wala ng natatakot at mabawasan ang paghihirap ng mga tao. Naway malagpasan natin itong mga pag subok na ito sa tulong ng poong may Kapal.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.