Bukad na hangganan
“Bagong taon, bagong pag-asa,” yan ang ika nila. Ito'y taon ng mga tigasing daga na animo'y mga bakal ayon sa mga Intsik. Ngunit sa pagbungad pa lamang ng taon, samu't saring pagsubok na agad ang ating kinaharap. Bagsik ng kalikasan ay ating tinamasa. Pag-alburoto ng bulkang Taal sa Batangas, Ay isang senyales na pala na kakailanganin nating magsuot ng mask. Hindi daw dito tatalab ang mga pang-ordinaryo lamang. Kaya N95 bagamat mahal ay naging patok sa masa. Lumipas ang ilang linggo, Huminahon din ang pag-alburoto. Ngunit sa pagtahimik ng usaping ito, Biglang umingay ang isang delubyo. Novel Coronavirus Disease 2019 o NCoViD-19 ang itinawag dito ng mga eksperto. Dahil kung titignang maigi, hugis korona ang kawangis. Nakaraang taon pa pala ang sakit na ito, Ngunit ngayong taon lamang ang bagsik niya'y tumodo. Pangalan ng taon ang inihatid, Bagong sakit ay sa kanila din pala nabatid. Wuhan ang pangalan, Lugar nitong pinagmulan. Oo nakakatakot, may pangamba itong dulot. Dahil 'di lang sakit, maging kamatayan at salot. Quarantine at lockdown, ay nalaman ang kahulugan. Nang pinatupad na, perwisyo ang kinahinatnan. Pag-aaral, trabaho at negosyo ay apektado. Ang bawat kilos at galawan ay naging limitado. Hindi biro ang pinapagawa ng ating gobyerno. Mahirap ngunit kinakailangang sundin ng todo. Parang daga man kung pumeste ang sakit na ito, Na naging dahilan ng distansya sa mga tao. Alam nating pagkatapos nito, Muling magtatagpo, ikaw at ako
No comments yet