When the Poor get Poorer

52 85
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Ang hirap kapag kakarampot lang ang pera no?

Yong gusto mong maka tulong pero wala kang mahugot sa bulsa

Yong gusto mong makapag bigay sa pamilya pero kulang na kulang ka

Yong kahit anong gawin mong pag iisip wala pa ring lilitaw na pera sa harap mo

Ang hirap maging mahirap no?

Yong parang kahit anong pagsisikap ang gawin walang return sayo

Yong kahit magkanda kuba kana sa pagtatrabaho pero di pa rin sapat

Yong kinalyo nalang ang kamay mo pero di pa rin nakapag ipon

Nasa atin naman talaga diba if gusto nating umasenso?

Pero paano mangyayari kong lagi ka nalang kapos?

Yong gusto mong sumuko pero hindi pwd

Yong gusto mo ng umatras pero naisip mo na corner kana pala, walang ibang pwdng puntahan

Ikaw lang ang maaaring makatulong sa pamilya mo

Tapos lahat parang nakaatang sayo

Yong gusto mong mag reklamo kaso alam mong maaaring makadagdag kapa sa isipin ng pamilya mo

Yong gusto mo lang namang sumaya pero parang wala kang karapatan

Kahit gustong unahin ang sarili ay hindi maaari

Bills ng tubig, kuryente, isama mo pa ang utang, sa lamesa mo'y nakahain lagi

Yong gusto mo nalang tumakbo kaso pagod kana

Tinakasan ka nalang ng lakas dahil sa pag tatrabaho para maiahon lang ang sarili sa dusa

Gustong mo sanang mag saya ng kunti pero ayaw ng sitwasyon mo

Dahil nasanay ka ng inuuna lagi ang kailangan kesa sa gusto

Kahit isang araw lang sana sa isang taon

Pero kahit gusto mo, sitwasyo'y lagi ng pumipigil sayo

Paano ba maiaalis ang sarili sa hirap?

Paano ba gawin yon ng di ka mag ooverthink?

May ganon ba? Or panaginip nalang ang ganon?

Imposible ba talaga kahit pagodin mo pa ang sarili mo?

Ito kaya ang rason ng iba kung bakit pinipili ng iba na wakasan ang buhay nila

Oo pera lang yan, pero sa iba mahalaga yan

Alam mong kada hakbang, may bayad na din yan

Wala ng libre sa mundo, nakakalungkot pero yan na ang reyalidad ng lahat

Ginagawa mo naman lahat ee

Nagpapaalipin na nga sa sariling trabaho

Iilang oras nalang ba ang naitutulog kasi lagi kang naghahabol sa overtime

Tapos sa huli sa mga bills lang mapupunta ang lahat

Bakit ganon?

Bakit ang hirap maging mahirap?

May iaangat pa kaya ako?

Meron pa kaya? O baka wala na.

^_________^

(╥﹏╥)

(。•́︿•̀。)

Ó╭╮Ò


It's the end of the month but before this month ends, let me share this piece of mine using our Tagalog Language. It is still the National Language Month so yeah. Sorry for my friends from other country. Don't worry I will also write a simple summary of this one.

--

It is a poem that talks about money and how hard it is to be poor human being. That even if you are already doing your best to earn money, seem all of it is still not enough. You can earn yes, but it is just enough to pay the bills. You can't even save for future purposes. Because even if you want too, month is not even ended yet but you already run out of money because it is already used up and some was given to the family.

What's left? Nothing. There's nothing left anymore but an overthinking mind for the next day and or how they will get pass the day with nothing much on their pocket. They are left with no money at all but their body was about to give up coz of tiredness. But they have no time to feel tired because they have a family to feed, a bills to pay and a necessities that need to buy. It's like life is so unfair to you right? I mean, you can't help but to think it that way. Life is really unfair. That's it.

Life is unfair because even if you want to be out in poverty you can't, you just cant because it is like heaven is also the one who's stopping you to achieve that. Just how many tears snd sweat a man have to release just to be out on poverty? I know some can't also help themselves from asking this question. Because even to their self, they know that they are already doing their best but the return is still ZERO. This is maybe one of the reason why some people choose suicide than to live in this harsh world.

Why it is hard to be poor?

Is there even a chance that I can move up from this lower level of the bottom?

Is there really a chance? Or Maybe there is no such things for the poor like us.

Aigooooo Ó╭╮Ò


August 31, 2022

--

23
$ 3.09
$ 2.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @gertu13
+ 16
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Comments

relate much natitira lang sa sahod ko pagod haha

$ 0.01
2 years ago

Haha aguy, okie kapa naman Muuuunay ka?

$ 0.00
2 years ago

Galing talaga ruf ruf!~ Uy, true yan. Yung sahod dumapo lang saglit sa kamay tapos babye na haha. Hirap kasi dito sa Pinas. Corrupt pa more.

$ 0.01
2 years ago

Aguy talaga, parang dumadaan alng sa palad ang sahod no. Aigooo

$ 0.00
2 years ago

The economic conditions of the world pushing poor towards more poverty and the rich are becoming more rich. Poor grind hard yet they couldn't fulfill their basic needs of life while the rice are living luxurious life

$ 0.02
2 years ago

Nakakapagod maging mahirap talaga. Pero laban lang. Habang may paraan, gawin natin ang kaya natin.

$ 0.01
2 years ago

Dibaaa, no choice kundi lumaban. Kapag sumuko talo ka. Kaya push!

$ 0.00
2 years ago

Rekate much. Wala na meh pera kase binigay na sa mga kapatid at kamaganak. Huhu

$ 0.01
2 years ago

Aguy dami mo naman binibigyan bat pati kamag anak (╥﹏╥)

$ 0.00
2 years ago

Oh I first thought I won't be able to understand the language but huh Ruffa the Saviour with translation that's very nice and Good for both sides haha.

To be honest, all you've said is true and I can relate or want a way out (escape) to move up from this lower level!

Don't give up on hope keep that alive, dream, think and chase it whatever it costs. That's what I will do.

$ 0.01
2 years ago

It's hard but as long as we are not giving up everything will be okay - I hope

.·´¯(>▂<)´¯·.

$ 0.00
2 years ago

Super relate ako ngayon, pero ayun tiwala pa rin sa Panginoon. God will provide my needs 🙏

$ 0.01
2 years ago

Hehe habang buhay may pag asa ika nga chachan

$ 0.00
2 years ago

Trut! Ang hirap maging mahirap talagaaaa. Huhu

$ 0.01
2 years ago

Huehue pero kakayod pa rin for the famiyl

$ 0.00
2 years ago

Hays ramdam na ramdam ko ate, being a breadwinner ate , alam ko yung pakiramdam na kinakapos talaga kahit na may stable job na ako. hays ang hirap maging mahirap, pero mas mahirap kapag wala tayong gagaiwn panu umangat ate. Kaya laban lang! lahat ng ginagawa natin ay magbubunga din ng mas higit pa, let just be patient and be hopeful that better days will come and success will be in our hands. Laban lang!

$ 0.01
2 years ago

Dibaaa, any hirap talaga pero yeah basta may pangarap at di susuko for aure dadating din ang time that you will get the reward of those hard work that you did

$ 0.00
2 years ago

I think in this era of economic crises if we earn money to fulfill our needs than it's a great thing because everything is so much expensive. Yes we can't earn to save and i also can't understand this logic but than i blame to economy crises

$ 0.01
2 years ago

The earnings that didn't even last in our hands, lol. Because of bills and those necessities that is so expensive now lol

$ 0.00
2 years ago

Ang hirap maging mahirap 💔

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Kaya mga madams, pero push pa rin

$ 0.00
2 years ago

I was thinking about this a few days ago, why the rich keeps getting richer and the poor keeps getting poorer no matter what they do. As the poor keep struggling to earn, their expenses keeps increasing and it's just a very vicious cycle. But I do know things will be better in the end, as long as we don't give up on our hustles

$ 0.01
2 years ago

Yep I so agree with your last line. Givinf up should never be an option. Lets go get this to whatever hell we have to face.

$ 0.00
2 years ago

This is the Real fact in this Era with every passing day poor become poorer meanwhile the Rich becomes richer.

I know most of us are facing a bad time in our lives and there will be more challenging for us in the upcoming time due to the risk of high inflation. But don't worry and have strong hope for yourself. Soon the time will be changed and we will see good days.

$ 0.02
2 years ago

That's for sure, expect more hardship in the coming days. But as long as we are not giving up - everything will be alright. Lets hold on to the little hopes yhat we have ❤️

$ 0.00
2 years ago

Sabi mo nga , minsan nakakasawa na maging mahirap pero paggising mo ulit wala kang choice kundi ang lumaban. Yung iba kahit pa nga magnakaw mairaos lang ang araw. Mahirap talaga maging mahirap pero yun kasi ang realidad ng buhay wag lang sana tayo bibigay sa laban. May pag-asa pa tayong umangat kaya wag nating sukuan , gapang kung gapang pero lalaban hanggang finish line. Cheeeeer up bhe! tsk! birthday blues yan noh?

$ 0.02
2 years ago

Truth, basta hindi susuko, tuloy lang amg laban may pag asa pa. Mahirap pero sa mga hakbang naman na ginahawa natin nakakagain tayo ng panibagong tibay ng loob kaya push.

Hahaha hindi, naisip ko lang isulat kasi wala na akong ibang maisip so why not talk about sa making problem ng karamihan haha

$ 0.00
2 years ago

He who lives alone complaining that life is hard and does not struggle with a firm idea to achieve something will never get out of poverty.

$ 0.01
2 years ago

True, instead of complaining we should move, we should act. But sometimes even if they are already doing all this, nothing change. They are still stuck on their situation because od those problems that just keep on coming to them. Aigoo

$ 0.01
2 years ago

You inspired me to write something different today. My point of view about it, although it was not what I had for today I changed my publication. a hug.

$ 0.00
2 years ago

Laban lang tayo lage sis ganoon talaga buhay natin mahihirap kahit magiging kuba na sa pagtatrabaho di parin sapat ang mahalaga may pagsisikap.

$ 0.01
2 years ago

Yeah, basta puah. Basta nakakakain tatlo g beses isang araw no

$ 0.00
2 years ago

Ang bigat madam ng end of month article mo, ramdam ko ang hirap habang binabasa ko eh😌

$ 0.00
2 years ago

To be poor is really hard. Even no one become ready for help. I hope you shall be able to recover on money issue.

$ 0.00
2 years ago

Sabi nga nila sis, pag mahirap ka pa din hanggang ngayon, kasalanan mo yun, hindi nang kait na sino. Ako naranasan ko magtipid pero yun na ipon ko, ang nakinabang lang Ibang tao. Ipon ako ng ipon pero itutulong ko lang sa Iba tapos wala para sakin. Kaya parang ano ba, mag iipon ba ako o hindi na lang

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan, pero kasalanan pa rin ba if ginawa mo naman ang lahat pero di pa rin naging sapat 😭 chare ahahaha. Pero kasi no, di pwd basta ma efforr at ma diskarti. Dapat 3 din raket. Or higit pa

$ 0.00
2 years ago

Dapat yun hindi na nag papa hinga hahaha, ako nga di na minsan natutulog kulang pa din. Parang yun pera na kinita ko para lang magastos hindi maipon. Oist. Ka bibirthday mo lang ha, sad na agad ang post. Pasko na bukas!!

$ 0.00
2 years ago

Thanks for the summary, I know you would put the english sub too.. It every where, working and the economy out there is making people effort look like they have done nothing. It is similar to what I wrote about yesterday on having a main job and a side job that brings you money cause one job alone isn't solving this spending sh*t anymore

$ 0.01
2 years ago

Hehe. It is sad that even if they already did a lot but still, it is not enough. Just until when they have to suffer right.

$ 0.00
2 years ago

Yeah.. You're right

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit naman ng blog mo today ate. Aww. Mahirap ang maging mahirap pero mas mahirap ang taong walang pangarap.

$ 0.01
2 years ago

Agree sa huli. Pero masisira din yang pangarap na yan lalo kapag sa bansa natin lang tayo. Kulang na kulang pa ang sweldo. Kay tataas ng standard kala mo naman kay tataas magpa sweldo

$ 0.00
2 years ago

Kawawa yung nsa lansangan.panu nla nlalampasan ang araw na wala laman ang tiyan at pitaka.tsk

$ 0.01
2 years ago

Yon nga madam ee. No choice din yan sila minsan panglilimos naanlg magagawa nila. Kapag wala talaga mapipilitan pa mag nakaw.

$ 0.00
2 years ago

I can somehow relate. As you can see, umalis na naman si partner kasi kahit anong gawin naming pagsisikap ang pagtitipid hindi pa din sapat. Wala pa ding natitira sa mga bulsa namin. Ewan ko ba, ba't ang hirap umasenso sa bansa natin. Yung mahirap lalo lang nagiging mahirap.

$ 0.02
2 years ago

Yong kahit higpit na higpit kana sa pag spend kaso kakapusin kapa rin talaga. No choice kahit ayaw mong mawalay sa family mo, mapapa lipad ka talaga sa ibang bansa para mas makaipon ng kwarta. Ambot lang talaga no.

$ 0.00
2 years ago

Grabe sis ruffa nuh yung ang dami mong ginawa. Pagod na pagod ka para magsikap para kumita tas yung ending mapupunta lang lahat sa bills. Ganun talaga ang buhay kaya laban lang palagi.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga ee, naaalala ko ate ko. Sweldo ata nya talagang sa bills lang napupunta. Di na nga sya nakaipon. Aigooo

$ 0.00
2 years ago

Oo sis ruffa. Ganyan nga sis. Nung sa Cebu ko wala akong masyadong savings din kasi pinapadala ko sa fam ko tas bills every end of the month.

$ 0.00
2 years ago

Actually naisip ko din yan . Bkit kaya kahit anong sikap naten ganun pa din. Pero sabi nga wla nmn yumayaman n isang empleyado unless nanalo sa lotto. And if you are going to put up a business there is no also assurance na magkiclick. Sabi ng iba asa diskarte pero depende pa din s oppurtunity. Pero thankful pa din ako atleast lahit pano sa ngayon I was able to buy what I want. But hoping soon i will able to unlock pano maging rich 😂

$ 0.02
2 years ago

Diba, minsan pa nga ee yong talagang push na push ka sa pag hanap buhay kaso kada naman gumaganda n ang lagay mo susubukin kana naman ng tadhana. Parang mejo nakakasawa na pag ganon. Minsan din lahit madiskarti ka kapag naman napag diskitahan ka jan ng mga inggiterang frogs, masisira pa pinag hirapan mong maabot yong position mo for examples sa mga company. Parang, aigoooo why it is so hard.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh. Bka may orasyon😂😂😂

$ 0.00
2 years ago