read.cash Log in
@Ruffa more from that month

Get some air now and let your edge out 9:10 PM - May 17, 2022 Tuesday Lumalalim na ang gabi Bumibigat na ang talukap ng mga mata Gusto ng magpahinga Ngunit di pa rin mapigil tumipa Sa patuloy na pagbalot ng kadiliman Mga isipi'y hindi maiwasang sumakop sa isipan Isa lang ang pilit sumasalit At yon ay ang buhay na may kasayahan Iniisip na bakit walang kulay ang sariling buhay Iniisip, bakit sa iba'y puno ng buhay Hindi maiwasang mainggit, hindi maiwasang mag-isip Bakit kahit gustuhin ay parang di pa rin makakamit? Uhaw pero hindi magawang gumalaw Gusto daw ng pagbabago pero bakit hindi magawang simulan? Nag hahanap ng makulay na buhay pero hindi ginagawan ng paraan Naghihintay ata ng resulta, kahit wala namang ginagawang hakbang Gutom sa karanasan, nag uumalpas ang damdamin Gustong pumalaot sa magulong mundo at ng matikman ang dinadalangin Pilit na sinisingit na sapat na kung anong mayroon Ngunit ang kagustuhan na kumawala ay mukhang mahirap ng pigilin Nag iisip kung ano bang dapat gawin Gustuhin ma'y takot kung mayroon bang mararating Insekyuridad isa lang sa isipin Pano pa kaya kapag nasabak na sa mundong gustong marating Pilit tinatanim sa isipan na sapat na ang lahat Kakuntentuhan nalang ang kulang malamang maaalis lahat Ngunit hindi ganon kadali, lalo at uhaw na sa bagong karanasan Kung hindi lang sa takot, malamang ay nakatawid na at naipag sapalaran Ni hindi pa nga nasusubukan, pero umaatras na sa laban Hindi ba at maigi ng subukan muna bago ito sukuan? Ngunit bakit kahit anong piit mo sa isipa'y hindi pa rin magawang humakbang? Gusto ko ba talaga to o nagdadahilan nalang? Minsan ng naranasan kaya naisip na bakit di muling subukan Maaaring ang oras na ito ang syang oras na para muling subukan Makikipag sapalaran at baka sakali ng palarin Ngunit bakit tuwing susubukang humakbang, parang pinipigilan? Isang hakbang nalang at maaabot na ng kamay Maganda at panibagong buhay, maaaring syang nag hihintay Ngunit kung kelang isang hakbang nalang Saka pa'y lakas ng loob ay bumubuway Kagustuhan laban sa takot, Alin ang mas matimbang? Hindi ko na rin alam, isip ko rin ay syang naguguluhan Hindi na alam sa sarili kung dapat pabang makipag sapalaran Bakit pa tutuloy, kung sa huli'y ititigil din lang? Tulong! Tulong ang aking kailangan Baka doon, lakas ng loob ay di na masubukan Baka lang naman, mas gustuhin nalang na maranasan Yong hindi na aatras at kakasa nalang sa laban Posible kaya? O baka sakupin na naman ng takot ang puso at maisipan na namang umatras sa laban Bakit kay hirap mo kasing masungkit? Kalayaan na di naman pinagkakait, pero kung umasta'y kala mo'y pinagkakait Im about to sleep but then suddenly some thought just appear in my head and I feel like being emotional. I already put my phone to sleep and put it on my durabox but after 5 minutes lying in my bed I cant still sleep. Maybe because I am thinking that it is still early. Like I go to bed at 8:47 PM and just about to sleep. I don't know, this thought just suddenly appear inn my head it is just about life and the life that I really want. But in the end, I can't still decide if what kind of life do I really want. Even I - don't know what I want. I want to try this and that but I'm not doing things to change something in my life. It's like someone is stopping me but I think is is just me whos stopping my own self. Screw this damn excuses! Tsk. I am just making excuses coz of this fudging insecurities. Why this have to be the obstacles of my growth no? Or should I change my brain so that I won't be affected anymore? But anyways, I finish writing this at 950 PM and it's like I type this for 40 minutes I also go to bed at that time and let myself in - in the dreamland. May 18, 2022 --

39 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.