Cry when you Fall Down and Stand after the Fall Sa isang eskinita na madilim Kung saan ilaw ay patay sindi May isang nilalang na nakayopyop sa tabi Parang basang sisiw at di mapakali Mahahalatang may dinadalang mabigat At mag isa niyang iniaangat Iniinda ng mag-isa ang bigat Kaya hitsura'y mukhang hirap na hirap Sinubukan niyang tumayo Tinuwid ang paang pilit tumitiklop Mababanaag ang determinasyon Sa mata nya apoy ay nandoon Desisyo'y hindi matitinag Pursigidong sumuong Manalo o matalo, sya'y susulong! Itataas ang kamay para sa misyon Isa, dalawa, tatlong hakbang Bigla siyang huminto Napaluhod at napaupo, nasapo ang ulo Unti, unti apoy sa mga mata nya'y naalis Determinasyon sa mata'y biglang napawi Napalitan ng luha ng hinagpis Wala na ang bakas ng pag-asa at ang nandun nalang ay ang pagsuko Sumuko na, tatlong hakbang palang ang nagagawa Humiga at tumitig sa kalangitan Kalangitan na ni isang bituin ay walang maaaninag Bituin na maaari sanang mag bigay ng kunting liwanag Ngunit sa di malamang kadahilanan ay natatabunan ng luhang pumapatak Luhang punong puno ng pait at sakit Luhang di basta basta matitighaw dahil sa naipong sakit Pilit nyang pinipigilan ngunit patuloy lang ang pag bagsak Naipon at ngayon ay parang gripong tuloy lang sa pag agos Katatagan ng loob ay tuluyan ng natunaw Tinanggap sa sariling tapos na Nagpatangay nalang sa kalungkutan at iniiyak lahat ng sakit Para sa bukas. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang segundo Sa loob ng limang sigundo tinanggap nya ang lahat Inilabas lahat lahat Ginawa nya para sa panibagong bukas Pinagbigyan ang sarili na maging mahina Sa kakaunting sandali hinayaan nyang lamunin sya ng dusa Inilabas pati ang huling patak ng luha Isa, dalawa, tatlo, Sa loob ng tatlong segundo Bumangon siya at huminga Malalim na may tunog At sa hingang malalim na yon Doon na mahahalatang nakakita sya ng bagong pag asa Pinag bigyan lang ang sarili At ngayon nga ay baon niya ang determinasyon na umangat muli Sa bagong lakas na meron siya Sa bagong siya na mas malakas at di basta basta Di na papatinag sa mga problema Tuloy ang buhay, para sa pamilya -- We all have this phase in our life where we let ourselves succumbed into our own weakness. We let our vulnerability show to others. But there are some people that can't do that. They will hide it as the best as they can. They will hide in fears because they gotten weak. They do so because they don't want anyone to be affected to that weakness. They will face it alone and suffer alone. I think that is okay too. Some just prefer that because they can solve it on their own. They are more comfortable to do it on their way. They just have to release all of their pain in the ways that they know. All alone. There are instances in our life too that everything is just so hard to accept and that even if we fight for it. It's still hopeless because that is all in there to it. And the only thing that you can do is to accept it all. Accept, forgive and move on. With the new strength that you gained on the past experiences, you'll get through all of the problems that may came in your way. Just like what happened to the character on that poem. It's okay to be weak. It's okay to cry. It's okay to whine and it's okay to shout. If that's still not enough it's okay to get mad. Yeah, it's okay. No one will judge you if you decided to do it. You are just a human who has weaknesses. You are prone into different emotions. You are hurt and it's okay to say what you want to say. You are mad because you can't just take all the pain. It's not like you are made of stone not to feel anything. So don't be too hard on yourself. Don't be to harsh to yourself. Free yourself. Free your mind. And free your heart. Just be be who you are right now. The real you before this tragedy. Ehehehe, so that's the summary of my Poem. I used Tagalog on this one so sorry to my readers from the other part of the world. But i put the english summary of it like the whole meaning. I hope you read in until here so. Thank You! And y'all know that I published article using our mother language every once in a while. But today is extra special because August is our National Language Month, yes in the Philippines. I love my language and to be honest there are Tagalog words that is really beautiful. I mean all of it are it's just that there are more into it. But anyways, I hope you still read every words that I wrote here specially the Tagalog poem. You can just check it's translation tru Google Translate if you want though I am not sure if the result ks 100% accurate. But if you still want it then gooooo. August 05, 2022 --
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
45 comments
Pero nakakabobo minsan mag-Filipino huhu.... Alam mo yun... Pero habang binabasa ko Yung tula kinanta ko sya kanta ba yan π
Hahahaha bat naman kinanta HAHAHA anong background music? Haha
It's okay to be not okay sis. Laban Lang Tayo sa Buhay no choice eh π
Laban lang kahit mahirap no, pushhh
Yesss.. laban Hanggang sa mapuno Tayo Ng sugat at maging manhid nalng.
Ang ganda ng tagalog words mo maamsh. Malalalim
Hahaha yiehhh salamat Uwu
Eyyyy, first comment ko to after a long long time hahahaha. Pero true po ate, may times talaga na kakainin Tayo ng kahinaan natin. Times na ayaw na natin yung di na talaga kayaa. Kahit anomg gawin wala talaga. Pero ang need lang natin ay himinto ng saglit tanggapin na mahirap talaga, magpahinga't kumuha ng lakas. Pag tapos non laban na ulit! Ganda ng tula mo po idol talaga ate Ruffaaa
Yayyy ganyan nga nadale mo hihi. Basta tigil lang saglit. Ihinga ng malalim at kapah okay na bangon ulit
Grabe naman ituu. Kinabog na naman ang lahat ng poem ngayong araw. Nahihirapan akong mag gawa ng poem lalo na kapag tagalog. Haha.
Hahaha kinabo, alin ang kinabog hahaha. Ikaw paba? Naku denden wag kamii haha
First time ko Lang to na kabasa na tagalog post from you, hehe pero ang galing naman, nakaka encourage ang mga positibong mensahe na ito.
Hehehe mejo may ilan na din akong nasulat before. Basta push lang tuloy ang laban
Mga katagang may hatid na pag asa sa ating mga puso na kahit gaano kahirap ang buhay na ating binabaybay sa araw_araw,kailangan nating maging matatag at matapang dahil may pamilya tayong inuuwian,pahinga lang pag napagod tapos tayo ka ulit pag handa ng sumabak muli.
Yes naman, pagsubok lang yan. Talagang maausukat ang katatagan mo jan. Kaya dapat push. Laban kung laban.
Buwan ng wika na pala aba magtatagalog na ako sa bahay kaso wala akong iniirog na mapapagsulatan ng tula hahahah charengg ang kailangan ko talaga ay isang kahon ng kayamanan. π
Hahahaha dito mo isulat at ipabasa mo saming lahat. Ako di need ng kayamanan hahaha
Sumasang ayon ako.. Minsan sa buhay natin makakaramdam tayo ng lumbay at pighati. Nakakadurog ng puso, ngunit dapat pa rin natin isipin na tayo tumayo at lumaban. Dahil ang buhay ay sadyang ganyan, suliranin ay hindi mapigilan.
Dadating at dadating talaga sila ee o. Ready or not, susubukan talaga ang tatag natin. Pero basta pinoy, laban ng yan.
Ang gandaaa lalo ng meaning (ββ’α΄β’β) Tapos napipicture out ko sa utak ko yung mga scenes
Ayiehhhh may paganon, para lang akong naga kwento ehehe
Sometimes those who looks brave and strong outside are the people who had a silent battle inside. They tend to pretend as they don't want to bother people and they don't want to be one of someone's burden. We all have differences, some people can't hide the pain while others can. And it was indeed true that time may come to challenge us. Trials and failure's are part of our lives, and it's up to us of how we gonna faced the situation, we can cry and off course we could stand up after from falling. Anyway ang ganda ng poem, lumalarawan na dapat matuto tayong tumayo, pagkatapos nating madapa. Ps. akala ko part ng buwanang wika pa toπ€£π€£ππ.
Sa totoo lang, lalo sa mga comedian diba. Kagagaling magpatawa pero may iniinda pala deep inside. At taagang tinatago lang nila sa family nila. Goods kapag na solve mag isa. Kaso kapag hindi lalo kang makakaramdam ng depression kapag ganon ee aigooo. Hihi salamat Uwu π₯³ Part ng buwang wika pero di sa pa contest sa kabila π
Nag double check talaga ako Sis kung sayo ba talaga yung na click ko kasi tagalog hahha first time ko lang siguro nabasa na wikang filipino gamit mo:D
Hahaha ehhh, madami dami na din ata akong tagalog na nasulat here haha
Kagaling magtagalog eh, ang hirap din ung purong tagalog.
Hehehe nahasa kababasa ng tagalog pocketbook
Galing mo talaga Ruf Ruf sa Tagalog mehehe! Ikaw na idol ko sa tagalog! :)
Hahaha ngiii, mas magaling so dendenn Uwu. Nakapasa kana ng entry aa buwan ng wika contest?
Baka hindi siguro kasi magdurugo ang aking ilong sa tagalog. Ang aking utak rin ay wala sa mood hahaha
ang mind blown naman neto Ruffaness pero malaman
Hahahaha tingin nong malamannhaha
Todas las personas tenemos nuestras batallas internas, debemos aprender a liberarnos y soltar todo lo que nos hace daΓ±o, hay que aprender de las caidas y levantarnos con mΓ‘s fuerza y positivismos
sΓ, si ya es demasiado entonces llora. πͺ
Di ko alama ate pero ni-rap ko yung tula na dapat ee binabasa lang hahaha. Pero totoo yung mga linyahan ,napagdaanan ko din yung ganyan yung pilit mong itinatago sa sarili ang hirap at hinagpis. π
Hahaha rhyme ba? Hahahaha. Diba, daming mga nakakaranas nyan now lalo mga breadwinner aigooo. Sarili lang din kakampi minsan
On my way to check the translation of that poem.. It looks interesting.. At first I thought the complete write up will be in your language.. I was gonna reply in my language tooππ
Hehehe thats why I also put the small summary hehe.
Thanks for thatππ
Uyyy ang gandaaraa naman ng message ng poemm na nais iparating sa mga mambabasa, is this your entry din ba sa hive contest this August?
Hihi, noooo iba entry ko. Napasa ko na din kahapon hihi. Basahin mo na at paki judge na din ha π€©
Thankyouo for this poem ate! Ang ganda at punong-puno ng aral. Bagay na bagay s aakin na breadwinner hehehhe. Thank you ate! Goodmorning.
Yayyy, salamat π₯³π₯³π₯°
Awwww, same as the other siguro e ni rap ko yung tula , hahaha! Ipasa na kay gloc9 yan bhe tyak may future as composer ! bigyan ng jacket yarrrn! hahaha! Kidding aside there are times i can't hold of myself anymore i just want to be alone para magrecharge. I cried many times letting myself to drown in my tears pero after ko mamundok balik ako to face whatever it is in a much stronger version of me. Saludo! π
Galingggg! ππ» Parang dini-define mo ako, Ate ay. Ganiyang-ganiyan ako whenever I feel so down eh, like malapit nang mag-breakdown dahil sa bigat na nakapasan sa mga balikat ko.