Run free My Ash

55 43
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Ash has been missing for almost a week but I am still hoping that he will come back to us. We have done every possible things that could help us find Ash. Everyday, my husband is walking around the subdivision and look for him. Some would asked us, "May lahi ba yung pusa nyo?" Bakit, kailangan ba may breed ang hayop para mahalin at alagaan? I don't get it, bakit may mga ganoon tao. Sasabihin nila na animal lover sila pero kapag local breed lang or Puspin at Aspin, di nila pinapahalagahan.

So going back to my topic, after days of not seeing Ash, unti-unti ko nang natatanggap na umalis na nga sya at naghanap ng mate nya. But still hoping na babalik pa din sya. And that hope suddenly crashed this afternoon. After taking a bath, I craved for coffee so I went to the nearest store, a few houses away from our house, to buy instant coffee. Habang naglalakad ako, I saw two of my neighbors talking and I overheard them. May nagtapon daw ng patay na hayop sa tapat ng bahay nila, sa mga halaman nya mismo at ang baho na daw kaya pinatapon na nila. Upon hearing that, medyo kinabahan ko kaya lumapit ako sa kanila and asked kung ano yun tunapon nila. She said patay na pusa daw at mabaho na. I asked her kung ano ang kulay and she said may stripes daw. Then sabi nya itanong ko daw doon kay guy kasi yun ang kumuha at nagpatapon. So I hurriedly went to his house and asked him about the color and he said the same thing. So what I did was went home and get my phone para ipakita sa guy yun itsura ni Ash. Then my husband saw me, asked me bakit parang nagmamadali ako. Sabi ko baka si Ash yun nakita nila na patay na at tinapon. Sumama sya sa akin pabalik sa guy. Then nung pinakita ko na picture ni Ash sa kanya, he confirmed na yun nga ang patay na pusa na nakita nila. That moment on, feeling ko nagsisikip ang dibdib ko. Hindi na ako makapagsalita. Tapos nagtanong yun guy kung may breed daw ba yun pusa ko. Si husband na ang sumagot at sabi nya na local breed lang yun pero mahal na mahal namin.

After namin makipag-usap eh umuwi na ako at pagdating sa bahay, hindi ko na napigilan yung emotions ko and I cried like I haven't cried before. Hindi ko matanggap yun nangyari kay Ash.Hindi ko na din nakuha ko katawan nya para man lang sana malibing ng maayos kasi inuuod na daw kaya pinatapon na nya sa mga bata. Basag daw ang ulo ni Ash. Sabi nila baka daw may nanakit kay Ash tapos dun itinapon or doon na nakapagtago si Ash at doon na namatay.

Sobrang sakit sa dibdib, para akong namatayan ng anak. Inalagaan ko, pinakain ng maayos, pinahalagahan, minahal tapos sasaktan lang ng iba. Okay pa sana kung umlais na lang si Ash at naghanap ng mate eh, kahit huwag a sya bumalik, mas matatanggap ko pa yun. Pero yun malaman ko na maaring sinaktan sya at namatay na lang sa hirap na naramdaman nya, hindi ko matanggap. Ang sakit, grabe. Maaaring hindi ninyo ako maintindihan, kasi pusa lang naman yun pero ganito ang nararamdaman ko. Pero ganun ko kamahal ang mga alaga ko.

Run free Ash, mahal na mahal ka ni Mamita. Kaya pala sobrang lambing mo sa akin bago ka nawala. nagpakarga ka at dinidikit mo pa mukha mo sa akin. Wala ng mangungulit sa akin at magpapakarga. Wala nna din sasalubong sa akin kapag galing ako sa labas. Wala ng sasama sa akin kapag bibili ako sa tindahan. Mamimiss kita anak. Pero dyan sa kinalalagyan mo ngayon, marami na foods dyan at wala ng mananakit sayo. Magkikita din tayo balang araw, salubungin mo si Mamita ha. Paalam anak....

--

Date Published: January 18, 2022

17
$ 8.94
$ 8.42 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @LucyStephanie
$ 0.05 from @Ruffa
+ 13
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Comments

Huhuuu bakit kaya namatay? 😭 So sad abt what happened.

$ 0.00
2 years ago

May nanalbahe beh, baka napagtripan kasi ang taba nyan pusa ko na yan eh..

$ 0.00
2 years ago

😭😭😭 Cute cute pa naman...

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh, gang ngayon di ko tlaga matanggap nangyare sa kanya. Yan ang oinakamalambing sa mga alaga ko eh. Tapos aumasama pa yan sa akin sa tindahan..

$ 0.00
2 years ago

Haaay bahala na si Lord sa may sala. Pero masakit tlga pag ganun nangyari sa alaga. đŸ˜Ŗ

$ 0.00
2 years ago

Oo beh lalo na at tinuring ko na parang anak yun.

$ 0.00
2 years ago

halaaaa grabi kawawa namn, may mga tao talagang mas hayop pa sa hayop. Kainis

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga beh eh.. Si karma na bahala sa kanila..

$ 0.00
2 years ago

Naku naman, ang saklap ng ending ng alaga mo lods, ganun talaga, kapag napalapit ng husto sa atin, masakit talaga pag nawala.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh. Matatanggap ko pa un lumayas eh, kaso iba nangyare sa kanya kaya sobrang sakit.

$ 0.00
2 years ago

Masakit talaga ganyan lods, sana madali kang mag heal at makahanap ng bagong alaga na magpapasaya sayo ulit.

$ 0.00
2 years ago

nawala ang isa, lima ang pumalit,hehehe.. Nanganak kasi ulit pusa ko..

$ 0.00
2 years ago

Ohhh i am so sorry to hear this sis.. napakasalbahi naman ng gumawa neto...

$ 0.00
2 years ago

Oo sis, may mga tao talaga na mapanakit sa hayop..

$ 0.00
2 years ago

I can't understand 90% of what you have said here but I do hope you find him. 😁

$ 0.00
2 years ago

My cat went missing a week ago and then we found him dead yesterday. It looks like someone hurt him and dumped him. His head was crushed.

$ 0.05
2 years ago

OH NO!!!! Dammit.

$ 0.00
2 years ago

I am still in mourning state now. I cannot accept that he died in vain.

$ 0.00
2 years ago

Yeah. I completely understand. It's one thing if they go naturally. But this way? Very sad.

$ 0.00
2 years ago

I just let Karma do the work.

$ 0.00
2 years ago

sorry for your lost madam..

$ 0.00
2 years ago

Salamat madam.

$ 0.00
2 years ago

you're welcome madam...

$ 0.00
2 years ago

Noooooooooo 😭😭 I thought may pag asa pa pero bat nsman ganon. Bat kailangan na patayin di ba pwdng habugin nalang if ever man naiingayan or what bakot ganon. Bakit ang daming masama sa mundo. Si blonde namin di pa rin umuuwi pero I'm still hoping 😭😭. Sorey to hear this madams makakarma ang gumawa nyan sa kanya maging ipis sana yan at mapatay sana sya ng tsanilas 😤😤😤😭😭

$ 0.00
2 years ago

Sobrang skit madam.. Sana di na ang ako bumili ng kape kanina at di ko malaman. Mas okay na yun manatili sa iaip ko na naglayas lang si Ash eh... Maging ipis nga sana ang pumatay sa kanya at mapatay ng tsanilas😭😭😭

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit noon, ang sama ng gumawa bakit 😭. Sana nga madams if sakin kahit wag nalang din malaman na ganyan ang sakit sa puso nyaan đŸĨē

$ 0.00
2 years ago

Ateeeee why are you making me cry? 😭 As in, tumulo luha ko kaya pasok ako bigla sa kwarto namin. I can feel your pain kasi nga di'ba may nanakit din kay AB. Siguro kung di namin nalaman 'yung nangyari sa kaniya baka pinatay na din s'ya. I feel you talaga lalo na 'dun sa part na baka sinaktan pa s'ya kasi nga basag 'yung ulo. Mas okay pa kung nasagaan or what eh pero 'yung possiblity na may nanakit sa kaniya intentionally? Ang hirap tanggapin at nakakagalit talaga. Saka kaasar 'yung tanong na kung may breed daw ba. Kaumay ganitong pag-iisip ay.

$ 0.00
2 years ago

May ganyan talagang tao, na para bang kukutyain ka pa dahil masyado ka nag aalaa eh puspin lang nman. Nakakalungkot lang isipin na nahirapan si Ash bago namatay. Mugtung mugto na mata ko kakaiyak eh.

$ 0.00
2 years ago

Kahit talaga hindi tao yung mawawala sa atin pag sobrang pinapahagalahan at mahal natin yum sobra parin talaga yumg sakit kahit pa bagay payan basta may halaga sa atin malulungkot talaga tayo, yun pa kaya na pusa may buhay at mahal na alaga natin masasaktan talaga tayo.

Basta lalaki na pusa aalis talaga yan ng bahay maghahanap kasi yan ng babae, baka umalis yun tapos napagtripan o di kayay naghuli yun na nanghalungkat ng pagkain.

$ 0.00
2 years ago

Pero sana binugaw na lang nila di ba. Mga walang konsensya na klase ng tao, makakarma din sila sa ginawa nila.

$ 0.00
2 years ago

Tama sana binugaw nlang keysa patayin kasi may buhay din yung pinatay nila.

$ 0.00
2 years ago

May mga asal hayop kaso na tao eh..

$ 0.00
2 years ago

Sobrang nakakalungkot nito ate Chuchay. Nasasaktan din ako sa nangyari kay Ash. Bakit kaya sya namatay? Ano kaya ikinamatay niya? Huhu

$ 0.00
2 years ago

Siguradong di sya namatay sa sakit beh kasi malusog yun. Baka napagtripan or nasagasaan tapos tinapon na lang sa tabi.

$ 0.00
2 years ago

This is so heartbreaking, madam. Nagsakit akong dughan while reading 💔 confirmed talaga na si Ash yon? May blue collar ba? What they did was animal cruelty, for God's sake!

$ 0.00
2 years ago

Oo madam, kinonfirm nun nakakita. Kung malaman ko lang sana kung sino gumawa nun sa kanya, kakasuhan ko talaga madam kahit saan pa kami mag abot. Gasakit jud akong dughan kung makita ko picture ni Ash. Sige na kug hilak dre.

$ 0.00
2 years ago

I'm sorry for your loss sis..napakawalang puso naman ng nanakit sa pusa mo..huhu..di talaga maiaalis sa mu do ang mga brutal na tao. Kahit nananahimik na mga hayop eh pinagdidiskitahan

$ 0.00
2 years ago

Karma na lang ang bahala sa kanila sis.

$ 0.00
2 years ago

Truth sis..hay naku nakakagalit sila

$ 0.00
2 years ago

Bahala na ang karma sa kanila sis.

$ 0.00
2 years ago

Ate huhuhu 😭 Naluha na ako! Grabe yung ibang tao! Mas hayop pa sila sa hayop! 😭

$ 0.00
2 years ago

The exact word na sinabi ni Mama when we found out what happened to AB. Na mas masahol pa sa hayop gumawa 'nun. True naman kasi eh. Walang matinong tao na gagawa 'nun.

$ 0.00
2 years ago

Kumusta na si Ab ngayon beh..

$ 0.00
2 years ago

What happened to AB? đŸĨē

$ 0.00
2 years ago

Daat sa kanila eh maranasan un ginagawa nila sa hayop. Ang sakit beh, nakakadurog ng puso.

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit sis! Sending you my hugs. 😭😭 Si byte namin nahanap na kanina. Sige lang sis, kung sin-o man nagsakit sa iya magabaan lang gyapon na. Kalain gid tana ah.

$ 0.00
2 years ago

Kalain gd sa pamatyagan ko sis. Daw nadulaan ako sang puya...

$ 0.00
2 years ago

Ateeeeee nadurof ung puso ko dito.... Run free Ash!!! may sinabi ba ung nakakita kung bakit daw namatay ung pusa? or nakita nila patay na talaga?

Naalala mo ba ate ung sinabi ko sayo days ago, ang pusa kapag malapit na siya eh aalis na sya sa owner nya at gugustuhin niya sa ibang place mamatay. Siguro ganun nangyare ate, ayaw na ni Ash na makita mo na nanghihina na siya kaya kusa na siya umalis.

Kamuka niya ung Artemis namin ng partner ko kaya medyo na luha ako dito sa post mo ate, di ko kaya mawalan ng pusa. nakakadurog.

$ 0.01
2 years ago

Un nakakita s kanya beh ang sabi durog daw un ulo pero buo pa yun katawan. Kung sa sakit lang yin namatay sana di un ulo lang ang durog. Ang sakit talaga beh, di ko matanggap na ganun sya nawala sa amin.

$ 0.00
2 years ago

Tsk tsk bakit nagka ganun. Malamang napag initan ata ate. Jusko, karma na lang sa gumawa sakanya non.

$ 0.00
2 years ago

Siguro napagtripan beh kasi ang taba nun eh. Saka hindi sya mailap sa tao.

$ 0.00
2 years ago

Tsk tsk bakit naman sya pag ti tripan 😭😭 nakakalungkot. Pero ate pray na lang na wag maulit sa ibang pusa mo. Mas okay pa nawala sila sa sakit pero wag naman dahil sa cruelty ng tao.

$ 0.00
2 years ago

Kaya talaga ate ayoko na mag alaga ng pusa or aso kasi alam ko pag nawala sila masasaktan ako. Ayaw ko maattach. ☚ī¸ Tas ngayon may maliit kami na bagong pusa sa bahay. First time namin mag aalaga. Sana magtagal siya sa amin. 🙏

Run free Ash!

$ 0.01
2 years ago

Alagaan at mahalin mo sya beh...

$ 0.00
2 years ago

Yes po ate. I will. 🤗

$ 0.00
2 years ago