Kung may "Coffee is life", for me "Bread is lifer"!
A very hot afternoon to all of you guys! Grabe ang init ng panahon these days, may gigil factor si haring araw eh kaya parang summer feels lang. Anyways, isa na namang eme emeng article to, char! Pero in fairness, pinag-isipan ko din to ng bongga.
So let's talk about bread or tinapay. Simula bata pa ako eh mahilig na talaga ako sa tinapay. Hindi makukumpleto ang araw ko kapag walang tinapay. Sino ba naman ang hihindi kapag gutom ka na di ba?
Lumaki kasi ako sa mahirap na pamilya. Mekaniko ang Papa ko at sa bahay lang ang mama ko para magbantay sa aming 3 magkakapatid. Tipikal na buhay ng isang pamilya na nakatira sa probinsya.
Every morning, ang almusal namin noon is kape na bigas. Di ko sure if familiar kayo sa ganun, sinasangag muna un bigas hanggang sa umitim tapos un na ang pakukuluan and instant kape na sya. In fairness eh masarap naman. Kapares nang kape na bigas eh pandesal na tig piso ang isa. Hay naku that time eh heaven na sa amin yun. Bihira lang kasi kami noon makatikim ng tinapay dahil sa hirap ng buhay. Madalas sa umaga eh kape lang talaga tapos bahaw na kanin. Sinasabaw namin yung kape sa kanin.
Then nagkwekwentuhan kami magkakapatid, about sa mga pangarap namin. Ang pinakatumatak sa utak ko noon eh yun mga pangarap namin na kapag lumaki na kami at may magandang trabaho eh kakainin namin lahat ng klase ng tinapay, hahahaha!
Wait, switch tayo ng topic at nagiging pang MMK na naman ang tema, baka maiyak kayo sa pagbabasa, char!
The Katol Bread
Isa to sa pinakaborito kong tinapay. Honestly, ngayon ko lang nalaman na katol bread pala ang tawag dito. Well obviously, dahil sa design nya. I was 8 yata nun una akong makakain nito. Binigay sa akin ng kaklase ko, na eventually kapitbahay din namin. Pero di naman talaga magkalapit yun house. Naglalaro kami noon ng "dampa", ewan ko kung familiar kayo doon. Yun goma na patatalunin gamit ang kamay. So back to the story, mga kalaro ko noon eh puro lalaki. Then lumapit yun kaklase ko, at inabutan nya ako ng tinapay. Ako dahil busy kakalaro eh bigla ko na lang sinubo un tinapay.
"Krakk! Sa unang kagat, ngipin ko'y nag-crack! "😂
Grabe mga teh, tanggal yun ngipin ko sa unahan. Akala ko nga 2 ngipin ang natanggal sa sobrang tigas eh. Ang ending eh umuwe akong duguan. Tapos napalo pa ng mama ko. Bakit nga kaya ganun ano, nasaktan ka na papaluin ka pa, hahahaha!
Closing Thoughts
Kapag lumaki ka sa hirap, kahit ang pinakamaliit na bagay eh bibigyan mo ng importansya. Dahil alam mo ang feeling na maging salat sa bagay na yun. Like yun sa pangarap namin noon ng mga kapatid ko, na kapag lumaki kami eh kakainin namin or titikman lahat ng tinapay sa buong mundo. Nakakatuwa man kung isipin pero ngayon ko narealize na ganun kami kasalat noon, na kahit simpleng tinapay lang sa karamihan pero para sa amin eh isa ng pangarap na mahirap abutin that time.
Di ko alam bakit eto naging topic ko eh. Pero habang nagmemerienda ako kanina at ninanamnam ang bawat pagkagat sa tinapay eh naisipan kong gawing topic to sa article ko. Kaya sana mapagtyagaan nyo na lang, hahaha!
All photos are from Google
Date Published: November 22, 2021
Ngayon ko lang nalaman na katol bread pala yan haha tawag kasi namin basta "gahion na biscuit" very relate ako sa sinangag na kape sa mais ganyan din ginagawa namin nuon para may kape lang na ipares sa bahaw. Ang saya na pag makakain ng tinapay pag pupunta sina mama at papa sa siyudad lagi talagang pabilin ang bumili ng tinapay. Umiyak pa ako pag di sila bumili ng tinapay haha.