Another eme eme article from yours truly! Pasensya na kayo guys, this will be purely tagalog. Ayaw magfunction ng mga brain cells ko today. Kaya medyo comedy muna tayo ngayon with a dash of kadramahan sa life and a tablespoon of chismis, hahaha!
Mare, may chika ako sayo!
Naku, etong mga ganitong linyahan talaga ang mahirap iresist. Kahit di mo nan kamag-anak si Marites eh di maiwasan mapachismis. Oh, aminin, wag magdeny, ganito din kayo, hahaha!
So, naisipan ko magpamanicure sa friend ko. Sya kasi talaga yun nagseservice sa halos buong neighborhood. Kaya halos alam nya lahat ng galawan sa buong barangay namin. Ako kasi eh dayo lang naman talaga sa barangay na to. Kahit pa sabihin na halos sampung taon na kami na nakatira dito eh di ko pa din halos kilala ang mga taga dito. Hindi kasi ako mahilig tumambay sa labas. Mas bet ko ang mag stay sa house lang.
So habang nag-uumpisa na sya sa pagkuskos ng kuko kong cute, char, nagsimula na din ang bibig nya s pagdaldal.
"Nang, kilala mo ba si A? "
"Hindi eh, sino ba yun?"
"Yun nagtitinda ng ice cream"
"Hindi ko sya talaga kilala"
"Kasi Nang, alam mo, yun anak nya eh nagpapabooking na. "
"Anong booking? "
"Yung nagpapapik up sa lalaki, eh ang bata bata pa noon. 16 years old lang. Tapos yun nanay eh dedma lang kasi ganun din ang trabaho eh. Kaya si A eh parang wala na lang din. Kasi wala naman sila makain kung di gagawin un ng pamilya nya. "
So ako, habang nakikinig eh, naamaze sa kanya. Kung paano nya yun nalaman lahat. Tapos ako eh, tatango tango na lang. Kasi di ko naman din kilala ang kinukwento nya at kahit pa siguro kilala ko eh di ko naman pwede husgahan sila. I don't know the real story behind it.
So para maiba ang usapan, sinabi ko sa kanya na join na sya sa noise.cash. actually willing nan sya kasi dati ko pa sinasabi sa kanya yun. Pero ang problema eh ang phone nya. Full storage na at ayaw ko naman pakialaman at baka masira pa. Kaya ang sabi ko sa kanya eh ayusin nya muna phone nya at tuturuan ko sya kung paano kumita ng pera.
Ang point ko lang dito is kahit ayaw mo ng chismis eh makakasagap ka pa din ng chicmis, hahaha! At kapag naumpisahan na eh tuloy tuloy na sya talaga. So after ng mahabang chismisan eh eto na ang kinalabasan ng kuko ko.
I love the color, green. Siempre kakulay ng bitcoin cash natin. Feeling ko eh gumanda ako ng mga 45% dahil sa kuko ko, hahaha!
Okay naman sa asawa ko ng mga ganitong luho ko. Minsan pa nga eh sya mismo ang nagsasabi na magpamanicure na ako. Sa ganyan man lang daw eh gumanda ako, hayerp! Hahaha! Ganyan lang talaga mang-asar yan asawa ko, pero lablab ako nyan. Naku dapat lang kung ayaw nya maging tigang, tigang sa pagmamahal, char! Hahaha!
So hanggang dito na lang ang aking kabuangan. Good vibes lang muna tayo ngayon at iwas sa kadramahan at baka maagang masundo ni kamatayan, hahahaha!
THANK YOU FOR READING! ❤❤❤
I love the nails madam. So pretty. Hehe