Hello Partyline
Another sizzling hot weather here in Roxas City Capiz. I am drenched in sweat while I am typing as of this moment. Oh okay, I exaggerated a little, just a few sweats there is, lol! Anyway, I shouldn't be posting an article for today because nothing comes to my mind about what to write. But after reading @Micontingsabit's article Lover's Day, I was instantly brought back from those crazy antics that I had in my younger days, lol! I had so much fun reading her article especially when she mentioned the word EB (80s 90s babies hands up!) Look how happy I was even when I left a comment.
Can you feel the excitement? Hahaha! I love how they manage to have a simple date even though they were apart from each other!
And now, let's go to what my topic is. This will be taglish from this moment on. I feel like I could deliver it more fun if I use Taglish, hahaha!
I was 15 years old when this happened. Uso sa amin dati ang EB or eyeball, tawag namin kapag nakipagmeet sa katextmate or callmate. Ewan ko lang if may nakakaalam sa inyo, yung partyline na tinatawag. May nakakaalam ba? Anyway, sa Tita ko ako nakatira at that time, third year high school ako and since malapit ang bahay ng Tita ko sa school namin, doon na ako nagstay para makatipid. It was November, nagpakabit ng telephone line ang Tita ko kasi need nya sa work nya. Medyo di pa uso ang cellphone noon or kung meron man eh only the rich can afford. Every weekend, kami lang ng mga pinsan ko na puro pa maliliit so ang ginagawa ko eh telebabad talaga. Then one of the barkada told me na try ko daw ang partyline. I forgot how it exactly works pero basta may idadial ka lang na number then may maririnig ka na iba-ibang boses, ang iba eh nagbibigay ng number pero yung iba naman eh nanggugulo lang like sigawan and such. Nag-observe muna ako at first pero dahil nga sa nacurious ako, binigay ko yung number ko sa partyline.
And dahil doon eh nakurot ako sa singit ng Tita ko, hahaha! Jusko ba naman kasi, di na natahimik yun linya namin. Kapag nasa work kasi sya eh tumatawag yun sya sa bahay to check on us kaso lagi daw busy, hahaha! Ang dami tumatawag sa akin, may iba pa na parang lolo na ang boses. Pero wala naman ako naencounter na bastos, more on chika chika lang talaga.
And then one time, may tumawag, he's name was Jose. Medyo sanay na ako na may tumatawag kasi nga dahil na din sa kagagahan ko, lol! So ayun, sabi nya sa akin eh matagal na da nya nakuha yun number sa partyline kaso di sya makatyempo ng tawag dahil daw lagi busy ang line at ayaw naman daw nya tumawag kapag gabi kasi baka daw makaistorbo sya. He sounded mabait naman kaya inentertain ko sya and naging constant caller na. Like everyday after school eh tumatawag sya. Kapag tinatanong ako ng Tita ko eh sinasabi ko na classmate ko, ayoko kasi makurot sa singit ulit noh. Akala ko talaga that time kaedad ko lang sya, hindi ko kasi tinatanong kung ilang taon na sya and ganun din sya sa akin. So noong nagkatanungan na ng NASL, hahaha! ang awkard na ng feeling ko kasi 20 na pala sya. 5 years older sya sa akin. Kahit sya nagulat din kasi akala nya college student na ako, ang laki daw kasi ng boses ko, hahaha!
But after that, naging constant caller ko pa din sya. Halos gabi gabi talaga kami nag-uusap. Ako naman kasi more on tropa tropa lang talaga kasi nga nasa isip ko noon eh ang tanda nya for me. Then after 1 month, bigla sya nagsabi na kung pwede daw ba kami mag EB or eyeball. At first eh di ako pumayag kasi natakot ako, pero etong mga barkada ko eh naconvince ako na pumayag para daw magkaalaman na ng fez, haha!
So napagkasunduan namin sa Ali Mall magkita, sa Cubao. Sabi ko sa kanya na nakauniform ako kasi di ako pumasok that time para lang makipag EB sa kanya. Kasama ko din yung mga barkada ko pero ako lang yun nakauniform para malaman nya kung sino ako. Usapan namin eh 2 p.m. kasi medyo malayo pa yun Taytay sa Cubao, tapos sya eh taga Cubao lang.
Pagdating namin doon eh almost 2 pm na, grabe na yung kaba ko that time. Sabi ko kasi baka di sya magandahan sa akin, hahaha! Tapos sabi ng mga friends ko eh ano naman ngayon, jowa ka ba, hahaha!
Usapan namin eh sa food court magkikita, so kami habang naghintay eh kain kain muna. Pero dumating ang 2, still no sign of him. Usapan kasi eh iapproach nya na lang ako kasi total naman ako lang naka uni that time. Pagdating ng 3 pm wala pa din sya so tinawagan ko na ulit and sabi ng Mama nya eh umalis daw. So ako that time eh gusto na alagang umuwe as in. Gigil ako eh, hahaha! Paghintayin ba naman ang ganda ko, hahaha! Pero sabi ko sa mga kasama ko eh sige, wait pa kmi ng isang oras pa. Since sabi ko naman sa tita ko eh papasok ako, baka magtaka na maaga ako umuwe, 8pm kasi tapos ng klase ko.
Mga 30 minutes after I made that call, may natanaw ako sa di kalayuan, charooot, hahaha! Actually sinasight sight ko na din sya kasi in fairness ang tangkad nya. Tapos sya panay din ang tigin doon sa side namin. Tapos binulungan ko mga friends ko na may cute doon, hahaha! Maya maya, eto na, lumapit na si cute, hahaha! Pero that time, feeling ko eh sya si Jose, pero di ko lang talaga sure kasi naman ang shunga ko na di tanungin kung ano suot nya. Nakashort lang sya na maong ang black short sleeve na shirt then rubber shoes na white.
Paglapit nya pa lang, sabi nya agad eh, "Melinda?" Ay mga teh, di na ako nakasagot, nakatunganga na lang ako sa kanya, hahaha! Then yung mga friends ko eh tinanong kung sya ba si Jose, and the he said Yes kaya pinaupo na sa tabi ko, hahaha! DAhil sa nahimasmasan na ako, kunyare eh galit galitan, hahaha! Sabi ko sa kanya bakit di sya agad lumapit sa amin, nahiya daw sya kasi para daw ang nene pa namin tingnan, haha! Medyo matured na kasi itsura nya, siguro dahil sa medyo maskuldo sya, moreno din at naka army cut. Akala ko nga noong una eh sundalo sya eh, hahaha!
Cute sya pero di ko sya feel, hahaha! Alam mo yun pang tropa lang talaga sya. So after namin magkakilala eh puro kain na ang ginawa namin. In fairness sa kanya eh galante sya and gentleman din. Never sya nag take advantage sa amin kahit yung dalawa kong kasama eh mga talipandas, hahaha! So mga around 6 pm eh nagyaya na ako umuwe, hinatid nya kami sa may sakayan ng jeep then sabi nya sa akin eh tawag daw ako pagdating na pagdating ko, oh di ba ang sweet, hahaha!
Medyo late na kami nakauwi that time, mga 8:30 yata dahil sa sobrang traffic. Sinalubong agad ako ng Tita ko ng pagbubunganga, hahaha! Kurdapya ang tawag nya sa akin eh kapag galit sya, hahaha! May panay daw kasi ang tawag at hinahanap ako at sobrang kulit daw. So tinawagan ko naman sya after, sabi ko eh late nakauwe kasi nga traffic. Nag worry lang daw sya kasi nga gabi na. Nag usap kami ng halos isang oras ulit ng wala naman talagang pinag usapan, hahaha! Wala naman sya sinabi na gusto nya ako at di ko naman sinabi na gusto ko sya pero alam mo yung komportable kami kapag magkausap.
Nagkita ulit kami once pero hindi na sa Cubao, masyado na kasi malayo yun for me and gusto nya eh kaming dalawa lang. Sa Sta. Lucia lang kami nagkita and nanood kami ng sine then kain kain ganurn! Naputol lang communication namin noong time na pinaputol ng Tita ko yun linya ng telepono namin, hahahaha! Wala na daw kasi ako ginawa kundi magtelebabad. Medyo magastos din kapag gagamit ng payphone so dun talaga, nawala communication namin tapos siempre nabusy na din ako sa school at ibang crush ko that time, hahaha! Di ko din kasi talaga sya feel maging jowa, more on kuya lang turing ko sa kanya. And sya, di naman din nya sinabi na gusto nya ako, so di ko talaga alam if anong meron kami. Pero in fairness kay Jose, mabait sya talaga. kahit noong nagkita kami na kaming dalawa lang, napakagentleman nya at panay paalala nya sa akin na mag ingat sa mga boys na mapanamantala. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya.
Naalala ko lang talaga to after ko mabasa yun article ni Micontingsabit, hahaha! At my age, masasabi ko talaga na napakaadventurous ko dati. Yun bang walang takot na makipagsapalaran, charot! Sabagay, iba naman kasi ang generation namin noon. Kahit na umagahin ka sa daan eh walang mangyayari sayo. Unlike ngayon na puro rape ang mga nangyayari. Kaya feeling safe na safe talaga.
So that's it guys!Sana di kayo nabore sa pagbabasa dahil sa kahabaan, hehehe. Ang sarap lang talaga magkwento ng ganitong mga bagay bagay sa buhay. Masarap alalahanin, hehehe!
AS ALWAYS, THANK YOU FOR READING!
--
Date Published: February 17, 2022
Alam mo ate feeling ko ang amazing ng kabataan mo. even tho mahigpit sila tita mo feeling ko naman eh na enjoy mo pa din ung teenage years. grabe ako takot ako umalis dito sa bahay noon. college na ko di ko pa alam gaano mga pinupuntahan ko wahahah.