I had my 4th session of my drip medication today. It was raining hard kanina kaya we decided na magtricycle ako while husband was nakamotor na susunod sa akin. After nya ako maihatid sa clinic ni doctor eh pumunta sya sa malapit na remittance center para kunin yun cashout ko na $100 na gagamitin ko for my today's medication. The last money in my wallet.
Pagdating ko sa clinic eh may mga nauna ng pasyente sa akin. Then the nurse assisted me, she took my weight and my bp. Yun weight ko eh di pa din nadagdagan, 71kg pa din. My bp is normal so she told me to wait for my turn. I didn't get nervous kanina kahit na wala si husband sa tabi ko. So my turn came, pero wala pa din si husband. Sabi ko kay doc kung pwede sa kabilang kamay naman nya itusok yun syringe for the IV kasi masakit pa din yun kamay na laging tinuturukan.
So ang siste eh, maliit daw yun nerves ng kanang kamay ko. Naka 3 tusok din sya ng karayom sa kamay ko bago nahanap yun ugat. Tapos may time pa na habang nakatusok yun karayom eh hinahagilap pa nya sa loob yun ugat using the syringe. Imagine kung gano kasakit yun.
Dumating si husband nun nilalagay na ni doc yun gamot sa IV. He asked me if I'm okay, sabi ko oo pero ang sakit. Sobrang sakit nun gamot kanina sa kamay ko. Napaluha talaga ako. Kaya sabi ko kay doc dun na lang ulit sa dating kamay bukas itusok yun gamot, kasi di masyado masakit kapag doon.
After na maiturok lahat ng gamot eh nahilo ako kaya pinagpahinga muna ako ni doc. Habang nagpapahinga ako eh nagbayad si husband at bumili ng gamot. Then sabi ko bilihan nya ako ulit ng prutas kaya nakapagpahinga ako ng husto bago kami umuwe.
Almost 5 thousand pesos na naman. Araw-araw ganyan ang ginagastos ko sa gamutan. Minsan binibiro ko na si husband na wag na lang ako gamutin, tutal lahat naman eh namamatay, mauuna nga lang ako. Sabi nya eh di nawalan naman daw sya ng magandang asawa, hahaha!
Sa ngayon eh pinoproblema na naman namin yun gamutan ko sa mga darating na araw. Yun motor namin eh may bibili na sana kaso binabarat naman, gusto bilhin ng 10k eh bago lang to at di pa nabubuksan ang makina. Yun stepfather ko naman is nagbenta ng maliit nyang lupa sa Leyte, kaso wala pa din buyer.
At isa pa na kinakalungkot ko eh yun mga bayaw at hipag ko, mga mayayaman yun pero di man lang naalalang tumulong or mag abot man lang ng tulong. I mean di naman sila obligado pero kayo nga na di ako kilala ng personal at di kaanoano eh handang tumulong sa akin di ba? Pero ganun siguro talaga ang life. Makilala mo talaga yun totoong nagmamalasakit sayo kapag oras ng kagipitan.
Anyways, masyado na naging madrama to, kaya tatapusin ko na.
Muli ay nagpapasalamat ako sa walang sawang pagtulong ninyo sa akin. Sana ay makabawi man lang ako sa mga kabaitan na pinakita nyo sa akin.
Thank you so much from the bottom of my heart! ❤❤❤
Date Published: October 4, 2021
Ganon talaga tao sis, wala ka magagawa kung ayaw nila.. haay. Sana gumaling ka na sis.