Ang Love Story ng Langaw at ng Agta (Chapter 3)

46 70
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Hey guys! I thought this would be the last chapter of my short novel pero as andami pang ideas of scene na pumapasok sa isip ko kaya meron pa itong kasunod bukas! Kaya abangan ulit. Sana magustuhan nyo ang Chapter 3. Sa mga di pa nakakabasa ng chapter 1 and chapter 2, I will leave the links below. HAPPY READING!

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 1

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 2

Chapter 3

Habang kumakain sila ay di maalis ni Shiela ang tingin nya kay Henry. Naconfused sya ng slight sa sinabi nito pero nung tinanong nya naman eh ngumiti lang.

"Ano kaya ibig sabihin ng Langaw na to? Wait a minute, is he a stalker? Pero hindi eh, jusko kung ganito kagwapong stalker eh imposibleng di ko mapansin agad."

"Henry, ano ba kasi ibig mo sabihin ha? "

"Mamaya ko na sasabihin sayo at malilate na tayo. "

Oh my god, ibig sabihin ba ay masusundan ang aming pagtatagpo?! Enebe keshe..

Habang pabalik kami ng school eh madami ang nakatingin sa amin. As usual, mga girls na haliparot. Pero dedma lang ako at tuloy tuloy ang lakad habang kasabay ko si Henry my labs. (ayieee, feelingera)

"Sino ba yan, girlfriend nya? Ang itim naman. Kapal ng mukha magdidikit kay Henry.

Gaga, walang gf si Henry, classmate nila yan. Saka as if naman papatulan ni Henry yan noh! "

Mga malanding to, kala mo naman eh kagaganda. Mas flawless pa gilagid ko sa inyo eh. Tse!

Since di naman ito "Ang klase nila Langaw at Agta", wala na tayo scene na nagkaklase sila. So fast forward tayo sa uwian. 

Oras ng uwian ay nagmamadali ako na pumuntang sakayan. Kailangan ko pa kasi daanan ang bayad ni Aling Maritess sa leche flan. Habang nag-aabang ako ng jeep ay may biglang anghel na lumitaw sa akin harapan.

"Oh Henry, bakit?"

"Pwede ba tayo mag-usap, in private?"

Oh my god, ano ibig sabihin nyang private? Eto na ba ang time ng pagdilig sa aking plawer? Wait di ako prepared! Hinila nya ako papunta sa kung saan. Hindi ako kaladkarin pero kung eto naman ang kakaladkad sa akin eh magiging choosy pa ba ako, eh ang yummy nito, char!

Pumasok kami sa malamig na lugar na puro salamin.(Oh huwag masyado, malisyoso, sa Jollibee kami pumasok, hindi sa SOGO).

"Ano pala sasabihin mo sa akin bukod sa mahal mo ko, char!"

"Palabiro ka talaga Shiela, you're the same old Shiela that I knew."

"Wait, ayan ka na naman sa mga ganyang linya eh, ano ba ibig mo sabihin dyan ha?"

"Matagal na kitang kilala Shiela. Sa dating school pa lang natin."

"Wait, ibig sabihin galing ka din sa APHS?"

"Oo, doon pa lang crush na kita."

ANO DAW?!!Wait bigla ako nabingi!!

"Ano ulit ng sinabi mo?" Crush mo ko noon pa?" Niloloko mo ba ako?"

Okay ba linyahan ko mga teh?Pero deep inside nagwawala na mga atay, bituka at balunbalunan ko sa kilig!

"Totoo Shiela, di kita niloloko. Noon pa lang eh gusto na kita.Una kitang nakita noong may play sa school natin. Ang role mo noon ay bungangerang asawa. May suot ka pa ngang rollers sa buhok noon eh."

Sa lahat naman ng play na sinalihan ko eh doon nya pa talaga ako nakita sa role na yun, kaloka.

"Simula noon eh lagi na kita tinitingnan. Nahiya kasi ako lumapit sayo dahil baka di mo ko pansinin. Nasa lowest section kasi ako eh."

"Hello? Bakit naman di kita papansisnin eh sa gwapo mong yan. Kung noon pa sana eh nakipagkilala ka na sa akin eh matagal na sana nagkabasagan."

"Anong babasagin?"

"Ah wala, kako sana matagal na tayo naging magkaibigan."

Masaya natapos ang aming pag-uusap. Mas lalo na ako, feeling ko eh nasa cloud 9 ako eh. Imagine, yun crush ko ay may lihim na pagtingin sa akin. Ang haba ng hair ko mga teh!

Umuwi na din ako kaagad pagkatapos naming mag kainan....ng Jollibee ha, kung anu-ano naiisip nyo talaga. Pagdating ko ng bahay ay napagalitan ako ni Mrs. Dimagiba. Nakalimutan ko kasi daanan yung bayad ni ALing Maritess pero okay lang. Ngayon pa na nalaman ko na love din ako ni Henry my labs.

Oh my gosh, totoo ba talaga yun sinabi nya? What if ginugoodtime nya lang ako?What if di pala totoo? What if, hay naku tama na nga kaka what if.

Kinabukasan....

Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba

"Shiela dalian mo naman sa banyo. Taeng tae na ako eh!" Bilisan mo na!!!!"

"Sandali lang kuya, panira ka naman ng concert eh!"

"Bilisan mo na dyan kundi wawasakin ko tong pintuan!!"

"Eto na, lalabas na!"

Hay, ganito ba talaga ang feeling kapag inlove? Lahat ng bagay ay gumaganda, kahit yun kuya ko na mukhang kapre ay nagmukhang prinsipe sa paningin ko eh.

Pagkatapos ko magbihis ay pumasok na ako. Hindi na ako nag-almusal kasi excited ako na makita si Henry my labs. Todo effort sa pagpaganda, yun uniform ko eh inalmirol ko pa. Plantsadong- plantsado, yun tipong kaya tumayo mag-isa. Pati ang shoes, ay iba. Kung dati eh pwede sulatan dahil sa alikabok, ngayon eh kumikintab sa kinang. Dapat lang, 2 sachet ba naman ng kiwi ang ginamit ko dyan.

Papasok pa lang ako ng gate eh nakita ko na si Henry. My gosh, ang gwapo nya talaga mga teh. Pero siempre chill lang tayo. Dapat di atat na magpapapak,hahahahha!

to be continued.....

Author's Note

I hope na nagustuhan nyo ang chapter na ito. Effort na effort tlaga ako sa pagpapakikay ng character ni Shiela,hahahaha! Thank you readers!

Images source:Β http://www.tumblr.com

Date Published: August 29, 2021

21
$ 11.63
$ 10.59 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Jane
$ 0.10 from @Ruffa
+ 14
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Comments

sobrang natutuwa ako sa kakabasa may chapter 4 naba? Hahaha nagmamadali Yung kanta nakaka LSS din. Ganito2 noon eh. Hehehe

$ 0.00
2 years ago

Korek sis, nakakarelate ka ba, hehehe...

$ 0.00
2 years ago

Hahaha...Sis malapit kong nahulaan hindi pala sila classmate, schoolmate. I am so excited to read the chapter 4.

$ 0.00
2 years ago

Namiss ko yung feeling na may crush tapos lahat ng nasa paligid mo ay gumaganda πŸ˜‚ Ang kulit ng girl, naiimagine ko si Ruffa sa mga segway niya hahahaha

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Kahit si ruffa eh najisip nya daw srili nya habang binabasa nya toπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Pakipot todamax danay, HAHAHAHA nami story ya nang 😍.

$ 0.01
2 years ago

Korek, hahahahah.. Baw daw di na ko kabalo pano sugpunan hahahaha

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA kaya mona nang di lang pag preasura imo self hehe. ❀️

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, thank you..

$ 0.00
2 years ago

Basagan? Kainan? Ay sauce! lol :D

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha, magkakabasagan ng pinggan kapag kumain dahil nadulas sa sauceπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Pumasok kami sa malamig na lugar na puro salamin.(Oh huwag masyado, malisyoso, sa Jollibee kami pumasok, hindi sa SOGO) tawang tawa ko dito HHhaha.. So true parang sa movies ganun na ganun ang nakikita at feeling ng inlove... Kilig❀️

$ 0.01
2 years ago

Hhhaa, hi sis! Buti nahagilap mo ko dito..

Yes tamang kilig lang ang ganyang feels, heheh

$ 0.00
2 years ago

Trueness hhahhaha

$ 0.00
2 years ago

iba talaga feeling pag na crush back ka nang crush mo eh....wweeeeeeeeeeee sanaol

$ 0.00
2 years ago

Ay oo madams, nakakahaba ng hairπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Wahahahahayop sa basagan ampt wahahaha. Aba'y feeling ko talaga ako to wahahaha. Gusto ko na din mapa warak ee wahahahahaha. Ang dami ko na namang tawa dito madam. Kinikilig ako pero mas lamang tawa wahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, bakit parang ikaw nga naiisip ko habang ginagawa ko to,hahahaha. More tawa sa mag susubnod madams!thank you!

$ 0.00
2 years ago

Ahahahaha, naku ako talaga ang model nito for sure ahaha asahan namin yan madams. Hihi

$ 0.00
2 years ago

Hahahahahahahahahaha! Mga wanmilyon na hahaha! 🀣🀣🀣🀣 Ang kuleeet!! Gawa ka ng book nito e cocollect ko talaga to.. Hahaha! Lurv eeet. πŸ‘ŒπŸ‘ŒπŸ‘Œ

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, thank ypou sis! DAlawa na kayo nagsabi nyan,heheh. Nakakataba ng puso,Salamuch!

$ 0.00
2 years ago

Ahahhahahaha anong kainan yan Shiela at Henry? Bat sa jollibee pa, baka mag trending kayo oh.. Hahahhaaha, love this chapter

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha, thank you gah! ❀

$ 0.00
2 years ago

Kaya ba to hanggang chapter 50 nang? Gawin na itong nobela uyyy...

$ 0.00
2 years ago

Di pa keribels ng powers ko toπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Step by step lang nang ah.. kaya muna, ikaw pa

$ 0.00
2 years ago

Heheh, salamat sa tiwala gah..

$ 0.00
2 years ago

Now ko lang nabasa to. Lol isogo na yan!

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha, malapit na sis! πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

tawa na naman ako ng tawa mommy hahahaha. ang harot ni shiela plawer kagad nasa isip hahaha. more panga nito mommy. nakakwala ng stress..

$ 0.01
User's avatar Yen
2 years ago

Hahaha, thank you momshie, yes yes more of this paπŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Wah ate laptrip.ano yung magkabasagan? 🀣🀣🀣

$ 0.01
2 years ago

Hahaha, alam ni madams @Ruffa yanπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Ay iba tlga madami alam 🀣

$ 0.00
2 years ago

Haha, ang kulit eh, SOGO agad shiela, private lng, ikaw tlga naku po ang pagkahaba haba ng hair mo, pakitali at maaapakan ko na:)

$ 0.01
2 years ago

Hahahahaha, naku ganyan tlaga kapag mahinhin, mahinhindutinπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Sabi na kilala na sya dati pa ni henry e hehe. Ang harowt talaga ni shiela hahaha ganda ng linyahan. Kinikilig ako sa kanila!

$ 0.01
2 years ago

Heheh, thank you sis.. Simpleng malandi yan eh, hahahah

$ 0.00
2 years ago

Yay!!! Naalala ko nung unang nag i love you sa akin si mister nung 4th year kami.. Charot!!! At yung KABA pa talaga, theme song ko din yan kay mister ko nung high school kami nung crush ko palang sya.. Ahahaha.. Bumabalik tuloy ang teenager feels.. Ganda ng story sis..sana wag mo agad tapusin.. Hahaha..

$ 0.01
2 years ago

Ayiieeee, ang sarap balik balikan yun mga ganun moments sis noh, hahahaha..

$ 0.00
2 years ago

Truth..nakakakilig pa din

$ 0.00
2 years ago

Kinikilig c mare! Hahahha ajba ng hair mo day ,ikaw na ang maganda sa mata ni Henry, ano kaya ang kasunod! Kaka excite naman at kinikilig ako...

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha, thank you sis! Wait mo sa chapter 4,hehehe..

Thankful talaga ako at nagugustuhan nyo un ainusulat ko, heheh

$ 0.00
2 years ago

Hahaha may pa SOGO pa ...abangan ko yan sis sa part 4 ..kinikilig na yung girl...

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha.. Iniisip ko na kung pano ko sisimulan yun chapter 4 sis..

$ 0.00
2 years ago

Yung mas nakakakilig sis

$ 0.00
2 years ago