Naalala mo pa ba, noong ikaw ay musmos pa?
Lagi mo sinasambit ay ang salitang "Mama"
Mawala lang ako saglit sa paningin mo
Hanap mo agad ay si ako
Mama saan ka nagpunta?
Mama bakit di mo ko sinama?
Mama kwentuhan mo ko .
Mama i love you.
Tuwang-tuwa ako noong unang sinabi mo yan
Ang sabi ko pa, "saan mo yan natutunan?"
Ang sabi mo naman, "Sa palabas po, sabihan daw ng I love you ang mga Mama"
Kung sino ka man na nagsulat ng script na yun, Good job!
Naalala mo pa ba, noong unang araw mo sa eskwela,
Umiiyak ka dahil ang gusto mo samahan kita
Pero sabi ko sayo, "Anak, hindi pwedeng samahan ka"
Kaya ang sabi mo noon ay, "Huwag ka aalis Mama ha, dyan ka lang at ako'y bantayan"
Tuwang-tuwa ka pa noon ng tinatakan ni teacher ng 3 star ang kamay mo
"Mama, very good daw ako" yan ang pagmamalaking sambit mo.
Kaya naman si Papa mo ay may pasalubong agad sayo
Chocolate at ice pop na paborito mo.
Dumating ang araw na nagtapos ka ng kinder
Excited ka na suutin ang puting bestida na hiniram ko
Nakakalungkot dahil sa mga panahong yun ay walang wala tayo
Kaya naman pagkatapos ng okasyon ay di man lang kita napakain sa paborito mo na Jollibee
Pero sabi mo naman ay, "Mama okay lang yan, Kain na lang tayo sa bahay. Mas masarap ang pagkain na niluto mo kesa kay Jollibee"
Naalala mo pa ba, noong unang beses na nabully ka?
Galit na galit si Mama anak, alam mo ba?
Di baleng ako ang kantiin nila, huwag lang ikaw
Dahil mahal na mahal kita
Dumating ang araw na pumasok ka ng high school
Excited din ako sa bagong chapter ng buhay mo
Kaya kahit ako lang yata ang Nanay na andoon para samahan ang anak
Eh okay lng, mapapanatag ako na makita kang maayos ang kalagayan sa bagong mong eskwelahan
Madami kang nakilala, mga bagong kaibigan na makakasama
Masaya ako na nakikita kang masaya at alam ko na mabubuti sila
Naging bahagi sila ng iyong pag-unlad
Bilang tao at mabuting kaibigan
Sa dami ng iyong pinagdaanan bilang estudyante
Masaya ako na naging matatag ka sa tukso at masamang impluwensya
Lagi mong sinasabi na "Mama magtiwala ka, tutuparin ko ang pangako ko sa inyo ni Papa"
Lagi mo sinasabi sa akin na "Mama, kapag ako'y nakapagtapos na at natanggap sa magandang kumpanya, Ipagtatayo kita ng malaking bahay at ikukuha ng sampung yaya"
"May tagahugas, tagaluto at tagapagpaligo sa inyo ni Papa Ma, ang gagawin mo na lang ay ang magpaganda"
"Bibilhan din kita ng Ferrari, at ikukuha ng driver na macho"
Tawa tayo tapos ng tawa, dahil sa mga pangarap natin na sana ay hindi hanggang pangarap lang din.
Pero alam mo anak, makita lang kita na nakapagtapos eh masaya na ako
Hindi ko hangad ang mga binanggit mo
Makita lang kita na maayos ang estado sa buhay ay okay na ako
Di ba, lagi ko sinasabi na laging andito si Mama, gawin mo akong kalasag sa mga hamon ng buhay anak.
Kaya ngayon na magkokolehiyo ka na,
Laging andito pa din si Mama
Kahit minsan ay di mo ako kailangan
Basta lagi mo tatandaan, Isang tawag mo lang anak, si Mama ay palaging andyan.
Closing Thought
Emeged, masyado ako napaiyak ng sinulat ko na to! I'm sure lahat ng mother earth eh makakarelate dito. At sana din sa mga anak na makakabasa nito, malaman nyo sana na mahak na mahak kayo ng mga Mama nyo at siempre Papa na din. Kaya mahalin nyo sila at pahalagahan..
Date Published: August 11, 2021
...and you will also help the author collect more tips.
Ateeeeee 'di naman kita inaano ah? Bakit mo ako pinapaiyakkkkkk? HUHUHUHU
Ang tagal mo nang na-published 'tong article mo na 'to pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na basahin kasi sa title pa lang alam ko nang iiyak ako. Pero walaaaaaa, umiyak pa din ako. Ate kasi eh. Huhuhu