3.3 Shoppee Sale!
Oh lahat ba nakapagcheck out na?
Hey read-tizens, wazzz up! Wait, parang ang luma na ng wazz up na greetings, hahaha! So today eh tagalog muna tayo para di masyado mastress ang brain cells ko. And one more thing eh may naganap na kastress stress today kaya medyo lie low muna tayo sa english mga teh. Pero wag muna natin pag-usapan ang mga stressful things na yan, doon muna tayo sa medyo happy lungs, lol!
So last night nga eh ang bonggang 3.3 Sale ng Shoppe at Lazada. I swear, next month eh unistall ko na talaga to. I am planning to buy kasi some product worth 500 pesos since si husband naman ang magbabayad. Kaya sabi ko sa anak ko kagabi, gisingin nya ako ng 12 a.m. para makaavail ako ng shipping voucher. And when the clock struck 12, ayun nga, ginising ako ng bruha, sarap na ng panaginip ko with Lee Minho eh, char!
I actually had something on my cart na. Things for the house and items for my pets. Pero nun icheck out ko na sya, nag exceed sya sa 500 mga teh, so I was like, ano ang mas matimbang sa akin, ang para sa bahay or ang para sa mga alaga ko. And as expected, mas nanaig yun pagiging furmom ko kesa pagiging housewife and here's what I checked out last night.
1 gallon of Madre de Cacao shampoo for my pets for a price of 165 pesos and collar for my 5 kittens.
Bukod sa nakamenos ako sa shipping fee eh may makukuha din akong cashback kaya sulit na sulit na din. At yang isang galon na shampoo nila eh gang 5 months na yan para sa 4 dogs ko, twice a week ko sila pinapaliguan.
And then kanina, after ko maligo, bigla ako napasabi, "kailangan ko na bumili ng bagong panty." Kung nakakapagsalita lang yun panty ko eh sasabihin nun na, "Utang na loob, gusto ko na magretiro." HAHAHA! Pasensya na kayo guys, nagpapakatotoo lang. NoGar na talaga yun iba, hahaha! Ewan ko ba kasi, kapag gusto ko bumili ng bagong tipan eh bigla naman may ipapabili ang anak ko kaya ang ending eh mas uunahin ko na yun gusto nya kesa sa akin.
So ayun nga, bigla ako napabrowse ulit sa Shoppee, and I saw this one. Mukhang comfy naman sya at maganda ang review.
At napasabi na lang ako sa sarili ko na, "Sa wakas, no to NoGar na, hahaha! Pero nung icheck out ko na sya using my Gcash, bigla naman hindi pwede kasi maintenance si Gcash, yawa! HAHAHA!
Sign na yata to na kailangan ko muna ulit pulutin ang mga tinapon ko na NoGar panty, hahaha! Charoot, siempre di ko pa sila tinapon, hahaha!Jusko kaloka si Gcash, hindi nakisama eh. Anyways, mapapa ilang isip pa muna ako ulit nito kung bibilhin ko ba or hindi. Bahala na lang tutal pwede naman gamitan ng perdible pa, hahaha!
--
Ay shuta, ang ingay ko na, hahaha! Kaya wawakasan ko na ang kahibangan ko, Goodbye world! Charooot! Sana ay napasaya ko kayo today. Wala talaga ako balak magsulat ngayon kaso nasip ko na ishare to para naman kahit papano eh kumita ulit kaya pagtyagaan nyo na basahin to mga teh.
--
Petsa ng paglathala: March 3, 2022
Litrato mula sa Shoppee
ako eh ang more than 100 items na ang nasa cart pero wala akong inorder kasi wala pang pambayad mas may priority pa ako eh.haysst.Anyway .wag muna mgpanty sis para save ng water and sabon hehehe.